RTS24

97 4 16
                                    

Hello sa mga nagbabasa hehe. Akala ko hindi ko matatapos eto. Mabuti naman at nakaraos lol, natapos ko na kasi ang I am not a robot kaya nainspire si ateng niyo xD.

Enjoy reading!

Kurt POV..
"T-teka! Kilala kita ah.. ikaw si Yohan!"

"Oh! Its you Yam, hindi kita napansin dyan. Nandito ka pala, hi kamusta?" Sabi ng mokong

Anong hindi napansin!? Pinagloloko niya ba kami. Eh nakakakita nga siya ng mga multo tapos hindi niya alam na nakaupo si Yam. Tss! Napakasinungaling nang kumag. Ano ba ang pakay nito! Magpapansin!?

"T-teka! Teka! Sino ka? At n-nakikita mo si yam?!" Sambit ni edward

"Heheh hindi ko alam na may nakaupo na pala dito sa upuan kaya, aalis na lang ako." Sabi nito tsaka walang sabi sabi umalis sa Bh cafe.

"Huh? Ang weird niya ha. Sino yun?" Sabi naman ni Lee habang nakatingin pa rin sa pinto na kung saan nakalabas ang mokong.

Hindi ko alam kung coincidence lang ba na nandito ang lalaki na yun kanina or sinadya niya talaga magtagpo ang mga landas namin dito.

But one things for sure, may nararamdaman ako na kakaiba sa kanya.

"Kurt, kilala mo ba yun? Tsaka bakit kilala niya si Yam?"  Tanong ni Mikael

"Tsk. Kilala ni Yam pero hindi ko kilala." Sabi ko tsaka tumingin sa pwesto ni Yam. Nag peace sign lang ang pasaway na babaeng multo habang nakatingin ako sa kanya.

"He is Yohan Mesterio, fourth year student sa Boyce High." Sambit bigla ni Drake. At dahil sa sinabi niya agad kami napatingin sa kanyang direksyon.

"Huwat! Seryoso ang apelyido niya, mesterio talaga! Hahah kakaiba ha, pero bagay sa kanya." Komento ni Lee

"Mesterio? His surname seems quiet familiar, I think I heard of it before. Hmm.." sabi naman ni macky

Nang sinabi ni Drake ang buong pangalan ng mokong na yun, mas napatunayan ko na parang walang magandang dulot ang lalaki na yun. Kita niyo naman pangalan pa lang kahina hinala na. Tsk!

"Ang cool ng apelyido ni Yohan. Heheh amazing." Sabi naman ni yam.

"Anong amazing!? Ang panget ng apelyido niya Yam, kasing panget niya." Sabi ko

"Ay grabe ka naman Kurt, kay yohan. Naku ikaw ha, wag maging pintas sa kapwa." Sabi niya pa.

Nainis ako sa sinabi ni Yam, dahil sa pagpuri niya sa apelyido ng lalaki na yun. Tsk! Dapat hindi siya basta basta mamangha dun dahil baka masamang tao yun or loko loko.  Ang innocente talaga minsan ng multo na tu!

"Kurt, paano nagkakilala si Yohan at Yam? " Tanong ni drake bigla sa akin.

"Psh! Nagkita sila sa park sa amin subdivision. Ewan ko nga ba kung bakit nandun ang lalaki na yun. " Sabi ko

"Ouh, magkapit bahay siguro kayo." Sabi ni edward

"Malay ko. Eh hindi ko naman iyon nakikita sa subdivision namin." Sabi ko

"Pfft! Kung makapag sabi ka naman kurt, na hindi mo siya nakikita eh hindi ka naman din masyado lumalabas. Heheh" sabi ni yam

At dahil sa sinabi niya mas lalo ko siyang binigyan ng masamang tingin. Kaya naman agad na tumahimik si Yam at nag action na zinizipper ang bibig.

"Hmm.. could it be ang reason sa pagpunta ni Yohan dito kanina ay dahil kay Yam?"

"Huh? Sa akin? Ano naman ang kailangan ni Yohan sa akin?" Sabi ni Yam

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now