Chapter 27

52.9K 1.7K 132
                                    

Inter-school

♡♥♡

Walang alinlangan na sinundan ni Death ang taong nakita niya. Iniwan niya ang bag niya sa kung nasaan si Pire, wala rin namang laman iyon.

"Tori!!"

Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Pire at diretso lang ang kanyang tingin sa kung saan niya nakita ang taong iyon.

Habang papasok siya sa kakahuyan, padilim ng padilim ang paligid at tanging maririnig lang ay ang kanyang pagtakbo sa may mga tuyong dahon.

Huminto siya saglit at inobserbahan ang paligid, sa isang puno, nakakita siya ng bahid ng dugo, maging sa isa pa at sa isa pa. Sinundan niya ito hanggang sa mawala ang bahid ng dugo sa mga puno.

Pinakiramdaman niya ang paligid at kaagad niyang itinaas ang kanyang baril upang barilin ang taong nagtatago sa itaas.

Nahulog ang katawan nito, balot na balot ito ng itim na kasuotan. Tinanggal niya ang tumatakip sa muka nito at tumambad sa kanya ang di kilalang mukha. Napansin niya ang parang camera na nakakabit sa damit nito kaya napangisi niya.

"Whoever you are, fight me face to face. Nightmare? Such a lame name assh*le." she shot the camera at lumabas na ng kakayuhan na para bang walang nangyari.

⭐Deathalé⭐

Paglabas ko ng kakayuhan sa Blizard, sinalubong ako kaagad ng mahigpit na yakap ni Pire.

"Damn Tori!! Don't do that again!! I'll die if something bad happened to you."

Kita ko sa likod niya ang mga S-Elite. Nagkatagpo nanaman ang mga mata namin ni Ravaneal, halong pag-aalala at sakit ang nakita ko sa mga mata niya. Para saakin ba iyon? O baka assuming lang ako? Nag-iwas na siya ng tingin atsaka umalis.

"I'm fine Pire, he's already dead."

Humiwalay na siya sakin ngunit nakahawak parin siya sa balikat ko. Nakatingin siya diretso sa mga mata ko.

"I'm your reaper Tori. If you want someone dead, just tell me. I can kill them all for you."

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya.

"You're not just my reaper Pire. You're my friend and brother. You're special to me, so don't think that this is your job, this is what you deserve Pire."

-

Matapos ng eksenang iyon, parang tuko kung makakapit sakin si Pire. Sa bawat galaw ko ay mapapatingin siya, kung saan man ako magpunta ay sasama siya, kahit na sa banyo pa yan o sa kung saan pa talaga.

KINAUMAGAHAN hindi na ako nagdala ng bag dahil ika cancel din naman ni Kuya Moki ang klase para makapaghanda ang lahat. Para saan? Pwes, siya narin ang magsasabi nun mamaya sa gaganaping pagtitipon sa Auditorium.

"Bliz, proceed to the auditorium now for an important announcement."

Yan ang umalingawngaw sa buong campus. Bliz ang tawag sa estudyante ng Blizard.

"Do you know what's happening?" tanong ni Pire sakin habang lumihis kami ng daan papunta sa Auditorium.

"Mag a-announce lang siya."

Pinaningkitan niya ako ng mata kaya napatawa nalang ako. Ayoko namang i spoil si kuya Moki sa sasabihin niya.

Pagdating namin sa auditorium, halo-halong Elites at base ang nakaupo sa loob ngunit makikita mo parin talaga ang division ng dalawang pangkat. Makikita rin na walang magandang relasyon ang mga Elites at base.

"DEATH!!!" nilingon ko ang mga taong tumawag sa napakagandang pangalan ko.

"Oh, Lorian,Mike, Ren!! 1 day no talk." natatawa kong bati sa kanila. Isang araw lang naman kaming di nakapag-usap e.

"Luh, bakit hindi kayo pumasok kahapon? Nag-alala kaya ako."-Lorian

"Sus, ikaw mag-aalala? Maiden kaya yan at malamang sa S-elites na sila pumapasok."-Mike

"Oo nga, nakalimot na."-Ren

"Mga sira!! Syempre may mga bagay na kailangan mong itama. Don't worry, ako parin naman to."

Napatingin sila kay Pire na aligaga sa pagtingin sa paligid na para bang pinag-aaralan ang bawat anggulo nito.

"Anong meron dito kay Wensly? Parang ewan na kanina pa palingon-lingon sa paligid." tukoy ni Lorian kay Pire. Tinaasan naman siya ng kilay ng huli.

"Can you guys talk later? Nakakangawit." sabi nito kaya naupo na kaming lima. Hindi na namin pinansin ang division ng area para sa base at elites. Para lang silang mga tanga.

Nagkwentuhan kami patungkol sa mga nangyari sa paglipat namin but it was interrupted by a Voice.

"Goodmorning students of Blizard. I'm Moki Marien, your principal. For today, classes are suspended."

Parang mga g*go naman silang nagpalakpakan.

"Quiet. Our school is invited for the upcoming local inter-school competition wherein ang mananalong school ang mag rerepresent ng bansa sa international inter-school competition. Today will be the screening for the events kaya hindi rin kayo makakauwi. For some inspirational message. A special person visits us here in our school. Please welcome, the owner of this school Mr. Demitre Riuki Maiden."

Natahimik ang lahat ngunit ng lumabas si Dad ay nagsipalakpakan sila. Natatawa ako sa itsura nila ngayon, ang iba ay parang wala sa sariling pumapalakpak habang nakatitig kay Dad.

"Good day students of Blizards and to you my beloved daughter..." nginitian ko siya kahit na nasa akin nanaman ang atensyon nila dahil sa kanya.

"Daughter? Si Death?"

"Don't tell me...."

"Oh My Gosh"

Ha-ha-ha funny.

"Anyway, for the upcoming inter-school school competition. I hope everyone will participate. Inaasahan ko rin na mananalo tayo sa pagligsahang ito. Alam kong karamihan sa mga nag-aaral rito ay mayayaman ngunit mas maganda kung makapunta kayo ng ibang bansa dahil sa sarili niyong kagalingan at hindi lang dahil sa pera diba? My daughter—Victoria Deathalé will monitor all the screening that will happen this day. So if ever na tayo ang manalo, after the competition, you'll gonna have a vacation in our private island for 3 days. So goodluck Blizards."

Nagsigawan naman sila ng marinig nila ang salitang bakasyon. Mga ulupong tong mga to, kunsabagay. Maganda nga naman ang Isla namin, that's one of my favorite place na palagi naming pinupuntahan nila Dad kapag may free time.

"So that's it. Anyway, the competition will be held here in our school. So be good guys, welcome the other school warmly and treat them right. Pwede na kayong magpunta sa venue ng screening para sa bawat event. "

Nagsitayuan na ang lahat at mukang excited sa magaganap na inter-school. Pero ano daw? Ako mag momonitor sa lahat? What the fvck!!

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora