Prologue

111K 2.7K 714
                                    

"Come back here!!" sigaw ng mga school guards habang hinahabol ang isang estudyante na nababalutan ng pulang pintura.

"Catch me if you can!!!" sigaw pabalik ng babaeng estudyante habang patuloy parin ito sa pagtakbo.

Nahuli kasi siya ng mga school guards na pinipinturahan ng kulay pula ang mga comfort room ng skwelahan at pinagmumuka itong dugo.

Nakakatakbo siya ng maayos sa hallway nila ngayon dahil araw ng sabado at walang pasok, sumadya lang talaga siya sa skwelahan nila upang gawin ang pananakot niya na nasira dahil sa mga pakealamerong guard nila.

Lumiko siya sa isang pasilyo at nagtago sa isang nakabukas na classroom. Rinig niya ang paglagpas ng mga ito sa tinataguan niya kaya napahinga siya ng maluwag.

Inilibot niya ang kanyang tingin at napangiti ng mapagtanto kung anong room ang kanyang napasukan. Ang kanilang classroom na kinakaayawan niya dahil sa mga pabebe nitong kaklase at istrikto nilang adviser.

"I'm so lucky today.." sabi niya at inilabas ang pack ng red paint na nasa bulsa niya.

Nilagyan niya ng paint ang kamay niya tsaka idinidikit sa pader. Pinagmuka niyang murder scene ang kanilang classroom.

"This is so Lit. Hahaha"

Nahinto siya sa pagtawa niya ng marahas na bumukas ang pinto.

"She's here!!! Miss Deathalé surrender yourself" sigaw ng kanong guard.

"You wish you old man!!"

Kaagad siyang tumakbo papunta sa bintana at walang alinlangang tumalon mula sa classroom nilang nasa second floor.

"Fvck!!"

Walang hirap siyang lumambitin sa sanga ng puno at bumagsak sa lupa.

"Goodbye!! Assh*les!!" sigaw niya bago tumakbo papunta sa parking lot. She saw the luxurious car of her principal and a smirk form on her lips.

"Payback time my dear principal."

Kinuha niya ang baseball bat sa trunk ng kotse niya at walang pasabing hinampas ang bawat salamin ng kawawang sasakyan. Pagkatapos niya itong hampasin ay binuhusan niya pa ng red paint.

"Well then."

Sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot ito palayo. Binangga niya ang checkpoint ng school nila na humarang sa daanan niya. She will be expelled anyway, so bakit hindi niya pa sulitin?

She's Victoria Deathalé Maiden, but no one knows about her surname. A 17 year old who loves to ruin what she doesn't like. Want to know her more? Then be with her in her journey.

Thank you so much Jeyhanela for our new book cover.💖💖

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now