Chapter 47

34.2K 1.2K 414
                                    

Kidnapped

⭐Nigel⭐

"What is your plan now Nightmare?"

Napatingin ako sa likuran ko at nandito na pala siya. Ang kasabwat ko sa lahat ng ito.

"It's been a month ng pumalpak ang plano mo. Mabuti nalang at hindi pa nila nalalaman kung sino ang nasa likod nito."

Dahil kung alam na niya na ako ang may pakana ng lahat, hindi na sana ako humihinga ngayon.

"Actually, nagtataka ako dahil hanggang ngayon wala pa siyang kaalam alam."

"She's busy managing their school at hindi naman ako ganon katanga para magpahuli sa kanya."

"I hope so. Because one mistake of a move, for sure we're dead."

After that umalis na siya. Naiwan nanaman akong mag-isa sa malawak na kwartong ito.

Everything after I knew that she's the heiress of the Maiden's was real. I wanted to be her friend I even had a crush on her because she's different.

Kung hindi lang dahil sa kasalanan ng pamilya niya sakin, siguro ngayon ay totoo pa ang pinapakita ko sa kanya, siguro ay ako pa ang isa sa mga taong poprotekta sa kanya. Everything became a mess.

After that party, I planned everything, to kill her and her family. The death threats and everything.

Sooner or later malalaman na niya kung sino ako, kaya kailangan ko ng bilisan ang plano ko. The Maiden's family will be in a great mess.

⭐Pire⭐

"Himala, walang nag-aaway ngayon"

Sumama ang timpla ng muka ko dahil sa boses na yon. Kung pwede lang na gilitan ko siya sa leeg ngayon mismo, ginawa ko na.

"Sino ba namang maglalakas ng loob na gumawa ng gulo? Haha siya na nagbanta e."

Isa pa to, napakamalihim niya. Ilang beses ko na siyang in background check pero palaging 'denied', kahit na i hack ko pa ito.

Si Nigel Castellan, ang akala mo kakampi, isa palang traydor kasi lahat naman kami demonyo pero hindi traydor tulad niyan. Wag niya lang gagawan ng masama si Death dahil ako ang maghahatid sa kanya sa kamatayan niya.

Si Grover Elliot ang misteryosong tao na palagi kong nahuhuling nagnanakaw ng tingin kay Death. Wala naman akong na s-sense na masama sa kanya pero mabuti na ang sigurado. Parang may iba kasi sa isang to, hindi ko lang alam kung ano.

"Pire Wensly, pinapatawag ka ni Death sa office ni Mr. Marien"

"Susunod na ako Chasey."

"Okaaaaaaay"

Tumayo na ako at lalabas na ng pinto ng makasalubong ko si Ravaneal.

"Hey, brother-in-law. Nakita mo ba si Victoria ko?"

Kinunotan ko siya ng noo dahil sa pagtawag niya sakin ng brother-in-law. Gago to, hindi ko alam kung anong nangyayari pero ibang iba siya sa Ravaneal na nakilala ko noon.

"Brother-in-law?" tanong nung dalawa.

"Wag kang buntot ng buntot sa kapatid ko, nakakasawa yang pagmumuka mo."

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt