Chapter 22

53.9K 2.3K 237
                                    

The party

♡♥♡

"I'm fvcking nervous to meet your parents."

"Don't worry Pire. They won't bite."

Nasa airport kasi sila ngayon upang sunduin sina Mr. & Mrs. Maiden lulan ng kanilang private plane. Hindi sila bumaba sa kanilang pag-aaring lupain upang hindi malaman ng kalaban nilang organisasyon ang kanilang pagdating.

"Why am I even here?"

"Because you're Pire. Wag kana magreklamo diyan. Sapakin kita e."

Tumahimik na si Pire dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi siya mananalo laban kay Death. Sa pangatlong pagkakataon ay nakaramdam ng kaba si Pire dahil narin sa isang sikreto.

Ilang saglit pa, natanaw na ni Death ang napaka kisig at napaka gandang ina na nagsusumigaw nang mataas na katayuan sa organisasyon. Nagpapasalamat sila dahil hindi napapansin ng ibang tao ang kanyang mga magulang.

"Mom, Dad!!" bati ni Death at yumakap sa mga magulang nang makalapit sila.

"Welcome to Philippines Mr. and Mrs. Maiden." yumuko si Pire bilang paggalang. Kahit na kinakabahan ay inayos niya parin ang sarili upang hindi kahiya-hiya ang kanyang pagbati.

"Thank You Wensly. We should go." sabi ni Mrs. Maiden na nakakapit sa braso ni Mr. Maiden.

Si Pire ang nagmaneho ng itim na sasakyan, katabi nito si Death na nasa passenger seat at nasa likod naman ang mag-asawa.

Kahit na may aircon ang sasakyan ay pinagpapawisan parin si Pire sa presensya ng dalawang amo. Mukang kahit kailan ay hindi siya masasanay sa mga nakakatakot na aura na hatid nila.

-

Kinagabihan ng mismong kaarawan ni Death ay nakahanda na ang lahat. Naka bukas para sa mga bisita na mula sa organisasyon ang mansion ng mga Maiden. Ang alam lang ng lahat ay isa itong pagdiriwang sa pagbabalik ng mag-asawa sa pilipinas.

Sa kanyang silid ay tahimik na inaayusan si Death na nakasuot ng backless long gown na kulay itim na kumikinang sa liwanag dahil sa mga bato nito na nakakabit sa kanyang kasuotan. Hindi siya sanay sa ganitong kasuotan ngunit wala siyang magagawa kapag ito ang ginusto ng kanyang pinsan.

"You're really gorgeous as tita Victoria couz." papuri sa kanya ni Wendy nang malapit nang matapos ang pag-aayos ng debutant.

"Kailangan talaga backless? Hindi ba pwedeng yung white dress nalang ang isuot ko? Ang kati nito bigtime"

Tinaasan siya nang kilay ni Wendy dahil sa reklamo nang pinsan. Minsan nga ay naiisip niyang sana siya nalang ang pinsan, maganda na, mayaman pa. She almost had everything pero kahit ganoon ay ok na siya sa buhay niya, no hassle, no death threats.

"You have to be fierce this night Deathy. After mo maipakilala, you can wear that white dress you want."

Sumang-ayon nalang si Death dahil atleast, makakapag palit siya mamaya.

-

"Seryoso ba si Death na nandito siya? I mean this is the Maiden's mansion. Don't tell me?" ani ni Lorian habang inililibot ang tingin sa paligid nang mansion.

"Hindi ko din alam pero parang oo." sabi ni Ren na halatang excited na masaksihan ang mangyayari mamaya.

Ang party ay exclusive sa mga nasa organisasyon at sa mga piling bisita ng pamilya. Formal ang theme ng party at dahil kilala ang mga Maiden, pinaghandaan ng lahat ang kanilang mga kasuotan upang mapansin nang pinaka kilalang pamilya at makipagkaibigan.

"Bakit may nakapasok na base sa party na'to? Gate crasher kayo ano."

Napalingon ang tatlo sa kakarating lang na si Samantha Collins kasama si Chloe Jetkins.

"Kami gatecrasher? Edi tegok na sana kami ngayon. Nag-iisip kaba?" pagsagot ni Lorian. Pinigilan naman siya nang dalawang lalaki.

"Aba, matapang kana? Bakit sinong pinagmamalaki niyo? Yung kaibigan niyong walang alam kundi kalokohan? Does she even invited here? Hahaha poor her."

"Atleast pumapalag siya sayo. Wala ka namang binatbat e. She's more deserving to be in S-elite than you."

"Aba't—"

"Goodevening everyone. The party will start in just a couple of minutes. Please go to our main reception, Mr. and Mrs. Maiden will announce something that everyone might be surprised." Isang boses na sinakop ang venue.

"Hindi pa tayo tapos!!" banta ni Samantha sa tatlo bago sila tinalikuran at nagpunta sa main venue.

"Hindi mo na sana pinatulan." binitawan ni Mike si Lorian, ganun din si Ren.

"Nakakainis na kasi."-Lorian

"Baka pagbalingan niya nanaman si Death. She had enough."-Ren

Napabuntong hininga na lamang sila at napagpasyahang sumunod narin sa pagpunta sa main Venue habang hinahagilap sa kung saan man maaaring magsuot si Death ngunit maaaring mamaya ay makikita nila ito ng surpresa.

-

"Good evening ladies and gentleman. May now i present to you the man and woman of this night. Mr. Demitre Riuki Maiden and Mrs. Victoria Hyacint Maiden."

Nagpalakpakan ang lahat kasabay nang paglabas nang dalawang taong akala nang lahat ay centro ng kasiyahan. Halos lahat ay napanganga sa kagwapuhan at kagandahang taglay ng mag-asawa. Parang hindi man lamang tumanda ang mag-asawa mula nang huli silang makita nang lahat.

Ibinigay nang MC ang mikropono sa mag-asawa na masayang tinitignan ang kanilang mga bisita.

"Goodevening everyone. Thank you for coming for tonight. It's been a year mula nang umuwi kami dito sa Pilipinas and I'm thankful na kilala niyo pa kami. Haha" nagtawanan silang lahat. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanila. "Ngunit ang gabing ito ay hindi para sa aming dalawa ng aking asawa."

Nagbulungan ang lahat dahil sa tinuran ni Mr. Maiden.

"Tama, dahil ang gabing ito ay para sa aming anak. Ang tagapagmana nang lahat ng meron saamin."

Nakaramdam ng excitement ang lahat nang mabanggit ang 'tagapagmana' dahil matagal na nila itong nais na makilala.

'Oh my ghad!! Ang swerte talaga namin'-Lorian

'At last, makikilala na namin ang kulang saamin.'-Nigel

'Tss. Pa VIP'-Ravaneal

'Hayy, we don't need to stick with those brats anymore."-Grover

"We wanted to introduce to you the star for tonight."

Natahimik ang lahat kasabay ng paglabas ng walang emosyong dalaga sa gitna ng hagdan habang nakaalalay sa kanya ang makisig na binatang katulad niya ay wala ring emosyon.

"Our debutant, our one and only daughter and the heiress of our organization. Victoria Deathalé Maiden."

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now