RTS46

53 1 5
                                    

Short update for now. Counting the chapters till epilogue ^^

Enjoy reading!

Lee POv..
Inikot ko ang aking tinidor sa noodles ko tsaka kinain yun, pero habang ginagawa ko iyon hindi ko maiwasan hindi mailang sa napapanood ko sa harapan.

"Yam, bakit ba ayaw mo makinig sa akin? Diba sabi ko sayo para eto sa-" naputol ang pagsasalita ni Kurt dahil mukhang nagsalita si Yam.

"Intindihin mo ang sitwasyon yam! Bakit ba ayaw mo makinig sa akin?!" Sambit ni kurt tsaka napakamot sa kanyang ulo

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kanina pa eto si Kurt at yam na nagtatalo. At nakakailang lang sila panoorin, lalo na si Kurt kung hindi ko lang alam ang sitwasyon niya iisipin ko baliw eto, dahil pinagsisigawan ang hangin.

"Kinakailangan mo gawin iyon! Dahil para din eto sa kapakanan mo! Teka saan ka pupunta? Yam, wag mo akong talikuran naguusap pa tayo" sigaw ni kurt na naglalakad patungo sa pinto "Yam, hindi pa tayo tapos! bumalik ka dito! Yam!!"

Mukhang biglang naglaho si Yam. Dahil binuksan ni kurt ang pinto pero agad din eto sinara.

"Ughh! Damn it!" Aniya tsaka umupo sa harapan namin.

Nandito kasi kami sa kwarto nila ni Mikael dahil nagyaya si Mikael na may niluto daw siya na carbonara.

At nang dumating na kami magkakabarkada wala pa si Kurt dito ngunit dumating din iyon ng mga ilang minuto at iyon nga nagsimula na sila magtalo sa hindi namin alam ang dahilan.

Naweweirduhan na talaga ako sa dalawang to eh, dahil noong isang pang araw hindi nagsasalita si Kurt at hindi niya din kinakausap si Yam. Tapos eto ngayon ang nasaksihan namin, ang pagtatalo nila.

Usually kasi hindi tumatagal ang pagtatalo ng dalawang iyon. Dahil laging mag gigive up si Kurt, under na under kay Yam eh. Pero bakit ngayon? Mukhang hindi nagpapatalo si kurt dito.

Ano kaya ang possibleng dahilan?

Mukhang umaandar na naman ang pagiging chismoso ko.

Nakadungo lang si Kurt sa mesa habang natigil kami sa pagkain, lahat kasi kami magkakaibigan nakatingin lang sa kanya. At mukhang naghihintayan kung sino ang magtatanong.

Tumikhim si Mikael kaya mukhang siya ang magsasalita. Ngunit bigla niya ako siniko at pinandilatan ng mata.

Ay pucha! Ako talaga? Akala ko siya na magsasalita. Psh!

Nagtulakan pa kami kung sino ang magsasalita, pero in the end ako ang talo.

Dahil nagsignal siya sa akin kukunin daw niya ang carbonara na kinakain ko

Kaya wala akong choice. Ako ang nagtanong

"Kurt" tawag ko "Uhmm.. hindi sa pagiging chismoso ano, pero ok lang ba kayo ni Yam?"

Hindi inangat ni Kurt ang kanyang ulo kaya pakiramdam ko ayaw niya sumagot sa tanong ko. Kaya naman siniko ulit ako ni Mikael na tanungin ulit.

Kainis naman to ouh!

"Tropa mo kami Kurt. Baka kung sabihin mo ang problema mo may maetutulong kami sayo. Alam mo naman diba na walang iwanan sa atin dito?" Sabi ko

Hinintay namin na magresponse o magsalita man si Kurt sa amin. Pero mukhang wala talaga eh. Kaya napatingin ako sa iba at nagsignal na sila naman ang magtanong.

Medyo nagtalo pa ang mga loko kung sino sunod magtatanong, kaya naman nagulat kami ng inangat ni Kurt ang ulo niya at walang buhay nagsalita

"Buhay si Yam."

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now