Chapter 49

34.2K 1.4K 311
                                    

Release

♡♥♡

"Ano na ang balita?"

Naka dalawampung buntong hininga na si Chasey dahil pang dalawampung tanong narin iyan ni Ravaneal na ngayon ay tutok na tutok ang mata sa screen.

Hanggang ngayon parin kasi ay naghihintay parin sila ng balita sa kung ano na ang nagaganap sa pagliligtas kay Death sa mga kamay ni Nigel.

"Can you just sit at the couch Mr. Knight? Ang gulo mo."

Sa pagkakataong ito, si Ravaneal naman ang napabuntong hininga at sinunod ang sinabi sa kanya ni Chasey. Naupo siya sa tabi nina Grover at Pire na tahimik lamang na naghihintay ng balita. Naisip niyang, baka nga mas makakabuting manahimik na lamang siya habang naghihintay ng balita.

-

Sa mansion ng mga Maiden, payapa ang lahat dahil hindi pa nila nalalaman ang nangyayari sa kanilang anak. Nagbabalak nanamang umalis ng bansa ang mag-asawa upang ipagpatuloy ang paghahanap sa kanilang panganay na anak. Alam nilang may posibilidad na buhay pa ito at may ibang nakakuha sa kanya.

"What do you think would be Death's reaction when she finds out that we're looking for his older brother? Baka magalit na siya satin, naglilihim nanaman tayo sa kanya."

Nababagabag si Mrs. Maiden dahil sa mga pangyayaring ito, lalo pa't nalalapit na ang pagtitipon ng mga namumuno sa organisasyon. Ang Black Council, mga nakakatanda sa Organisasyon na nagbabasbas sa pagpapalit ng bagong pinuno ng bawat organisasyon.

"She's old enough to understand us. Besides, Death is different in any ways."

Alam nilang dalawa ang mga kapabilidad ng kanilang anak, hindi siya katulad ng iba na nagtatanim ng sama ng loob sa magulang, lalo pa't matalino ito at kaya niyang intindihin ang mga bagay-bagay.

Naupo si Death sa kama kung saan siya natulog ng mga ilang oras bago niya naalalang na kidnap pala siya. Hindi naman kasi niya ramdam ang pag kidnap sa kanya ni Nigel na ngayon ay hindi niya alam kung nasaan.

Inilibot niya ang kanyang tingin sa kwarto. Isang aparador, mesa, upuan at lampara ang tanging laman ng loob isama pa ang higaan. Mayroon itong kurtina na nagpapadilim sa kwarto. Nawari niyang, isa itong ancestral house o kaya naman ay bakasyunan dahil ni wala manlang alikabok sa mga gamit.

Tumayo si Death at tinanggal ang pagkakasara ng malaking kurtinang pula sa bintanang salamin ng kwarto. Mga nagtataasang puno kaagad ang bumungad sa kanya, napadako ang tingin niya sa ibaba at mga armadong lalaki naman ang nandoon.

'Mukang malapit na sila dito'

Tinignan niya ang relos at tinantya kung anong oras na darating ang kaniyang mga sundo upang makapaghanda siya kung sakali mang magkaroon ng engkwentro.

"Gising kana pala"

Napatingin siya sa likod at nakita ang lalaking nagdala sa kanya sa lugar na iyon. Suot parin nito ang kaninang suot niya.

"Yeah, ano bang kailangan mo Nigel?"

"Buhay niyo ng pamilya mo. Maibibigay mo ba?"

Naningkit ang mga mata ni Death sa tinuran nito. Hindi niya akalaing hanggang ngayon ay nabubulag parin ito. Naupo ng pa indian sit si Death sa kama ng nakaharap kay Nigel.

"Alam mo bang buong buhay mo ay nagpagamit ka sa kasinungalingan?"

"What are you talking about?"

"Long ago, naganap ang first assassination attempt sa pamilya ko. Maraming namatay at kasama dun ang kuya ko—Drevor Maiden. Your parents is one of the reason kung bakit napasok ang mansion noon. They betrayed us."

Naupo si Nigel sa dulo ng kama. He wanted to hear her story dahil hindi naman siya tulad ng iba na sarado ang utak sa mga bagay-bagay at baka makahanap pa siya ng dahilan para huwag ituloy ang balak. Hindi niya panghihinayangan ang mga taong ginugol niya sa paghihintay, dahil ang gusto lang naman niya umpisa palang ay ang hustisya sa kanyang mga magulang.

"That night. An unknown organization attacked us. I'm so young back then and i'm such a weak dude. Those people killed my brother. Know what is funny? That unknown organization was formed by the elites family because of their greed. They wanted power, so they want us dead. Those people also killed your parents dahil hindi nagtagumpay ang mga ito na patayin kaming lahat, ayaw nilang may makaalam ng nangyari."

Lahat ng ala-ala ni Death ng gabing iyon ay parang sirang plaka na nagpabalik balik sa kanyang isip. The chaos, ang mga usok at apoy, ang mga sirang gamit, nakahandusay na katawan, mga dugo at ang huling ngiti ng kuya niya, bago siya nito iwanan.

Hindi alam ni Death na umiiyak na pala siya habang nakatulalang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi niya rin namalayan ang paglapit ni Nigel sa kanya na ngayon ay siyang pumupunas sa kanyang mga luha at nakayakap sa kanyang pabagsak ng katawan.

"I'm so sorry.. I'm sorry for the false accusations."

Sinuklay ni Nigel ang buhok ni Death gamit ang kanyang mga daliri.

"I knew something was wrong. Merong nagpapadala sakin ng mensahe na kayo ang pumatay sa magulang ko, that your family is indeed the criminals. Naniwala ako and planned everything, but when I met you, doon na ako simulang naguluhan but because of anger, pinagpatuloy ko parin. Now, i heard what i wanted to hear, dahil sa pagkakakilala ko sayo, you're not the person who will make a story to save you. Yang bibig mo din kasi, masyadong straight forward. Please forgive me Deathalé."

Pinunasan ni Death ang luha sa kanyang mga mata't tumingin kay Nigel. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ng kasama.

"I already forgave you dude. I know your reasons. Alam ko rin umpisa palang na ikaw si Nightmare, i just wanted to have a one on one talk with you."

"Really?"

"Yup, but for noooow, i guess you need to go. Padating na kasi ang mga sundo ko."

"Are you not going to..... You know... Punish me or something?"

"Nope, maybe some other time. Sa ngayon, kailangan mo na munang umalis and also, your men.. Para di sila mamatay agad."

Ngumiti si Nigel at ginulo ang buhok ni Death. Tumayo ito at nagnakaw ng halik sa labi ni Death bago tumakbo papunta sa pinto.

"Tado!!!"

Nagmiddle finger si Death kay Nigel dahil sa ginawa nito ngunit napangiti rin dahil sa wakas ay maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Ang iisipin nalang niya ngayon ay ang mga kasamahan niya.

Ilang saglit pa ay dumating na ang magsusundo kay Death, pinalibutan nila ang mansion at pinasok ito ng walang alinlangan.

Hanggang sa matagpuan nila si Death na......




Nakaupo sa kama habang kumakain ng Mangga.

"Eyyyy gusto niyo? Tagal niyo e."


Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now