Chapter 33

43.5K 1.6K 350
                                    

Vacation: Kiss

♡♥♡

Dumapo ang tatlong yacht na sinasakyan ng mga mag-aaral ng Blizards Academy sa pribadong isla ng mga Maiden. Isang malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa kanila.

"Grrr... Ang lamig naman dito" sambit ni Lorian tsaka niyakap ang sarili niya.

"You should have brought your jacket Tori. Baka lamigin ka." sambit naman ni Pire habang pinagmamasdan si Death.

"Ayy grabehan, ako ang nilamig. Iba ang inalala."

Natawa nalang si Death at tumingin sa harapan nila. Ang kanilang private island ay may tatlong nakatayong building. Isa lang ito sa mga pag-aari nila na pwedeng pagbakasyunan ng iba, ang iba kasi ay talagang restricted na at hindi pwedeng puntahan, ninuman.

Sumalubong sa kanila ang maraming numero ng mga bantay sa Isla.

"Maligayang pagdating sa Isla de Skulla Blizards, lalo na sayo Miss Deathalé." bati ng isang binatang nasa kaedaran rin nila at napangiti si Death ng makilala niya ito.

"Zilo!!" masayang bati ni Death at yumakap sa kanya. Humiwalay rin naman siya kaagad "Kamusta na?"

"Mabuti naman Miss Deathalé." binalingan ni Zilo ang iba pang kasamahan at sinenyasan na asikasuhin ang kanilang mga bisita. "Mabuti at naparito kayo. Sino naman iyang apat na lalaking kasama mo? Sino sa kanila ang nobyo mo?"

Lumingon siya sa kanyang likuran at nagtaka kung bakit maging sina Nigel,Grover at Ravaneal ay hindi pa umaalis.

"Oyy tatlong Gori, bakit nandito pa kayo? Pumasok na kayo sa loob para makapagpahinga." bilin ni Death na ikinakunot ng noo ng kanyang mga kasamang lalaki.

"Gori?" sabay-sabay nilang tanong.

"Short for Gorilla. So, ano na? Hindi pa kayo magpapahinga?"

"First of all, we're not Gorilla. Second, we will go wherever you go." sagot ni Ravaneal na ikinatango nina Nigel at Grover. Hindi naman sila papayag na tawagin nalang silang bastang Gorilla dahil sadyang napaka gwapo ng kanilang muka para lang ikumpara sa isang hayop.

Hinayaan nalang sila ni Death at muling hinarap si Zilo. "Wala akong nobyo sa mga yan. Siya si Pire Wensly, reaper ko. Si Nigel Castellan,Grover Elliot at Ravaneal Knight." pagpapakilala nito habang tinuturo sila isa-isa.

"Mga anak ng kilalang tao. Mabuti at magkakasundo kayo."

Tinahak na nila ang daan papunta sa Hall na nasa gitnang building habang nakasunod parin sa kanila ang apat.

"Actually, hindi ko kasundo ang iba sa cycle 10, lalo na ang mga babae. Masyado silang b*tch. Pasalamat sila at lokoloko lang ako at hindi pumapatol sa mga walang kwentang ano nila."

Napatawa naman si Zilo sa paraan ng pagkakasabi ni Death, with facial expression pa kasi ito.

Samantalang expression ng pagkairita ang makikita sa muka ng dalawang lalaki sa likuran—Ravaneal at Pire. Nakakunot ang kanilang noo habang pinapanood na magtawanan si Death at si Zilo na parang wala lang sila sa likuran.

'Sino ba itong g*gong to? Makatawa, nakakabanas.' -Ravaneal

'Inagawan pa ako ng attention.' -Pire

Nakarating na sila sa hall at naabutan ang iba pang kasamahan na nakaupo na sa kanya-kanya nilang upuan upang kumain ng hapunan.

"Kumain na kayo Miss Deathalé, pagkatapos ay magpahinga upang makapag enjoy kayo bukas. Babalik lang ako sa trabaho ko."

"Sige Zilo, see you tomorrow."

Nagpaalaman na sila sa isa't isa bago pumunta sa dapat nilang puntahan. There was a separate table for the Cycle 10 and Pire. Naupo sa katapat niyang upuan si Ravaneal at nakatitig lamang ito sa kanya ng walang emosyon.

"Problema mo?" tanong ni Death kay Rav ngunit hindi siya sinagot nito kaya napairap siya.

Kukuha na sana ng pagkain si Death ng maunahan siya ni Pire na maglagay ng kanin sa pinggan niya.

"Here, you should eat more Tori. Nangangayayat kana." naglagay ng dalawang scoop ng kanin si Pire sa pinggan ni Death.

"Thank you Pire, you too. You should eat more. Puro nalang ako inaalala mo."

"Well, that's what makes me happy. Keeping you safe Tori."

"Ehem.. Ehem.. Pwede kami naman sa kanin? Like hello?" pagpigil ni Samantha sa conversation nina Death at Pire.

"Anong tawag mo diyan sa puting yan na nakalagay sa lalagyan at may sandok pa? Hindi ba yan kanin?"

Sa mesa kasi nila ay may tatlong servings ng kanin na sobra pa nga sa kanila. Malapit lang ito kay Samantha kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang kunin ang kanin sa tapat nila.

"Can you just guys eat without noise? Sometimes, we need peace in this group." Saad ni Nigel na sinang-ayunan ni Death sa isip niya.

They eat in a complete silence. Maayos namang nakakain si Death kahit na nahuhuli niya ang panaka-nakang pagsulyap ni Ravaneal sa kanya.

Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay nagsipuntahan na ang lahat sa kani-kanilang kwarto. Nanatili naman si Death sa Hall at nagbabalak na lumabas upang maggala muna saglit sa Isla.

Mag-isa siya ngayon dahil pinagpahinga na niya muna si Pire. Maghapon na siya nitong binabantayan, at isa pa hindi pa siya inaantok dahil sa haba ng tulog niya sa biyahe.

Lumabas siya ng gusali at nagtungo sa kakahuyan. Nakasalubong niya pa ang ilan sa mga bantay nila. She looked at the darkness that envelopes the forest. It's been a while mula ng pumasok siya rito. She was about to enter the forest when someone grab her and pin her to the trunk of the tree.

"Arrghh Tang*na naman pre. Hinay-hinay. Masyado kang wild." naiinis na sambit ni Death dahil sa sakit ng paghampas ng kanyang likuran sa puno.

"Damn, Victoria..."

Naamoy ni Death ang pamilyar na amoy na nakakapagbigay ng ginhawa sa kanya.

"Andree.."

Idinikit ni Ravaneal ang kanyang noo sa noo ni Death kung kaya't amoy na amoy ni Death ang amoy mint na hininga ni Ravaneal.

"Why are you doing this to me Victoria?"

Tinulak ni Death ng bahagya si Rav upang magkaroon sila ng espasyo sa isa't isa.

"Ako pa ngayon? Anong ginawa kong masama sayo? Ikaw nga itong bigla na lamang manghahablot tapos hinampas mo pa ako sa puno."

Nakatitig lamang ang mga mata ni Ravaneal sa mata ni Death. Humakbang palapit si Rav upang muli nanamang mawala ang espasyo sa pagitan nilang dalawa.

"You're making me crazy Victoria." hinawakan ni Rav ang kanang kamay ni Death at ipinatong sa kanyang dibdib. "You're making my heart beat faster than it should. My heart is in pain when you're with another guy. You make me miss you damn much Victoria. I'm falling Victoria, please catch me."

"W-what are you saying Andree?"

'Damn Death!! Why are you stuttering?' her thought.

"Victoria Deathalé Maiden, I'm fvcking inlove with you and damn those people who wants to steal you away from me. I won't let them Victoria, I won't."

In a snap. Nagdikit ang malambot na labi ni Ravaneal sa labi ni Death na hanggang ngayon ay hindi parin maintindihan ang sinabi ng binata sa kanya.

'What the fudge'

✴️

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)On viuen les histories. Descobreix ara