Prologue

4.1K 122 56
                                    

Year 2071
March 27, 7:32 am

Minulat ko ang aking mga mata at dali-daling bumangon para kunin ang phone ko sa itaas ng ref.

This era was a total mess. Nasa sivilized state na nga kami and all of the technologies were enhanced but the people are still greedy. They want more possesions in life.

Unti-unti ng numinipis ang pollution sa labas dahil noong nakaraang limang taon ay nakaimbento na ng mga puno na machine-style na nagcoconvert ng kahit anong elements into oxygen. And that was a great invention of the biggest company in the world, The PYTRO.

Umunlad ang kumpanya nila nang makadiskubre sila ng gamot sa isang pandemic virus na nakapagligtas sa buong mundo. Punung-puno ng imbensyon ang kumpanya nila, at sobrang nakakamangha.

Bumalik ako sa kama at muling humiga. Nakakaantok pa talaga kapag bakasyon at lagi lang na nasa loob ng bahay! Kulang na lang tubuan ako ng ugat dito sa kama at maging halaman eh.

Pinindot ko ng dalawang beses ang micro-chip ko na pwede na ring tawaging cellphone dahil enhanced type na itong micro-chip.

Matapos kong pindutin ay lumabas ang mga hologram sa hangin. Noong una hindi pa ako masyadong makapaniwala na naimbento nila ang ganitong mga technologies but, it's possible. Akala ko sa mga movies ko na lang mapapanood ang mga ganiyan pero hindi eh. Naimbento na nila kaya wala ng atrasan.

'You have a new message from Tatsumi'

Nagulat ako ng biglang magmessage sa akin si crush omg! Nagtatatalon pa ako sa kama bago ko pindutin sa hangin yung window ng hologram na may message ni Tatsumi.

"Maglaro ka mamaya. 2:00pm onwards. Basta wag kang malelate. Kita na lang tayo sa T-L."

Seryoso niyang banggit sa message. Kakaiba na rin kasi ang way of messaging ngayon. Nagaappear na yung mukha ng isang tao sa hologram at doon siya nagsasalita. At first, it was cool. Pero medyo creepy kasi kapag ibang tao nagmemessage sa'yo tapos hindi mo kilala hehe. Medyo nakakatakot lang.

'In 5 minutes, the alarm from your mom will activate. Dismiss now?'

Agad kong pinindot ang dismiss button at ayaw kong marinig ang bulyaw ni mommy. Kakashookt kaya! Damang-dama mo yung sigaw na 'Gumising ka naaaaaa!!!' hanggang sa loob ng buto mo manunuot talaga 'yong takot eh. Tatagal pa talaga ng 20 seconds 'yong alarm kaya talagang mapapabalikwas ka ng bangon.

'Shutdown? Yes or No'

'Yes'

'Shutting down..'

Bumaba na ako sa kama at inayos muna ang aking higaan bago pumunta sa kusina. Sabado naman ngayon kaya kakain na lang ako tapos magseselpon ulit. Mamaya pa namang 2:00 pm ako maglalaro ng Techno-Life eh. Ibig sabihin mamaya ko pa makikita si crush? Hays bakit kasi mamayang hapon pa pwede namang ngayon na eh! Chareng.

Nakapunta na akong kusina at nakita si mommy at si daddy along with my two older brothers na kumakain na sa dining table. And yep, ako yung bunso at nagiisang anak na babae.

"Kain na Yumi-san." Banggit ni kuya. Or maybe, we can call him in his japanese name, Yanagai onii-chan. Ang isa kong kuya na nagtatrabaho as a part of PYTRO inventions. And we are always proud him. Idol ko siya sa lahat ng bagay.

And yep. I am Yumi. Rei Yumi. We are required na gamitin palagi ang First name namin dahil iyon ang utos ng aming napakabait na tatay. Si daddy Takane.

Suportado naman nila ang paglalaro ko ng techno-life dahil hanggat hindi ko raw napapabayaan ang sarili ko, papayag daw sila na maglaro lang ako.

Umupo ako sa isang vacant seat, katabi pa ng isa kong kuya, Si Yatamuri oniichan. Pero palagi niya akong inaasar na tawagin ko siyang 'senpai' dahil palagi niya akong natatalo sa mga laro na nilalaro namin. Yatamuri oniichan is 5 years older than me. I am 17, and he's 22. Galing ko sa math shems. Bongga!

Masarap ang ulam namin ngayon ah. Siguro nainspire na naman si mommy Akemi na magluto dahil kung ano-anong recipe ang pinagaaralan niya. Atleast nakakakain kami ng healthy diba?

"Maglalaro ka ba mamaya? Sama ako hehe." Sabi ni kuya yatamuri.

"Wag na! Bwi-bwisitin mo lang ako para maglog-out ako kaagad eh." Sabi ko. Humagikgik naman siya na parang plano talagang inisin ako! Grrrr!

"Oh sige samahan mo na lang akong iclear ang isang mission. Promise di kita iinisin hahahaha." ani niya pa. Ansarap talagang sipain sa mukha itong si kuya eh. Papahirapan na naman ako.

"K. Pagkatapos ko kumain." sabi ko.

"Pano ba 'yan? Tapos na akong kumain. Pumunta ka na lang sa Town of Jen. Doon kita imimeet." Sabi niya.

"Sige mom, dad, akyat na po muna ako sa kwarto ko." Sabi niya tsaka tumayo at naglakad papuntang kwarto niya which is katabi lang ng kwarto ko sa second floor.

Minadali ko nang tapusin ang pagkain ko at agad nagpaalam kina mommy. Bwisit kasi yang si kuya Yatamuri paglalaruin pa ako ng maaga. Kayang-kaya niya naman i-clear yung mga missions doon magpapatulong pa siya. Sa adik niyang 'yon pwede na siyang itanghal na best player in Techno-Life, bwisit siya.

Umakyat agad ako ng kwarto at humiga sa kama. Mamaya pa sana ako maglalaro eh!

Kinuha ko na yung micro chip ko at binuhay iyon. Lumabas ulit ang mga hologram sa ere. May notification naman na lumabas na iniinvite daw ako ni Yatamuri-senpai na maglog-in na sa techno-life. Psh.

'Play Techno-Life Now? Yes or No'

'Yes'

'This will take up a few seconds'

'Game generating...'

All of the hologramic windows floating in the air were summoned back inside the chip. And now, the chip is transforming into an eyewear that will provide me to see the virtual world.

'5'

'4'

'3'

'2'

'1'

'Game Started'




Φ¤Φ¤Φ
ᴀ sᴘᴇᴄɪᴀʟ ᴛʜᴀɴᴋs ғᴏʀ ᴛʜᴇ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ ᴡʜᴏ ɪɴsᴘɪʀᴇs ᴍᴇ ᴛᴏ ᴄʀᴇᴀᴛᴇ ᴛʜɪs ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ sᴛᴏʀʏ. ɪ'ʟʟ ᴛʀʏ ᴍʏ ʙᴇsᴛ ᴛᴏ ᴜᴘᴅᴀᴛᴇ ᴀs sᴏᴏɴ ᴀs ᴘᴏssɪʙʟᴇ. ᴘʟᴇᴀsᴇ sᴜᴘᴘᴏʀᴛ ᴍᴇ! ᴀʀɪɢᴀᴛᴏɢᴏuᴢᴀɪᴍᴀsu!

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now