Chapter 51

35.1K 1.3K 98
                                    

⭐Deathalè⭐

Umuwi nalang ako matapos ng pangyayaring iyon. Wala akong gana pumasok ngayon sa mga klase ko kaya imbis na matulog ako sa classroom ay mag-eensayo na lamang ako para sa nalalapit na Coronation of the Heirs and Heiress

Nararamdaman kong ang gabing iyon ang pagtatapos ng kwentong sinimulan ko. Sa gabing iyon ko malalaman kung ang kwentong ito ba ay may katapusan na maganda o hindi.

Our reapers and assassins greeted me as always. Pero napansin ko ang kotse na latest model sa isang tabi. Meron rin ang sasakyan nina Mom and Dad, meron ba silang bisita ngayon?

"Pire, may sinabi ba si Dad na may dadating kaming bisita ngayon?" tanong ko sa walang kibong si Pire sa tabi ko. Mula kanina ay hindi siya umiimik na para bang may malalim itong iniisip.

"Wala naman. But I think, ngayon mo na malalaman"

Kumunot ang noo ko pero hindi na ako nagsalitang muli. Meron nanaman bang lihim na mabubunyag ngayon? Bakit kaya hindi nalang isang bagsakan para masaya diba?

Pumasok kami sa mansion at napaka gloomy ng atmosphere. Tahimik na para bang... Hindi ko din alam, hindi ko maipaliwanag.

"Miss Deathalè, Master Pire" bungad saamin ng isa sa mga reaper namin. Alam na nilang lahat ang tungkol kay Pire so they address him same as ours. He's no longer just a reaper of our family. He's now officially and legally part of our family.

"Sina Mom and Dad?"

"Nasa opisina sila Miss Deathalè at sinabihan ako na kapag dumating kayo ay papuntahin kayo kaagad doon."

Tumango ako at nagtungo kami ni Pire sa office ni Dad.

Nag aalinlangan akong buksan ang pintuan pero pinihit ko parin ang sedura ng pinto at humakbang papasok ngunit napatigil rin ako dahil sa nasaksihan ko. Sina Mom and Dad ay may kayakap na isang lalaki at sa tingin ko'y nag iiyakan sila.

"Mom... Dad"

Napatingin sakin sina Mom and Dad. Even the guy, dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon ko na ikinagulat ko.

"Grover.. What-"

"My princess"

Umiiyak na lumapit sakin si Grover at niyakap ako. Humagulgol siya sa balikat ko and the same with mom and dad pero nakikita ko ang saya sa kanilang muka. Ano ba ang nangyayari? Bakit nandito si Grover? Bakit niya ako niyakap? Bakit sila nag-iiyakan?

"What are you talking about?"

Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sakin at hinawakan niya ang pisngi ko. Hindi ko alam pero nag iinit ang mata ko. May namumuong luha na gustong kumawala. Unti-unti ko ng naiintindihan ang nangyayari.

"I miss you my princess, I miss how I used to protect you."

He kissed my forehead down to my nose as what my older brother used to do.

"D-drevor?"

Ang luhang namumuo ay kusa ng kumawala, tumulo na ng tuluyan ang luha ko na pinupunasan naman ni Grover-Drevor.

"Yes, it's me my princess. Nandito na ako, hindi kita iniwan. Hinding hindi kita iiwan"

Humagulgol na ako at tuluyan siyang niyakap ng mahigpit. Tang*na namiss ko siya. It's been a decade but i still fvcking miss him. Kaya pala kahit na iba siya makatingin sakin ay panatag naman ako, kahit na minsan tinititigan niya ako ay hinahayaan ko lang. That's his way of observing me and he sucks at it. But at the end of it, I fvcking miss him.

-

Matapos naming mag-iyakan, we decided to have a celebration. Isasabay narin namin ang pagpapalit ni Pire ng apelyido niya. Kahit na sabihin niyang hindi na kailangan, Dad insist because he's a Maiden. Dugo ni dad ang nananalaytay sa katawan niya. Knowing dad, hindi yan magpapatalo.

"Mr. Elliot adopted me dahil hindi sila magkaanak ni Mrs. Elliot, they didn't know that I'm a Maiden dahil napulot lang nila ako malapit sa labasan sa likod ng Mansion. Ang akala nila, anak ako ng isa sa mga reapers natin and we live like that. Palagi kong binabantayan si Death ng hindi niya nalalaman. Kaya natuwa ako ng lumipat siya sa school dahil mas mapapadali ang pagbabantay ko. Then everytime na napagbabantaan siya, i want to be in rage pero alam kong hindi magandang hakbang iyon. So here I'am, Pire discovered my secret. Hindi ako nakabalik kaagad dahil may plano ako na sa tingin ko'y makakatulong sa'tin balang araw."

Napatingin ako kay Pire para senyasan siyang magpaliwanag.

"Yun ang dapat kong sasabihin sayo Tori, pero inunahan mo ako at dumating pa si Castellan kaya hindi ko na nasabi. I just found out dahil pina imbestigahan ko si Nigel and Grover pati na si Knight."

That explains why palagi silang nag uusap ni Chasey, akala ko pa naman may namamagitan na sa kanilang dalawa. Well okay lang naman sakin, Chasey is a goodgirl, sintosinto lang naman minsan.

"Whatever is that. I'm really happy because we're now complete. May dalawa na akong kuya and it makes me feel happy even more." at sisiguraduhin kong ang kasiyahan na ito ay hindi mawawala. Tatapusin ko na ang gera na sinimulan nila. Kahit buhay ko ang kapalit, masigurado ko lang na ang mga ngiti sa kanilang mga labi ngayon ay hindi maglalaho o mawawala.

-

Isinuot ko ang gloves kong black matapong kong maisuot ang boots ko. This evening, I'm going to rock the Purgatory Underground. There is no reason of hiding my identity as 'key' dahil kilala ko na ang mga kalaban ko. The reason why i joined that underground is because in thought na nandoon ang kalaban ko, pero it turns out na nasa iisang bilog lang pala kami.

"Victoria?"

"Mom"

Pumasok si Mom sa kwarto ko and she saw me cleaning my gun. Naupo siya sa kama ko at tinignan lang ako.

"You're going to that place again?"

"Yes mom. I just wanted share the happiness that I'm feeling to everyone."

"By beating them to death?" natatawang saad ni Mom kaya napatawa din ako ng konti. Hindi naman e.

"Nope, I just wanted to play with them mom. I won't break bones this time."

Hinaplos ni Mom ang buhok ko at niyakap ako. "Just be careful Victoria. I will surely kill all of them when something bad happen to you. You are our treasure so please take care. Kakabuo lang ng pamilya natin kaya sana umuwi na ng walang labis walang kulang."

Napangiti ako at tumango. Mom really loves us. Kahit na nagkamali si Dad, she still stick with our fam. She's a perfect mother for us and perfect Wife for dad. We're lucky to have her.

I don't know pero parang hindi ko nakita sina Drevor at Pire sa bahay habang palabas ako. Maybe they are having a brother to brother bonding. Mabuti na iyon, para hindi nila malaman na aalis ako.

Pagpasok ko sa kotseng gagamitin ko, in start ko kaagad ang makina ng sasakyan tsaka napatingin sa rearview mirror at halos tumigil ang paghinga ko dahil sa dalawang pares ng matang nakita ko.

"Why did you stop? Let's go now."

"Oo nga, Nakakamiss nadin sa purgatory underground. I will tour you later there Pire."

"Yup, after her fight older brother."

Napa awang ang bibig ko.

"What the fvck"

"Let's go sister." sabay nilang sabi at komportableng sumandal sa inuupuan nila.

Ptangnang buhay to. Naunahan pa pala ako ng mga kuya ko sa kotse ko. Ginawa pa akong driver ng mga loko. Letse.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Där berättelser lever. Upptäck nu