RTS28

108 5 12
                                    

Thank you for waiting. Here is the update for today.

Enjoy reading!!

Third POV..
"ANONG IBIG NIYONG SABIHIN NA HINDI NIYO NAGAWA ANG INUTOS KO!? "

"Eh R-rocco, nagawa naman namin slight. Kaya nga lang hindi natapos." Sabi ng lalaki habang kaharap si rocco sa kanyang private gym sa kanilang mansion

"Slight!?? ARE YOU BULLSHITING ME REY! Ang sabi mo kayang kaya mo na gulpihin si Kurt Alonzo, eh anong ibig sabihin ng slight mo na yan!?? Nagulpi pero hindi!? Pinagloloko mo ba ako!??" Sabi ni Rocco tsaka sinipa ang lalaki nangangalan na rey. At dahil dyan napaluhod eto at agad na dinaluhan ng kanyang apat na tauhan

"Boss rey ok ka lang po ba?"

"Boss, ok ka lang?"

"Boss, masakit ba?"

"HOY KAYO! Sabihin niyo nga sa akin ng klaro kung bakit hindi niyo nalumpo ang G*Gong Alonzo na yun!" Sigaw ni Rocco tsaka tinuro ang apat na lalaki sa harapan niya

"K-kasi po..baliw siya! Kaya natatakot kami sa kanya."

"Oo nga! Baliw ang lalaki na yun, tapos may lahi pa atang demonyo!"

"Tapos nagsasalita pa siya na magisa sa hangin! Kaya ang weirdo ni-"

"Oh please!? Alam ko na weirdo ang Alonzo na yun, pero ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi niyo na lang tinuluyan na bugbugin iyon! LIMA KAYO SIYA ISA!? TAPOS NABUGBOG NIYA KAYO! ANO TO G*GUHAN, NAKAYA KAYO NG ISANG TAO LANG! " sigaw ni Rocco sa kanila

Pagkatapos sabihin ni Rocco iyon, tumayo iyong lalaki na sinipa niya. Habang inaalalayan ng mga tauhan nito.

"Yun na nga Rocco eh! Isa lang siya, ngunit pakiramdam namin may kasama siya na hindi namin nakikita! At iyon ang nakakatakot! Tama ang tauhan ko, may lahing demonyo ang Alonzo na yun! Dahil bigla na lang may pipigil sa amin sa tuwing hahampasin namin siya ng baseball bat o sa tuwing susupresahin siya namin ng atake!"

"Dont give me bullshits! Napaka impossible ng sinabi niyo! Argh!! I CANT BELIEVE PUMALPAK KAYO SA PANGBUBUGBOG NG ISANG TAO! Mga walang kwenta!" Sigaw ni Rocco

At dahil sa sigaw na iyon, natakot yung mga lalaki nasa harapan niya. Alam kasi nito kung ano ang kayang gawin ng Isang Rocco Dela Victoria kapag galit, kaya naman ganun na lang ang kaba nila. Dahil possible didiretso sila nito sa emergency room.

Pero kahit na alam ng mga lalaki na nasa harapan ni Rocco na matindi siya magalit. Mas pipiliin na lang nila iyon kaysa makaharap ulit si Kurt. Dahil pakiramdam nila kapag nagtagal sila sa harapan nun, baka mas malala pa nito ang mangyari sa kanila.

"LUMAYAS KAYO SA HARAPAN KO! MGA BWESIT KAYO! JUST FUCKING GET THE HELL OUT, BEFORE I DECIDED TO FUCKING END YOUR LIVES! " Sigaw ni Rocco tsaka sinuntok ang punching bag sa kanyang harapan na kay lakas lakas.

Natakot naman ang mga lalaki kaya agad sila nagsilayas sa Gym. At nang makaalis na hindi napigilan ni Rocco na mag wala. Pinagsusuntok niya ng kay lakas ang punching bag.

"Bwesit!! Bwesit!! Ka talaga Kurt Alonzo! Kahit kailan talaga! arghhhh!!!" Sigaw niya "Bakit ba hindi ka basta basta natutumba!!! T*ngin*!!! SANA TALAGA INIHULOG NA LANG KITA NUN SA BANGIN NG MAKITA KITA! EH DI SANA WALA NA AKONG BWESIT NA POPROBLEMAHIN!! FUCK! FUCK! FUCK YOU!! "

Gigil na gigil talaga na pinagsusuntok ni Rocco ang punching up to the point na nabutas eto sa lakas ng suntok niya. At hindi sana siya titigil sa pagsusuntok pero bigla na lang may tumikhim sa likuran niya.

Agad naman siya tumigil at nagulat sa nakitang bisita.

"W-what are you doing here tita?" Ani niya sa taong nasa likuran niya

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now