RTS30

121 6 8
                                    

Hello we are back! With a new cover made by BlueLadyOnze, kyaaah thank thank you talaga hannah para sa cover heheh

Enjoy Reading!

Kurt POV..
"Go! Go! Golden Hawks!!"

"Lets go fight Blue Jays!"

"G to the O! G to the O! Win! Win! Green Orioles!"

"Go! Fight! Win! Red Cardinals!"

Tss.. hindi naman masyadong excited ang mga tao ngayon dito, no? Kung makasigaw ang lakas lakas. Bakit ba ganito na lang kataas ang mga energy nila kapag may ganito na mga kaganapan? Ganito ba talaga kapag Bh olympics parang lahat ng mga tao ay nakavitamins dahil ang hyper hyper nila.

Opening pa nga lang pero parang championship na ang kanilang mga energy. Kagaya nitong katabi ko, kanina pa nagchecheer nang magsimula ang opening program. Tss.. akala siguro ng babaeng multo na eto, dito talaga siya nag aaral eh no?

"Kyaaah!! Go! Go! Go!! Fight! Fight! Fight!!!" Sigaw niya habang tumatalon pa.

"Pst, easy ka nga lang dyan. Para kang timang dyan, ang hyper hyper mo. Eh may team ka ba?" Sabi ko kay yam

"Wala! Pero naeexcite ako sa mga mangyayari ngayon Bh olympics. Heheh alam mo ba gustong gusto ko ang mga ganitong pangyayari! Ang saya saya!" Sabi niya

Kahit hindi mo sabihin, halata naman na nageenjoy ka sa Bh olympics. Mabuti ka pa nag eenjoy sa mga ganitong event. Habang ako naiinip at naiinitan dahil sa dami ng tao!

Expected ko naman madaming tao ang pupunta ngayon, Lalo na kapag school festival ng Boyce High, at eto na nga ang Bh olympics. Hindi kasi basta basta open sa public ang Bh, kaya naman ang Bh olympics lang ang tanging chansa ng mga ibang tao upang makapasok sa paaralan namin.

At dahil isang taon lang nagbubukas ang Boyce high sa publiko, ang dami agad kukunin ang opportunity na eto.  Kaya naman dahil sa dami ng tao, limitado na ang oxygen! Tss.

At isa din sa dahilan na hindi ko kaya mag enjoy ngayon, because of that bastard na team leader namin! Psh! Kung hindi niya lang sana ako inassign sa pesteng waterboy na yan, kanina pa ako natulog sa kwarto ko eh!

"Ouh! Ano na naman mukha na yan? Bakit nakasimangot ka kurt ? Hehe" sabi ni yam

"Gusto ko ng umalis dito. Ang init init!"

"Huh!? Pero ang saya saya pa ng opening program kurt, mamaya na lang tayo umalis. Sige na.. pleaseee" sabi ni yam tsaka hinila hila ang damit ko

Ugh! Eto talagang babaeng to, ang hilig hilig sa mga ganitong pangyayari. Pasalamat siya at malakas siya sa a-I mean malaki ang naetutulong ni Yam sa akin kaya hahayaan ko siya ngayon sa kanyang gusto. At kahit bagot na bagot na ako hindi ko din siya pwedeng iwan, dahil sa dami ng tao baka makasalubong niya ang Kumag na Mesterio na yun! Mahirap na bigla bigla pa naman yun sumusulpot na parang kabute.

"Oo na, mamaya na aalis. At wag mo ngang guluhin ang damit ko. Mamaya niyan may makapansin na gumagalaw iyon ng walang tao." Sabi ko

At dahil sa sinabi ko agad sumaya si Yam at ibinalik ang attensyon sa harap. As for me I cant help myself to Yawn..

"Kailan ba matatapos ang opening program na-"

"Omo! Omo! Kyaaah, dba ikaw si Kurt? Aka Karma!". Singit ng isang babae sa akin gilid.

Agad naman ako napatingin sa nagsalita at nagulat ng makita ko ang isang grupo ng mga babaeng esyudyante. Hindi ko sila kilala, pero it looks like they know me?

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now