RTS35

47 4 6
                                    

Waz up! Malapit na ang summer vacation, which only means one thing. More wattpad! Heheh salamat sa mga naghihintay sa update sa story na eto, nakakainspire magsulat lalo na alam mo may nagbabasa pala ^--^
Enjoy Reading!

Kurt POV.
Shit! Late na ako!

Kasalukuyan ko tinatakbo ang hallway na parang hinahabol ng aso upang makarating sa soccer field.

Bakit? Eh kasi may laro ang aming napakagaling na leader na si Rocco. Pucha talaga! Bakit ba ang aga aga ng laro nila ngayon?! Nabubuwesit ako sa gumawa ng schedule!

Alas syete pa lang dapat tulog pa ako, pero hindi! Nandito ako ngayon tumatakbo at pinapawisan. Para lang hindi maparusahan.

Argh!! Sa tuwing talaga iniisip ko na susuotin ko na naman ang mascot na yun sarap talaga tadyakan ang pagmumukha ni rocco!

"Shit!.. na..nakarating..rin" para akong inaasthma sa paghinga ng sa wakas narating ko din ang soccer field.

At akalain mo nga naman madaming tao na pala ang nandito. Grabe, sila na ang maaga gumising.

"Kurt, ok ka lang gusto mo tubig? Kukunan kita." Tanong ni yam na nasa tabi ko

Umiling ako at magsasalita sana pero may sumingit na boses. Isang nakakagago na boses.

"HOY ALONZO! ANO PANG TINUTUNGANGA MO DYAN! MAGBIHIS KA NA, KAILANGAN NAMIN NG WATERBOY!"

ARGH! Fuck you talaga Rocco! Sana talaga matalo kayo ngayon para matapos na ang pagaalipin mo sa akin! Nauubos na ang pasencya ko!

Medjo kinakapos pa rin ako ng hininga kaya hindi agad nakakilos. Kaya naman ng bungguin ako ni Rocco, agad ako natumba.

"Tss ano ba yan paharang harang ang mga basura heheh. Tabi, maglalaro na kami. " sabi niya "At sana sa pagbalik ko dito nakasuot ka na sa costume mo."

Hindi ako lumaban sa pang gagago niya sa akin pero yung kamay ko kating kati na talaga. Kinailangan ko pa eto hawakan para hindi siya patulan.

"Kurt ok ka lang? Naku! Grabe talaga yan si rocco! Humanda siya sa akin ma-" hindi natuloy ang sasabihin sana ni Yam dahil may boses biglang sumingit.

"HOY!! BAKIT MO YUN GINAWA SA KURT KO!" Huh? Kurt ko?! S-sino ang tumata-fuck!!

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung kanino galing ang boses na yun. Bakit nandito na si Isabel sa Boyce High? Hapon pa naman ang usapan namin na magkikita. Ang aga aga pa, grabe gising na siya ng ganitong oras? Eh di siya na.

Tsaka ano sabi niya? Tama ba ang narinig ko na tinawag niya ako tapos may 'Ko' sa dulo? Nakakakilabot.

"Teka kilala kita, hindi ba ikaw si Isabel Finch?" Tanong ni rocco na parang nagulat din ng makita ang babaeng to.

"Yes, thats me! At hindi ko mapapalampas ang pagbunggo mo kay Kurt! How dare you do that to him!" Sigaw nito

"Psh! Wala kang pakialam kung anong gawin ko sa kanya. Tsaka bakit ka ba nakikipag ugnayan sa gagong na to?" Aniya ni rocco tsaka tumingin sa akin "Di mo ba alam na may sayad tu sa utak, kaya naman kung ako sayo layuan mo eto." Tsaka inakbayan si Isabel.

Gago ka talaga Rocco! Matapos lang talaga ang lecheng event na eto humanda ka sa akin! At lakas ng gagong to mang akbay kay Isabel, close ba kayo?!

"Oh really? Si Kurt ang may sayad sa utak baka ikaw? Kasi nangbubunggo ka lang ng walang dahilan. Diba gawain lang yung na may sayad?"

Hindi na hinintay ni Isabel ang sasabihin pa ni Rocco dahil tinalikuran na niya eto.

Halatang nabwesit si Rocco sa sinabi ni Isabel pero hinila na siya nina Howie at Allen para makapagsimula ang laro.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now