◽Never underestimate us◽
⭐Deathalé⭐
Napayuko ako ng may paparating na plato sa sa muka ko. G*go pala tong mga to, hindi ba nila alam na mawawala ang reyna ng magaganda kapag nadali ang muka ko?
Sinipa ko sa kanan niyang binti ang lalaki at binigyan ng right punch sa muka. Pumatong ako sa mesa at pinagsisipa ang mga sumusugod saakin. Sinalo ko ang papalapit saaking kunai at ibinalik sa tangang may ari nito, bakit tanga? Hindi siya umilag, nasaksak tuloy siya sa braso.
Hati-hati kami ng kalaban. Saamin ang Upper elites at sa room 324 naman ang mga Middle elites, mas madami kasi ang mga g*go pero mas mahirap kalabanin ang mga nasa U-Elites. Maaari na silang pumantay sa mga 2 years trainee namin sa mansion. Magagaling sila sa pakikipaglaban pero hindi sila ang gusto kong makaharap. Kundi ang mga S-Elites.
"Hahahahappy break up, hindi na tayo, hahahappy break up, wala na tayo~" pagkanta ko habang umiiwas sa mga atake nila. Hinuli ko ang kanang kamao ng lalaki at napangiti."Gotcha"
Tinuhod ko sa sikmura ang lalaki at binigyan ng isang malakas na suntok sa muka. Ayun bagsak.
Nilibot ko ang tingin ko at masasabi kong napakagulo nga ng dining hall. Nagkalat ang mga bugbog saradong Upper at Middle Elites.
"GO PAYRIIIII" sigaw ko ng makitang nakikipag patayan na si Pire. May mga galos narin siya at sugat.
Hindi niya ako pinansin kaya hinayaan ko nalang. Busy kasi sa pakikipag- away. Naupo ako sa lamesa at pinanood silang nag-aaway away.
My life has been like this since that day. Ang unang beses na may napatay ako. I was 10 years old back then, when someone attempted to raped me. And he's the first person that i have killed.
Dugo niya ang unang dumungis sa mga kamay ko. A blood of a rapist at hindi ko pinagsisisihan na pinatay ko siya. After that, my life became like this. No one knows about me kaya pwede kong ipalaganap ang kalokohan sa mundo.
"Oops" sinalo ko ang patalim na pwedeng makapatay sakin kung hindi ko nasalo. Hindi pa pala tapos ang laban. Meron pa ang mga special elites. Mga pa VIP, nakakag*go.
"We're not yet done Death." inirapan ko si Samantha dahil napaka trying hard niya maging nakakatakot. Duh, muka niya pakak, effortless na, clown na clown ang datingan.
"Kanina pa sana ito tapos kung tayong dalawa lang ang nagharap. Nandamay kapa. Ang pathetic mo babae. Pinagod mo lang ako para matalo ako? Kung yun nga, then sorry girl. Hindi nakakapagod, mga wala silang kwenta." tumayo ako at pinaglaruan ang patalim na nasa kamay ko. "Let's fight. No rules, it's either you'll die or I'll die."
"ARE YOU INSANE DEATH!!" inirapan ko si Nigel dahil sa pagsigaw niya. Bwisit ka!
"Baka nakakalimutan mo that I'm an Elite-"
"At isa akong base. Paulit-ulit ka te, ano naman kung elite ka? Takot ako? Takot ako? Asa ka. Alam mo kasi ate girl, kung gusto mong katakutan ka, wag kang puro satsat, ipakita mo na nakakatakot ka talaga."
"You are really pushing me to kill you huh. Then I'll let you taste my wrath Death."
Napa irap nalang ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Ang dami niyang sinasabi. "Whatever"
Pumatong ako sa lamesa. Sinipa ko ang kutsilyo na nasa ibabaw nito patungo sa kanya na nailagan niya.
Nginisihan ko siya ng samaan niya ako ng tingin. Ang saya pala mang bwisit ng payaso.
"You're dead."
"I'm Death, not dead. Please cite the difference."
Walang sabi-sabi siyang sumugod sakin. Pumatong rin siya sa upuan at duon kami nagsuntukan. Atake,salag at iwas ang ginagawa naming dalawa.
Bumaba kami at duon namin itinuloy ang pagsasapakan. Hinuli ko ang kanang kamay niya sabay sipa sa kanyang sikmura na hindi niya na sangga.
Hindi ko na siya hinintay pang bumawi at sinuntok ko siya sa muka. Uulit pa sana ako nang may pumigil sa kamao ko.
"Stop it... Wag kayong parang bata."
Tinaasan ko ng kilay si Ravaneal dahil sa pakikialam niya.
"Kayo ang nagsimula at ako pa ang parang bata?" .Binawi ko ang pagkakahawak niya sakin at tinignan sila isa-isa. "Tsaka kayo haharang kapag kasamahan niyo na ang mabubugbog ko? Samantalang kanina pa chill-chill lang kayo diyan. Mga g*go."
"Tori.." lumapit sakin si Pire at pumwesto sa likod ko. Pati ang taga room 324 ay nasa likod ko.
"Don't underestimate the base class dahil honestly? Mas maraming mas deserving kaysa sa inyo sa kinabibilangan ko. Mga wala kayong kwenta, mga puro pera lang ipagmamayabang niyo. S-Elites? Special? Haha mga bullsh*t." tinignan ko si Samantha na maraming natamong pasa at sugat. " Sana sa susunod, yung tayong dalawa lang. Wag kang duwag."
Tinalikuran ko na sila at lumabas ng dining hall. Mga matang may takot at pangamba ang makikita sa mga base na nasa labas ng dining hall at nanunuod.
Ganyan nga, matakot kayo dahil kapag dumating ang araw na lumantad ako bilang ako, baka ikamatay niyo.
➡
BINABASA MO ANG
Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)
ActionDeath is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.