RTS36

47 4 11
                                    

Grabe yung mga nangyayari ngayon, kaya naman, I hope all of you are safe and sound. 🙏😊 Let's all  pray and have faith in our Almighty God na malalampasan din natin ang pagsubok na to ^__^

Enjoy Reading!

Kurt POV
I drummed my index fingers impatiently while sitting here in Bh cafe, kaharap ang epal na Edward na eto, kating kati na ang katawan ko na tumayo at hanapin si Yam. Pero hindi ko magawa dahil namimilit talaga ang isang to na magusap kami!

"T-thanks for agreeing, in talking to me kurt. Kahit na.. may gagawin ka s-sana." Ani ni edward sa akin na may halong kaba sa boses.

Geez! Parang kanina lang ang tapang tapang niya pigilan ako, may nalalaman pa siya na 'I dont care, I dont care' tapos ngayon hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

I rolled my eyes first bago nagsalita sa kanya "Ano ba ang kailangan mo? Dali sabihin mo na, at may gagawin pa ako."

Nakita ko na parang nagdadalawang isip siya if magsasalita ba siya sa akin. Nakikita ko na paurong sulong siya sa ginagawa. Magsasalita pero biglang babawiin.

Ilang segundo niya yan ginagawa at naiinip na ako. Fuck!

"Edward, just spit it out would you! Alam ko naman kung anong sasabihin mo, pero ayaw kita pangunahan! So just say what you are about to say, damn it!"

And because of what I said, Edward gave out a loud sigh "Fine! Magsasalita na."

Thank goodness, magsasalita na din siya!

"Kurt, alam mo naman na isa ka sa mga tao na malapit sa akin, our group though just met a couple of months ago, alam ko espesyal na ang turingan natin sa isat isa. We are practically like brothers, from another mother. Kahit nag aasaran tayo at nagkakapikunan. And in your case, binablackmail pa kami. " Ani ni Edward sa akin.

Napakunot ang aking noo sa mga pinagsasabi ni edward. Saan ba patungo ang pinagsasabi ng lalaking to?

"And your point...is?"

"My point kurt is that, since we treat each other like brothers we must also repect each other relationship to different people"

"Relationship...to different people? " ulit ko sabi kay edward

Tumango siya ng dahan dahan sa akin sinabi. Hindi ako nagsalita at maging siya din..Tsaka biglang namayani ang saglit na katahimikan sa amin.

"Hmm..what about it?" Ani ko ng di na matiis.

Biglang nagpakawala si Edward ng buntong hininga "Kurt, akala ko ba alam mo na ang aking sasabihin. Bakit tinatanong mo pa ako?"

"Gusto ko ikaw magsabi, diba nga yan yung pakay mo kung bakit niyaya mo ako dito?" Sabi ko "Kung ako magsasabi eh bakit pa ako nandito? Eh di nagsasayang lang ako ng oras dba?"

"Ugh! Ok! Ok, ako na ang magsasabi. " sabi ni Edward at ginulo ang kanyang buhok

"Sasabihin mo din naman pala,pinapatagal mo pa. dalian mo na!" Pambihira ang daming arte talaga ang lalaking to.

Tiningnan ako ni Edward ng matalim tapos biglang may sinabi na hindi ko marinig. At may sinasabi pa ang mokong na tu sa akin, harap harapan ha!

"Ano sabi mo?!" Sigaw ko

"Wala! Tss." Sabi niya tsaka ininom ang kape na inorder niya kanina. At nang ibinaba niya iyon agad niya ibinalik ang tingin sa akin.

Binigyan niya ako ng seryoso na titig, na parang tinatakot ako gamit nito. Pero dahil sanay na ako sa mga ganyan na tinginan hindi ako na apektuhan.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now