RTS42

42 1 2
                                    

Ang chapter na eto ay naenjoyan ko esulat lol. Sa sobrang enjoy ang haba na pala, sori ^^

Enjoy reading!

Kurt POV..
"Mamimiss ko kayo mga tol!!" Sigaw ni Lee habang papasok sa sasakyan na sumundo sa kanya

Napailing na lang kami ng isigaw niya iyon dahil naririndi na kami sa paulit ulit niyang pagsabi nun.

Simula nung nag abot kami kanina dito sa lobby para makauwi para sa Christmas break, etong si Lee mayat maya sinasabi na mamimiss niya kami.

Nung una ok pa yun, pero ng paulit ulit na..langya! Parang gusto ko kumuha ng tape at takpan ang bibig niya.

Pambihirang lalaki kahit kailan na lang talaga kapag may Vacation break kami ganun na lang ang ginagawa parati. Mabuti na lang talaga at agad na dumating ang sundo niya at hindi na niya kami niyaya mag group hug.

"Mga tol! Ingat kayo palagi. At tandaan mamimi-"

"Ano ba lee! Nandyan ka pa rin?! Umalis ka na, pambihira 3 weeks lang tayo di magkikita kaya wag kang OA." Sigaw ni mikael

At imbes na maoffend ang gagong lee, eh natawa lang ito sa sinabi ni mikael

"Hahaha fine fine! Aalis na, ouh siya mga panget see you next year. Wag masyado mamiss ang kagwapuhan ko ha." Sambit nito at tuluyan na pumasok sa kotse niya at umalis.

Hindi din naman nagtagal may isang huminto na Blue Ford Ranger sa harapan namin, na napakapamilyar iyon sa akin.

"Kuya!" Bati ng kapatid ko na nakashades ng ibinaba niya ang bintana sa frontseat.

"Ge, una na ako sa inyo." Paalam ko kina Mikael, Edward at Drake.

Tumango lang sila sa akin habang pumasok na ako sasakyan.

At sa pagpasok ko nakita ko na ang kapatid ko lang at ang driver ang sumundo sa akin ngayon.

"Sina mama ?" Tanong ko kay cole na nasa harapan nakaupo at naglalaro ng mobile game.

"At home, preparing for Lolo Gelo's death anniversary dinner."

"Death anniversary ng lolo mo kurt? Yung picture sa hallway?" Tanong naman ni yam habang nakaupo sa tabi ko

Tumango lang ako sa kayang tanong habang ibinalik ko ang tingin kay Cole. "Nakapunta na ba sila Mama sa cementeryo kanina?"

"Yup, they have visited Lolo already."

"They? Hindi ka sumama?"

"Nope, I overslept. And also I know you are gonna visit so I might as well join you." Sagot ng kapatid ko habang di pa rin tinatagal ang paningin sa cellphone niya.

"Anong oras ka ba gumising at di ka nakasabay kina mama papunta kay lolo?" Tanong ko

"Hmm.. 12pm."

"Pambihira, napaka batugan mo talaga Coleman Alonzo, ibig sabihin mga isang oras kalahati ka pa gising simula kanina? Ano bang ginagawa mo at napuyat ka na naman?"

Bigla ibinaba ng kapatid ko ang cellphone niya tsaka ibinaling ang paningin sa akin tsaka ibinaba ang shades niya nakatakip sa mga mata.

Ouh! Laki ng eyebags ni Coleman, bakit ganun? Araw araw ba siya nagpupuyat?

Gusto ko sana siyang tanungin pero inunahan niya na ako.

"Why dont you answer your question on why I fucking stayed up late at night? " Nung una hindi ko pa naintindihan iyon. Kaya naman binigyan ko siya na naguguluhan na ekspresyon.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now