Chapter 28

52K 1.8K 347
                                    

Opening

♡♥♡

Pabagsak na naupo si Deathalé sa sofa ng tambayan ng tatlo matapos niyang puntahan ang bawat venue ng events na may roon sa magaganap na inter-school.

"Wala ka namang ginawa pero bakit parang pagod na pagod ka?"

Inilapag ni Nigel ang baso ng tubig lamesa para sa kanya. Hindi niya naman ito iniutos pero marahil ay sinapian siya ng kasipagan.

"Anong wala? I fvcking tried all those bullsh*t dahil narin sa utos ni Dad. Feeling ko may nagawa akong kasalanan kaya ako napaparusahan." sambit niya at ininom ang tubig.

"Buti nalang meron ako para saluhin ang iba." sabi ni Pire na nasa tabi niya na sinang ayunan niya.

Nagpapasalamat siya dahil kasama niya si Pire na sumalo sa ibang mga gawain na dapat ay susubukan niya katulad ng basketball, table tennis, at marami pang kagaguhan sa mundo. Hindi niya nga sila maintindihan kung bakit kailangan niyang maranasan ang ganon pero sabi ni assassin 1.

"Your dad told us to let you try all the events when you monitored us."

Kaya ayun, wala siyang magawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng Ama. Iniisip niya na napakahirap ispelingin ng ama dahil pabago-bago ng isip.

"But seriously asking. Anong sasalihan mo Death?" tanong ni Grover sa kanya.

Nakaupo silang lima sa Sofa at nagkaharap sila ni Ravaneal na hindi makatingin sa kanya. Naninibago siya sa lalaki, lalo na't parang iniiwasan siya nito.

"Ewan, kung anong available, yun nalang."

She rest her head on Pire's shoulder and hug him like a pillow. Bago niya ipikit ang kanyang mga mata, naaninagan niya si Ravaneal na nakatingin sa kanila.

-

Maagang gumising si Death dahil narin sa bilin iyon ng ama.

"Sabay tayong pupunta ng eskwelahan Victoria." sabi ni Demitre habang kumakain sila ng agahan.

"Pupunta ka dun dad? Bakit? For what?"

"Ako ang magpapa umpisa ng inter-school kasama ng mga principal ng bawat eskwelahan."

Tumango nalang si Death at tahimik na kumain. Pakiramdam niya ay may magaganap na kakaiba ngunit hindi niya alam kung maganda ito o hindi.

PAGDATING nila sa eskwelahan ay pansin niya ang dami ng sasakyan na nasa parking lot at mga estudyanteng may iba't ibang suot na uniporme.

"Mukang excited narin lahat taga ibang school. They are so early.." sabi ng kanyang ama.

Umirap nalang si Deathalé dahil alam naman niyang talagang magiging excited sila dahil sa pagdating nang ama. Alam niya kung gaano kagusto ng lahat na makita ang kanilang pamilya. Sayang ngalang at nauna ng umuwi kang kanyang ina sa ibang bansa para sa isang importanteng business meeting.

Pagbaba nila ng kanilang sasakyan, nakuha kaagad nila ang atensyon ng mga estudyanteng nagkalat sa paligid. Hindi nakangiti ang kanyang ama kaya't maging siya ay ganun din. Naiirita siya sa mapupuring mga mata ng lahat, hindi pa siya sanay sa ganito karaming mga mata na titig na titig sayo at naghihintay ng kamalian mo.

"Goodmorning Mr. Maiden and Young Lady Deathalé. Welcome to Blizards Academy."

"Don't be too formal Moki. You can treat me as your uncle."

"Hehe, ok tito. Anyway, welcome to your school. You can stay at my office habang hindi pa po nag-uumpisa ang lahat."

"Hmm.. Sige, para narin makapag kwentuhan narin tayong dalawa." hinarap naman siya ng ama. "Tour around and make sure that everything is alright. Pire, samahan mo siya."

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now