Chapter 6

60.9K 2.2K 113
                                    

Messing with the whole Middle Elites

Deathalé

"Lalalalala~"

Pakanta-kanta akong naglalakad papunta sa building ng mga Elites. Hindi naman bawal pumunta sa building nila, you must just have the guts to face them. Yung hindi ka matatakot sa maaaring mangyari because entering their building is like entering a cage of lions.

Nasa unang palapag na ako ng E Building, saan ba banda dito ang room ng Middle Elites?

"Excuse me, Miss?"

Napalingon ako sa side ko at nakakita ako ng gwapong nilalang. He has this strong built body,nice skin,pointed nose,ocean eyes, and kissable lips. He has a red hair too.

"Ahhh, am i blocking your way?" i asked then i move a bit para maka daan siya.

"Ah no, i mean. What are you doing here? Ngayon lang kita nakita dito." sabi nito at ngumiti kaya naman nakita ko ang pagsingkit ng mata niya at yung dimples niyang malalim. So cute.

"May babawiin kasi ako. Anyway, mukang isa ka din namang Elite. Where's the room floor of the Middle Elites?"

Biglang nagbago ang expresyon niya. "You don't know them, ako nalang ang babawi ng kailangan mo."

"Ah no, i'm fine. Just show me the way." nag puppy eyes pa ako sa kanya. Bumuntong hininga siya na senyales ng pagsuko niya. No one can resist me.

"Fine, pero sasamahan kita."

"Are you an Upper Elite or Special Elite?"

"Are you going to avoid me if I'm an Special Elite?"

I chuckled a bit. "No, why would I? Hmm let's go then."

Habang papunta kami sa right wing ng building nila at kwinekwento niya ang ugali ng mga Middle Elites at totoo na isa siyang Special Elite.

"I'm Nigel Castellan anyway, and you are?"

"I'm Deathalé but you can call me Death."

"Nice name. What's your surname? At bakit ka nasa base?"

"Oh, nandito na yata tayo. Nakikita ko na kasi yung mga nakaaway namin kanina." sabi ko ng mamukhaan ko yung isang lalaki na maangas na nakasandal sa labas ng classroom nila yata. Tsaka wala rin akong balak na sagutin ang tanong niya. "Dito ka lang ha."

Tumakbo ako palapit sa lalaking yun. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mata niya at nagmadali siyang pumasok sa loob ng room nila at padabog na isinara ang pinto. Napalingon tuloy sa pwesto ko yung ibang M Elites na pinasadahan ako ng tingin tsaka ngumisi. Napangisi rin ako at pinatunog ang kamao ko. Mapapasabak nanaman ako sa isang magandang laban.

♡♥♡

Halos maghabol ng hininga si Relando-ang lalaking nakita ni Death sa labas ng kanilang classroom. Para siyang tumakbo sa isang marathon dahil sa lakas ng pagpintig ng kanyang puso.

"May nangyari ba Rel?" nabaling ang kanyang atensyon sa kanilang presidente. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang nangyari kanina dahil baka maparusahan pa sila nito.

"K-kasi-"

"Bakit kaba nauutal?" tanong pa ng isa nilang kasamahan.

"Natatandaan niyo ba yung babae at lalaki na nakaharap natin kanina? Andyan yung babae, kasama niya pa si Castellan"

Napatayo kaagad si Yno-ang presidente nila. Malaki kasi ang galit ni Yno sa mga Special dahil sa personal na dahilan.

"Ang astig talaga nitong baseball bat nung babae." sabi ng kaklase nilang sinusuri ang baseball bat na naiwan ni Death sa dining hall kanina. Hindi naman nila akalain na babalikan niya ito.

"TANG*NA!! BAKIT KASI DINALA NIYO PA YAN DITO!!" sigaw niya at hindi na iniisip na magalit sa kanya si Yno. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari.

"REL!! Natatakot kaba sa isang Base lang? At babae pa?" tanong ng kanilang presidente na nakapagpatahimik sa kanya ngunit hindi parin nito nawawala ang kabang naramdaman niya kanina. Napaka lumanay ng itsura ni Death ngunit ang mga mata nito'y may kakaibang hatid na pakiramdam sa kanya.

"May dala siyang baril Yno at sa ugali ng babaeng yun, wala siyang awa. Maswerte si Der dahil pekeng baril ang gamit niya! dahil kung hindi? Isa na siyang malamig na bangkay." ang litanya naman ng pasimuno ng kaguluhan kanina-si Mino.

Napaisip naman si Yno sa sinabi ng kaklase. Kung gayon ay mayroon nanamang sumusubok sa kanilang mga Elites. Hindi ito ang unang pagkakataon na may bumangga sa kanilang matapang na babae at alam niya rin na hindi rin makatatagal si Death sa eskwelahan na ito.

"She's going to leave this school right away."Lumapit si Yno sa pintuan at pinaalis siya doon.

"Sandali lang Yno!!" pigil niya ngunit huli na dahil nabuksan na ito ni Yno na mukhang natigilan sa kung anumang nangyayari sa labas. Dahil sa kuryosidad ay sumilip siya at gano'n na lamang ang panlalaki ng mata niya sa nakita sa labas ng kanilang classroom."What the Fvck"

Mga nakahandusay na mga M Elites na halos di na makayanang tumayo. Ang iba ay nawalan na ng malay. Tuluyan na silang lumabas sa classroom nila at napaatras ng tumilapon sa kanilang pwesto ang isang M Elites din na sobrang dami na ng pasa sa mukha. Napatingin sila sa may kagagawan nito.

Death is fighting the whole Middle Elites alone and there they saw Nigel just watching her with an amuse face.

-
(before the scene)

Sinipa ni Death ang kahuli-hulihang lalaking sumugod sa kanya. Tagaktak na ang kanyang pawis dahil sa dami ng kanyang kinalaban.

"Woah ang weak niyo mga pren!!" sigaw nito at tumawa na parang baliw. Tumigil siya ng tapikin siya ni Nigel na hindi parin nawawala ang paghanga sa mukha.

"Ang galing mo pala." ngumiti ito at nakitang muli ni Death ang singkit nitong mga mata at malalalim na dimples.

"Sus, weak lang talaga sila." sabi ni Death at napansin ang ilan pang mga M Elites na nakatingin sa kanila.

"Yno" pagtawag ni Nigel kaya napatingin si Death dito.

Humakbang si Death palapit sa mga ito na nagpaatras sa kanila. Sumimangot si Death dahil dito.

"Just give me back my baseball bat and we're done." she said at step forward.

Hindi siya sinagot ng mga ito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tuluyang pasukin ang classroom nila. Pansin agad ni Death ang mga upgraded na gamit ng mga elites. Maganda rin ang classroom nila. Nakita ni Death ang baseball bat na nagpangiti sa kanya. Kaagad niya itong kinuha at lalabas na ng harangin siya ng isang lalaki kaya wala siyang nagawa kundi ang sipain ito sa kanyang sikmura.

Lumabas siya sa classroom na iyon ng nakapatong sa kanyang balikat ang bakal niyang baseball bat, tumutulo pa ang butil ng kanyang pawis sa kanyang buhok.

"You'll pay for what you did!!" sumugod si Mino sa kanya at nagpakawala ng right punch pero inilagan niya lang ito at siya ang nagbigay ng right punch. Duon na nagsimulang sumugod ang iba at hindi na niya napigilang magamit ang kanyang baseball bat dahilan upang sobrang masaktan ang kanyang mga kaaway.

"Arrgh" daing ni Death ng masuntok siya ni Yno sa muka dahilan para magkasugat ang kanyang labi.

"Death!!" tawag ni Nigel sa kanya at lalapit na sana nang sapakin din ni Death si Yno at sipain sa sikmura at sapakin uli dahilan para matumba ito kasama ng iba.

"Don't mess with my face!! Mas maganda pa to sa girlfriend niyo!!" sigaw ni Death sa mga M Elites na nakahandusay parin sa hallway na nagpatawa rin kay Nigel.

"What the fvck happened here in our building?" a cold voice makes Death stop giving glares to Yno at napatingin sa mga taong bagong dating.

"Ravan..." rinig niyang sambit ni Nigel na mukang kilala ang mga ito.

"Special Elites...." sambit naman ni Yno bago ito nawalan ng malay.

'Special Elites? Haha Nice.'

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now