Chapter 37

43.3K 1.3K 209
                                    

Purgatory Underground Riot

♡♥♡

Loading.....⭕
________________
| E R R O R ⚠ |
———————

"Ayy punyeta."

Napahampas ng keyboard si Death ng nag error nanaman ang paghahanap niya ng documento patungkol sa hinahanap niyang tao. Malakas ang kutob niyang kasali ito sa purgatory underground lalo na't ang taong iyon ay nakita niya minsan sa lugar na nanonood lamang ng laban.

"Ano bang hinahanap mo? Magpatulong ka kaya sa hacker niyo?"

Inirapan niya si Pire na nakikisilip sa ginagawa niya. Nandoon kasi silang dalawa sa computer room ni Death upang maging pribado ang ginagawa niyang pang h-hack ng system.

"If they are good enough, edi sana wala ako ngayon dito.. Ilang araw ko na itong pinapagawa sa kanila, but still no progress..."

Sinabi narin niya kay Pire ang tungkol sa pagtrack niya sa system ng purgatory underground, ngunit hindi niya sinabi na may papatayin siya..... Sino? Sikreto niya na kasi yon.

"Ayy yabang.. Ano ba kasi ang kailangan mo sa system nila?"

"Information... Like, duh Pire. Ngayon ka lang nakakita ng nag h-hack no."

"Hindi a. Bago maging reaper niyo, they made us try things tulad ng hacking pero hindi ako pumasa dahil maraming codes na kailangan, kaya here I'am, protecting the most amozana lady that i've met. Well aside from your mom."

Sumimangot nalang siya at binalik ang atensyon sa computer niya. Hinayaan nalang niya si Pire na kumain habang pinapanood siyang ginagawa ang dapat niyang gawin.

"Anyway Pire, what happened to Alibabu and Andree?"

"Andree?"

Napangiwi siya dahil hindi niya dapat tinatawag si Rav sa first name niya sa ibang tao. She wants to call Ravaneal 'Andree' kapag silang dalawa lang.

"I mean, Ravaneal. I thought they fought at the cafeteria yesterday?"

Ikwinento kasi sa kanya ni Pire ang nangyari. It's not new to her na may kapatid sa ama si Albus, ang ikinagulat niya ay na si Andree ang kapatid nito. Magkalayo kasi sila ng ugali.

"Ahh hindi naman, nagulat lang talaga ako. Pero nag-aaway talaga sila because of you."

"Pssh"

Hindi niya maintindihan kung bakit parang may gustong ipahiwatig si Pire sa sinabi niya. Hindi naman siya inosente pagdating sa ganyan, ayaw niya lang na maging committed sa isang taong balang araw ay iiwan din niya.

"That Ravaneal likes you Tori. Don't you like him too?"

"You're the person that I wanted to be with Pire."

Nakita niyang nanlaki ang mata ni Pire. Pero anong magagawa niya? Iyon ang totoo, the person she wanted to be with right now is Pire, because she knows that Pire will not leave her, and she will make sure of that. Marami na ang nasayang na taon, she wanted to cope up with him.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now