RTS9

175 16 17
                                    

So curious about the girl in the last chapter? Well we are about to find out kung sino yun?

This chapter is dedicated to @simpleng_makata I really appreciate your support on this story. Thank you for patiently waiting ^^

Enjoy reading!

THE.GIRL.IS.RIGHT.IN.FRONT.OF.ME.

Fuck!

Nandito siya sa harapan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sumabay pa ang samu't saring emosyon na nararamdaman ko. Parang matatae, naiihi, natatakot, kinakabahan at kinikili- wait parang mali ang isang yun! Tsk. Delete.

Ok, nasa harapan ko siya. So, ano ang gagawin ko? Well I could run. Pero ang guilty ko naman pag ganun. Pwede ko din siya kausapin. Wag! Ang FC ko din pag ganun.

Baka pwede din dedmahin ko na lang siya. Ah! Tama! Tama! Just ignore her Kurt. Wag ka na lang magsalita, tutal suplado naman itsura mo kaya panindigan mo na lang.

But then she talked again, at sa pagkarinig ko sa boses niya hindi ko maiwasan na hindi ignorahin. Argh! Kailangan kagatin ko ang dila ko upang hindi na magsalita.

"Hi! Can you see me?"

Hindi ko siya sinagot sa kanyang tanong at nilampasan na lang ang babae. Ganyan nga Kurt just walk away!

"Aie! Baka nagkamali lang yata ako. I really thought he saw me." Sabi ulit ng babae "Naku mukhang suplado si kuya, gwapo pa naman sana pero nakaihi sa kanyang salawal. Tsk! Tsk, turn off!"

Natigilan ako sa kanyang sinabi. What!? Nakaihi? Agad ako tumingin sa pants ko, and saw the stain of juice na ginawa ni Rocco kanina. Fuck!

Pero ano ulit ang sinabi ng babae kanina? G-gwapo ako? Mehehe, well maliit bagay. Pero naturn off siya dahil sa mantsa ng juice. Humanda talaga sa akin ang Rocco na yun!

Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na humarap ulit sa kanya at magsalita.

"Oi hindi ako umihi ha, Juice to!"

At hindi ko alam kung ano ang sinabi ko pero nanlaki ang mata ng babae. Tsk cute.

"Uwaaaa! Nakikita mo nga ako!?" Malakas niya sabi.

Huh? Adik ba to malamang nakikita ko siya. Anong akala niya sa akin bulag?

"Of course I can see you. I got eyes miss." Sabi ko

"Eh alam ko. P-pero kasi m-"

Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil biglang lumapit ang batang lalaki na may kasamang aso sa amin.

"Ate, sino ang kausap mo?" Tanong ng batang lalaki.

"Zion, meron dito lalaki na kanina pa kumukuha sa atin ng picture. Siguro stalker ko siya.." Saka humahalikhik pagkatapos .

Hala! Feeler din ang babaeng to no? Lakas ng tiwala sa sarili.

"Miss, hindi ako stalker. Photographer ako, at hindi ikaw ang kinukunan ko ng picture kundi ang bata at aso. Ganda na sana ng kuha nila pero nag photobomber ka. Ayan tuloy nasira ang shot." Sabi ko at nag smirk.

Nakita ko na nainis ang babae sa sinabi ko, halata kasi sa pagsalubong ng kanyang mga kilay at pagnguso na hindi niya gusto ang kanyang narinig.

Mehehe nakakatawa ang kanyang reaksyon. Pero pinigilan ko ang mapangiti.

"Heh! Kainis ka, ikaw na nga tong nagnakaw ng picture tapos nilait mo pa ako. Hmmph! Akala mo gwapo ka? Hindi! Panget!"

At dahil sa sinabi niya hindi ko napigilan ang ngiti ko. Woah! Binabawi niya ata ang sinabi niya kanina. Hmm...di bale alam ko naman na hindi totoo ang sinasabi niya na panget ako. Psh

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now