Chapter 13

57.5K 2K 167
                                    

WAR

⭐Deathalé⭐

"Wag mo nalang kasi i butones yang polo mo. Wag kang feeling mabait jan kasi hindi ka ganon."

"Nagsalita ang sobrang bait."

"Aba ako pa.."

Inirapan niya ako na ikinatawa ko. Ang sabi ko kasi sa kanya, wag na niya i buttones yung polo niya kasi nagmumuka siyang mabuting estudyante, e hindi naman siya ganon.

"Oo na, kahit paano ko isuot ang uniform ko, gwapo parin naman ako."

Tinaasan ko siya ng kilay at inunahan sa paglalakad. Lakas mag joke ni kuya e. Grabe, nanlamig ako.

Hindi pa ako nakaka sampong lakad ay may umakbay nanaman sakin. As usual pinagtitinginan nanaman ako ng ibang stupidyante ng Blizards. 

Pagdating namin sa tapat ng pintuan ay saktong pagdating ng teacher namin.

"Goodmorning Mr. Doson." bati naming dalawa ni Pire sa kanya.

"Goodmorning Miss Deathalé and Mr. Wensley. Pumasok na tayo."

Pinauna na namin siya since siya ang teacher. Sumunod naman kami ni Pire, dumaretso ako sa upuan ko habang siya naman ay naiwan sa harapan para magpakilala. Ang buong silid ay tahimik lang, na ang ingay lang na maririnig ay ang ingay ng mga bagay. No one dared to make such noise.

"As you can see may bago kayong kaklase. Magpakilala kana."-teacher

"Pire Wensley, 17 and Death's shadow."

Hindi na niya hinintay pang matapos ng maayos ang pagpapakilala niya, naglakad na agad siya papunta sa tabi ko. Nakasunod naman ang tingin sa kanya ng mga kaklase namin. Sana naman ay natatandaan pa nila si Pire.

Nag-umpisa ang buong klase ng hindi nakikinig si Pire, natulog lang siya. Adik din ito e, mana sakin. Di rin kasi ako nakikinig, naglalaro lang ng 'SOS' mag-isa.

*Kriiiiiiing*

Nagsilabasan na ang ilan naming kaklase at ang natira nalang ay si Pire(tulog parin), Mike,Lorian,Ren at ako (Maganda parin).

"Ahhhh Death, sabay-sabay na tayo." ramdam ko sa kanya ang pag-aalangan. Dahil siguro kay Pire.

"Sige.." binalingan ko ng tingin si Pire. Nakaisip nanaman ako ng kalokohan. Hahaha

Itinapat ko ang bibig ko sa tenga niya at....

"PAAAAAYRIIIIIIII!!!"

*bogsh*

"THE FVCK!!"

"Hahahahahaha!!! Ang epic."

Sinamaan niya ako ng tingin at ako naman ay tawa latta ng tawa, walang makakapigil sakin.

"The fvck!! Mababasag eardrums ko dahil sayo." pagalit nitong sabi sakin pero tinawanan ko lang.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinulungan siyang makatayo. "sabay na tayo kila Lorian"

Hinila ko na siya palabas ng room at mas nauna kaysa sa tatlong taong nakatulala lang sa loob ng room. Sumunod rin naman sila pagtapos nilang matauhan.

-

"You know what guys? Ang tahimik niyo talaga. Ituring niyo nalang na kaibigan ni Pire, mabait naman siya yun ngalang minsan tinotopak katulad ko. Haha" pagbabasag ko sa katahimikan sa table namin.

Sobrang tahimik kasi ng tatlo, hindi ako sanay. Eto pa, pati ibang base na nasa dining hall ay tahimik rin na nagmamasid samin. Hihi ang gwapo kasi ng kilay ni Payri, nakaka speechless yata.

"Umhhh.. Haha, nakakatakot kasi ang aura niyo, napaka misteryoso niyo talagang dalawa..aww" siniko kasi ni Mike si Lorian, napa aww tuloy.

Nakakatakot ba? I'm trying my best para itago ang nakakatakot kong aura para masaya pero bakit ganon? Ano siya? Shaman?

"Ayy haha hayaan niyo nalang. Bago niyo palang kasi na nakasama si Pire kaya ganyan. Sooner or later magiging compatible din tayo sa isa't isa." sabi ko nalang kahit na walang kasiguraduhan.

Pagkatapos naming mag meryenda ay aalis na sana kami ng dumating ang squad ng buong Elites. Kapag sinabi kong Elites, kasama na doon ang upper at middle elites. Anong kag*guhan nanaman kaya ito?

"All off the students who don't want to be involve in a fight, get your ass out of this place now." ma authoridad na sabi ni Samantha the Witch habang nakatitig sakin.

May mga base na lumabas na. Pssh mga duwag. Pero ok narin to, isa nanamang napaka agang warm up ang magaganap para sa laban ko mamayang gabi sa Purgatory Underground—a battle ground for gangsters, heir and heiress of all the organizations.

"Mike, Ren and Lorian, lumabas na kayo." utos ko sa tatlo na nananatiling nakatayo sa tabi namin ni Pire.

"No. Lalaban kami kasama mo."-Mike

"Oo nga, walang iwanan."-Ren

"We will fight with you Death"-Lori

Magsasalita na sana ako ng may sumingit. "Isama mo nadin kami."

Pumasok ang mga class 324 na pinapangunahan ni Vin.

"Singit-singit ka sa sasabihin ko. G*go ba you?" sabi ko pero natawa rin. "Bahala kayo kapag nabalian kayo ng buto. Sagot ko na pang hospital niyo. Hahahaha"

"Siraulo ka talaga." nakangiting sabi ni Vin.

"You will never win against an elite Death. I will assure you na pagkatapos nito, malalaman mo kung saan lang ang lugar mo." nakangising sabi ni Witch. Pansin ko naman na naupo lang sa isang sulok ang iba pang S-Elites. Minamaliit ba nila kami? Now i hate all of them. Even the three monkeys.

"Dami mong satsat girl." sabi ko habang binabalot ng puting panyo ang kamao ko. Nang matapos ako ay hinarap ko sila, itinali ang aking buhok, pagtapos ay umayos ako at isang nakakakilabot nanamang ngiti ang sumilay sa aking labi.

"LABAN NA!" sigaw ko at doon, nag-umpisa na nga ang gera sa dining hall. Isang gera na ipapanalo ko.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt