Chapter 32

44.8K 1.4K 526
                                    

Vacation gone wrong

⭐Deathalé⭐

The 3 days inter-school ended good in our part because we won. We're going to represent the school internationally and they can have their 3 days vacation in our private island.

Kaya heto kami ngayon nag-aantay ng pagdating ng private yacht na pagmamay-ari ng pamilya namin na magdadala saamin sa Isla de skulla( island of skulls).

"I'm so excited!!" masayang sabi ni Lorian habang kumukuha ng litrato.

"Kanina kapa dyan. Di ka man lang magsama.." sabi ni Mike at inagaw ang cellphone ni Lorian at siya naman ang nagselfie.

Hinayaan nalang namin silang magharutan doon dahil nakakapagod ang  magaganap sa bakasyon namin doon.

"You look so tired Tori? Didn't you get enough sleep?"

"Nope, masyado akong na excite kaya hindi na ako nakatulog."

Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa ulo ko at mahinang tinapik-tapik ito.

"Kapag dumating na ang sasakyan natin, you can sleep."

Tumango ako at umupo sa maleta ko. Pwede naman akong pumunta doon ng mag- isa pero mas masaya kasi kung may mga kasama.

"Victoria"

Nilingon ko ito and saw Ravaneal with Nigel and Grover. Naalala ko tuloy yung cute nilang picture.

"Oh, Ravaneal. Ano meron?"

"We're going to have the same yacht.."

May tatlong yacht kasi ang dadating, ayaw naman naming magsiksikan sa iisang yacht kaya, ayon. Yung Death Ship sana namin kaso ginamit ng mga pinsan ko para maglibot sa karagatan. Mga spoiled brats.

Ilang sandali pa sa wakas ay dumating na ang tatlong sasakyan namin. We went to our yacht at ganon din ang iba. Sinamahan ako ni Pire sa kwarto para dalhin ang mga gamit ko.

"Take a rest Tori. Magbabantay ako dito sa labas."

"No. You should take a rest too Pire. Okay lang ako dito."

"Okay, see you later."

He kissed my forehead bago umalis. Nakasanayan niya na yun, lalo na kapag mag g-goodnight siya. Wala namang malisya sakin yon, that's just a kiss na nagpapakita na nirerespeto mo ang babae.

♡♥♡

Habang nagpapahinga si Death sa kanyang silid ay nasa front deck naman si Pire upang pagmasdan ang magandang tanawin ng karagatan. Iniisip niya ang maaaring mangyari kung sakaling hindi na siya kailanganin ni Death, isipin niya palamang iyon ay mukang hindi na niya kakayanin.

'Sana naman, hindi dumating ang araw na wala na akong halaga sa buhay mo Tori'

"Oyy Pire Wensly, asan si Death?"

Pagbati sa kanya ni Nigel ng makita siya nito. Medyo nagtaka pa si Pire dahil hindi niya kasama ang dalawa.

"She's having a rest."

" Ahh"

Naupo sa tabi niya si Nigel na hindi man lamang tinanong kung payag ba si Pire o hindi.

Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Wala ring masyadong estudyante ang pagala gala sa yacht dahil malamang nagpapahinga ang mga iyon, napagod sa paglalaro sa tatlong araw.

"Pire Wensly. A man to man talk."

Tumingin sa kanya si Pire upang malaman kung seryoso ba ito o trip lamang niya. Nakita naman ni Pire ang kaseryosohan sa muka ni Nigel kung kaya't tumingin nalang siya muli sa malawak na karagatan.

"Hmm?"

"Who is Deathalé Maiden for you?"

Napaisip naman siya sa tanong ng binata. Sino ngaba ang isang Deathalé Maiden sa buhay ng isang Pire Wensly?

"Tori is my boss, she's my.... everything. I will give up my own life just to make her safe."

Napatango nalang si Nigel sa sagot ni Pire at inisip na may gusto ito sa dalaga.

'Mukang may kalaban na si Rav kay Death.. Hayy, torpe kasi.'

Sino nga ba naman ang hindi mag-iisip na may gusto nga si Pire kay Death? Maganda si Death, kilala ang pamilya nila, at madali pang pakisamahan.

"She's beautiful right?"

Kinunotan siya ng noo ni Pire. Iniisip na may gusto si Nigel sa Tori niya.

"By any chance, do you like her?"

"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Her personality is one of a kind."

'You can't court her ng hindi dumadaan sakin' Pire's thought.

Ilang sandali pa ay napagpasyahan nilang magpahinga nalang rin muna sa kanya-kanya nilang kwarto. Malayo layo pa kasi ang Isla de Skulla.

-

Isang babaeng may hawak ng kutsilyo ang nais na pumasok sa kwarto ni Death. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito na para bang meron siyang galit na kinikimkim. She was about to open the door ng may tumawag sa pangalan niya.

"Lorian Fuentabella, what are you doing?"

Itinago niya ang kanyang dalang patalim sa kanyang likod nang humarap siya sa kausap.

"Ren!!" she exclaimed. "ahh ano, may itatanong lang ako kay Death."

Kumunot ang noo ni Ren at napatingin sa kamay ni Lorian na nasa kanyang likod.

"I saw it Lorian, hindi mo na kailangan pang itago sakin. What are you planning to do?"

Ngumiti ng nakakakilabot si Lorian na para bang nawala na siya sa katinuan. Inilabas niya ang kamay na may hawak na kutsilyo at nilaro ito sa kanyang kamay.

"Hayy, you caught me Ren."

"What are you really planning to do? Are you gonna kill Death?"

"Yes, i will kill her."

"She's our friend!! You're insane!!"

Tumalim ang tingin ni Lorian kay Ren at nilapitan ito na siyang nagpahakbang naman patalikod sa lalaki. Walang masyadong tao sa kinalalagyan nila dahil malamang ay nasa kanya-kanya nila itong mga kwarto, soundproof rin ang mga ito.

"Friend!!!! Their family killed my Father!!!"

"Father?" naguguluhang tanong ni Ren.

"Dahil mamamatay karin naman, i will tell you my secret." tumawa muna ito bago magpatuloy. " Once upon a time there was a girl who seeks for love and affection of a father dahil iniwan sila nito para sa orihinal na pamilya. Yes, anak siya sa labas. Palagi niyang sinusundan ang ama ng malaman ang katotohanan, masaya na siya sa ganon lang pero sa kadahilanang hindi niya alam, isang makapangyarihang pamilya ng mga halimaw ang pumaslang sa kanya!! At iyon ang pamilya ng babaeng papatayin ko sa sarili kong mga kamay."

"Nababaliw kana Lorian!!"

"Oo nga, tama ka. Baliw na ako."

Tatakbo pa sana si Ren ng biglang ihagis ni Lorian ang hawak niyang patalim patungo sa ulo ni Ren na agarang ikinamatay nito.

"Pasensya na Ren, kaibigan kita pero mas matimbang ang galit na nararamdaman ko."

Nilinis ni Lorian ang dugo na tumalsik sa sahig at walang awang itinapon ang bangkay ni Ren sa dagat.

Ang pagkakaibigan ay wala lang kapag galit sa puso ang umiral. Matinding galit ang kanyang nararamdaman kapag nakikita niya si Death ngunit pinipigilan niya lamang ito, kapag harap-harapan niyang papatayin si Death, wala siyang laban. It's better to stab Death's back kaysa siya ang maunang mamatay. If she die, sisiguraduhin niyang mamatay kasama niya ang tagapagmana ng Maiden.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon