RTS41

46 1 13
                                    

Medyo mahaba haba ang chapter na eto dahil ang daldal ni Lee heheh I just wanna say thank you sa mga nakaabot ng chapter 41, salamat sa patuloy na pagsuporta. Sana hanggang epilogue nandyan pa rin kayo ;)

This chapter is called "Calm before the storm" ^__^

Enjoy reading!

Lee POV..
"Nakakapagod naman!!" Reklamo ko habang papunta kami sa cafeteria para kumain ng breakfast.

"Lee, wala ka pang ginagawa nagrereklamo ka na." Komento sa akin ni drake habang nakatingin sa phone niya.

"Alam mo kasi drake advance ako magisip, kaya naman alam ko na mapapagod ako ngayon pa lang."

"Sabihin mo tamad ka lang." Sambit niya tsaka nauna sa akin maglakad.

Abat! Tingnan mo nga naman ang lalaki yun, porket nanalo team niya gaganyanin na niya ako! Tss.

Katatapos lang ng Bh olympics kaya wala pang klase, ngunit kailangan namin linisin ang mga kalat sa buong eskwelahan maliban sa Green orioles kasi sila ang nanalo.

Kainis! Bakit ba kasi hindi pa nanalo ang team namin?! Kung saan pinasali nila ako sa basketball eh di sana may chance na manalo kami!

Pero hindi, masyado nila ineunderestimate ang skills ko. Hah! Kung alam lang nila na kahit payat ako kaya ko naman maglaro ng basketball na parang si Michael Jordan at Kobe Bryant.

Hah! Pakitaan ko pa sila ng 3pts shot eh!

Agad naman ako nag action na parang nagdidribble tsaka nagshoot.

"Yun ouh! 3pts para kay Parker! Wooh! Palakpakan na may kasamang sigawan. Wooh!" Ani ko

Natuwa  naman ako sa aking sinabi ng biglang may baliw na boses ako narinig.

"Malala ka na Lee, nagsasalita at nagshoshoot ka ng magisa. Katakot! Pa mental ka na kaya tol?"

Nilingon ko kung san galing ang boses at napasimangot ng makaharap iyon.

"Pwede ba mikael wag ka ngang masyado maingit sa akin. Dahil nakakapanget ang pagkaroon ng inggit. Sige ka, madadagdagan yan kapangitan mo at wala na magkakagusto sayo na babae." Komento ko

"Hahah ako pa talaga ang panget ha. Mukhang alam ko na kung ano ebibigay sayo sa birthday mo." Sabi naman ni mikael

"Huh? Eh ano naman yun?" Tanong ko

"Ouh eh di salamin, para makita mo naman sarili mo. Kawawa ka naman kasi eh parang di mo nakikita kung gaano ka kapanget sa salamin hahah " aniya tsaka tumakbo palayo sa akin..

Ang gago yun ah!

Syempre hindi ko mapapalampas ang kanyang sinabi, kaya naman hinabol ko siyang hanggang sa makapasok kami sa cafeteria. At nadatnan ko siya na dumiretso sa amin mesa, kasama ang mga kaibigan namin.

At laking gulat ko ng makita punong puno ng pagkain ang mesa namin. Parang piyesta, teka anong meron?

"Drake, para saan ang lahat na pagkain na eto? Sayo ba yan?" Tanong ko ng nakatingin pa rin sa mga pagkain. Natatakam ako habang nakatingin dito dahil ang sasarap tingnan. Sheyt!

"Hindi, si K-kurt ang nag order niyan. At para daw sa atin..libre niya daw" Aniya sakin

Agad na laglag ang aking panga ng marinig ang sinabi ni Drake. S-si Kurt?! Si kurt nag order nito! At ano yung sabi ni Drake?

LIBRE!??? NI KURT!

Nakng Kalabaw! Seryoso ba siya dyan? Bakit nanglilibre ang lalaki na yun? End of the world na ba?!

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now