RTS45

44 1 10
                                    

Akala ko di ko maehabol ang update na eto. Heheh but here its, enjoy Chapter 45 po. Ingat po tayo lahat^^

Enjoy reading!

Kurt POv.
"Kurt, bakit tayo nasa ospital?" Tanong ni yam habang naglalakad kami sa pasilyo ng hospital na kung saan magkikita kami ni cole

"Its a suprise." Sagot ko sa kanya tsaka bahagya na ngumiti.

Nakita ko ang pagkakunot ng noo ni Yam sa sinabi ko. Ramdam ko na may gusto pa siya etanong sa amin kaya agad ko iniwas ang aking paningin.

Kinakabahan ako ngayon araw na eto. Dahil simula nung tumawag si Cole sa akin at sinabi ang matinding impormasyon..

Hindi ko na alam kung ano ang maramdaman.

Oo, natutuwa ako sa balita na buhay si Yam. Kahit sabi ni Cole na under comatose nga lang. Pero nandun din ang kaba at takot dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito.

Parang kailan lang winish ko pa sa shooting star kuno eto tapos agad agad natupad. Grabe! Di man lang ako pinaghanda.

"Cole!" Tawag ko sa akin kapatid na nakaupo sa lobby ng hospital.

Agad siyang tumayo tsaka lumapit sa akin.

"Is Yam with you?" Tanong niya sa akin

Isang tango lang ang isinagot ko dahil nga sa kaba na dito sa dibdib ko.

"Did you tell her already?" Umiling naman ako sa tinanong ni cole.

"I see, but you should really tell her now. Since we are gonna go to-"

"Mamaya na." Putol ko "Sasabihin ko sa kanya kapag malapit na tayo dun."

"Kurt, pinaguusapan niyo ba ako ni Cole? Bakit? Anong meron?"

Nagpakawala lang ako ng malalim na buntong hininga bago siya hinarap "Later, sasabihin ko sayo."

At laking pasalamat ko at hind na ako kinulit ni Yam tungkol dun.

Sinabihan ko agad si Cole na lumakad na kami para matapos na ang araw na eto. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko dahil may possibilidad eto na ang huling araw maghihiwalay kami ni Yam.

And just thinking about it makes me feel weak to the bones.

Sumakay na kami sa elevator na magtutungo sa ICU ng hospital na eto. Sinabi na sa akin ni Cole kagabi na nasa ICU daw ang katawan ni Yam at mahigit apat na taon na iyon nandun.

Hanggang dun pa lang ang nalalaman ko dahil gulat na gulat pa rin ako malaman na hindi pa patay si Yam.

Nasa floor na kami kung saan matatagpuan ang ICU na mga kwarto ng hospital na eto, nang mapagdesisyunan ko oras na para sabihin kay Yam.

"Cole, mauna ka na dun. Maguusap muna kami." Sabi ko sa kapatid ko na nasa unahan ko.

Tumango lang eto sa akin tsaka iniwan ako kasama si Yam.

Pumunta kami ni Yam sa medyo dulo bahagi ng hallway na eto para malaya makipag usap, wala kasing masyado tao dumadaan dito.

Alam ko na kanina lang kating kati si Yam na tanungin ako sa pakay namin dito kaya ng tumigil kami, hindi na napigilan ni Yam na magtanong.

"Kurt, ano ba talaga ang nangyayari? Bakit tayo nasa hospital? Kinakabahan ako sa iyo eh. Parang may mangyayari sa akin." Sabi ni yam

Inangat ko ang aking paningin tsaka sinalubong ang kanya at humugot ng malakas para sumagot "Yam, nandito tayo sa ospital na eto dahil bibisitahin natin ang katawan mo."

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now