RTS31

87 5 9
                                    

Haloooo!! I am back its been a long time since nakapag UD. Sorry sa hiatus. Namiss niyo ba si Kurt? Lol

Enjoy reading!

Kurt POV..
Malapit na matapos ang second quarter ng laro. Kaya naman medyo natuwa ako dahil ilang minuto na lang matatapos na ang pagdurusa ko.

Grabe na talaga ang init ng suot ko. At kanina pa din sinasamantala ng g*gong rocco na yun ang pagiging waterboy ko. Abat mayat maya humihingi ng tubig. T*ngin* siya!  Sinamahan pa ng mga goon niya na kung makapagdemand akala mo mga senorito.

Gusto ko na nga minsan etapon sa kanilang pagmumukha ang tubig eh. Para makaganti, pero hindi ko na iyon itinuloy,  dahil si Yam na mismo ang gumagawa nun. Mehehe, siya na mismo ang gumaganti sa akin.

Kanina nga eh pinaglaruan niya si Rocco at Allen. Kinalabit niya una si allen kaya inakala nito na si rocco. Tinanggi naman iyon ni rocco, pero di nagtagal si rocco naman ang ikinalabit ni yam. Kaya akala nito si Allen. At dahil sabi ni allen hindi siya, nainis eto at muntikan pa sila nag away hahaha. Nakakatawa talaga ang pangyayari na iyon.

"Kurt, tanggalin mo muna yang suot mo. At magpunas ng pawis." Sabi ni yam.

Agad ko naman iyon sinunod, tinanggal ko muna ang suot ko, tsaka nagpunas. At habang ginagawa ko iyon agad naman umihip si yam patungo sa akin para sa isang malamig na hangin.

Ang sarap ng hangin. Mabuti na lang nandito si Yam, dahil para siyang isang portable na aircon dahil sa dala niyang lamig na hangin. Mehehe hindi ko aakalain na may pagkakataon na magugustuhan ko maramdaman ang lamig na dala ni yam.

"Kurt, magpalit ka kaya muna ng damit. Kasi baka basang basa na yan suot mo na damit. At dahil dyan maging dahilan pa yan ng pagkasakit mo." Sabi ni yam.

"Nah, wag na. Baka mamaya magalit ang adik na team leader namin dahil nawala ako dito. Yun pa maging dahilan na maparusahan ako." Sabi ko sa kanya habang nakaduko para hindi halata na may kausap ako.

"Pero baka magkasakit ka. Uwaaa, ayoko nga na mapahamak ka pero magkakasakit ka naman. Huhuhu sorry talaga kurt!" Sabi ni yam na nalulungkot.

"Mehehe oi wag ka ngang magdrama dyan. Ok lang ako, tsaka wag kang mag alala hindi ako magkakasakit. " Sabi ko tsaka agad na nagbihis ulit sa suot ko na mascot costume.

Gusto pa sana umangal ni yam pero bigla akong tinawag ni Rocco para humingi ulit ng tubig. Tss.

"Ano ba yan, waterboy na nga lang hindi mo pa magawa ng ayos!" Sabi ni rocco ng ebinigay ko sa kanya ang tubig.

Hindi na lang ako nagsalita, hinayaan ko siya na pagsalitaan ako ng ganyan. Dahil sa request ni Yam na maging mabait ako hanggat matapos ang Bh olympics na eto.

At nang bumalik na ako sa aking pwesto nakita ko na wala na dun si Yam. Saan kaya pumunta ang babaeng yun?

Inilibot ko ang aking mga mata upang hanapin siya, pero hindi ko siya makita.. hanggang..

"Oh! What happened to Rocco Dela Victoria? Heheh he just suddenly kiss the floor. Hahah pagod na ba si Rocco?" Sabi ng announcer.

Nakuha ang atensyon ko sa sinabi ng announcer kaya naman tumingin ako kay Rocco at laking gulat na makita na nakadapa na siya sa sahig ng basketball court.

Pffft! Wahahaha

Hindi ko napigilan matawa dahil, halatang naiinis siya. Eh nakita ba naman ng lahat ng manonood ang pagka dapa niya ng walang dahilan. Hahaha halatang nagtataka si Rocco kung paano nangyari iyon, pero alam ko naman kung sino ang may gawa nun.

Mehehe kulit talaga ni Yam..

Di nagtagal natapos din ang laro, nanalo kami. Sa kasamaan palad. Kaya naman magpapatuloy ako sa pagiging waterboy sa g*go na yun.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Where stories live. Discover now