Special Chapter (A K I H I R O)

309 19 0
                                    

May, 2068
7:03 am

Isang pagkatok sa pinto ang marinig ko at kasunod nito ang tunog ng pagbukas ng pinto.

"Master, handa na po ang almusal."

Muli kong ipinikit ang mga mata ko at minulat uli ito.

Walang pagkakaiba.

Kadiliman, kadiliman lang at wala ng iba.

Laging itim ang paligid. Ano kayang itsura ko? Gaano ako katangkad?

"Eto po ang tungkod niyo master." agad akong bumangon sa kama at naramdaman ko ang tungkod kaya agad ko itong kinuha.

"Arigatou, Kishima." sabi ko sa aking personal butler. Kinapa ko ang tsinelas gamit ang aking mga paa na nakalagay lang sa ilalim ng kama at tsaka ito sinuot. Kahit wala akong gamiting tungkod, kabisado ko na naman ang bawat sulok ng mansion. Dahil simula noong naaksidente ako, palagi kong kinakapa ang araw na sisikat kinabukasan.

"Dahan-dahan po sa pagbaba sa hagdan master." muling sambit ni Kishima. Inalalayan niya naman ako sa pagbaba.

Ilang taon na ring ganito ang kalagayan ko. Pero ang totoo, hindi talaga ako ipinanganak na bulag.

Oo, mayaman kami. Kaya kong bumili ng kahit ilang mata pa ang kailangan ko. But I don't want. Natatakot ako. Natatakot akong muling makakita. Natatakot ako sa operasyon. At matagal na akong nakakulong sa kadiliman. Wala na akong rason para makakita pang muli.

Umupo ako sa lamesa at isang libro ang naramdaman ko agad ko itong kinapa. Isang english novel, na mababasa using brailing sytem.

"I bought that book for you, master." aniya. Tinanguhan ko lang siya kahit hindi ko siya nakikita.

I mastered brailing sytem 5 years ago, when I was 12. It was the time that I woke up, and cannot see everything but darkness.

Ang butler ko lang ang kasama ko sa malaking mansion na ito. Bukod sa kaniya, wala ng ibang nakakaalam na bulag na ako. Even my parents. Nagta-trabaho sila outside Japan, that's why, pera lang ang kaya nilang ipadala. Bakit hindi sila bumabalik? Balita ko, may kaniya-kaniya na silang pamilya eh. Pero lagi naman nila akong pinapadalhan ng pera. All thanks to my thrustworty butler. Napakaswerte ko kay Kishima kahit malapit na siyang magsingkwenta.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan Kishima? Naririnig ko paghinga mo. Sabayan mo ako kumain. Bilis." ani ko rito at tinapik-tapik ang lamesa sa may gilid ko. Agad naman siyang umupo rito.

"Salamat po, Master."

Pinagpatuloy ko ang pagkain. Kahit hindi ko nakikita ang kinakain ko ay alam ko namang walang lason 'yan. Alam na ni Kishima ang mga bawal na pagkain sa akin. Sa totoo nga siya na nga yung kinalakihan kong magulang.

"Kishima. Samahan mo ako mamaya sa park. Gusto kong magpahangin." ani ko rito. Agad naman siyang sumang-ayon.

Minadali ko ang pagtapos sa pagkain ko at agad akong tumayo. Naramdaman ko namang inalalayan ako ni Kishima pero sinabi kong kaya ko na. Kabisado ko na ang bahay kahit di ako nakakakita.

Gamit ang tungkod ko ay kinapa ko ang paligid. Bawat tunog na nagagawa ng pagtama ng tungkod ko sa mga bagay ay alam ko kung saan na pupunta. Nakaakyat ako ng hagdan at pumasok sa kwarto ko.

Narinig ko ang pagbukas ng closet ko at mukhang kukuha na si Kishima ng damit na maisusuot ko. Agad din siyang lumabas ng kwarto para makapagsimula na akong magpalit.

Madalang na akong lumabas ng bahay. Masarap lumanghap ng hangin lalo na sa umaga. Hilig ko ang pag-upo sa park. Pakikinig sa mga huni ng ibon, at pahintay sa aking nagiisang kaibigan.

"Akihiro!!!!" sigaw nito at isang mabigat na braso ang umakbay sa akin. Palagi niya 'yang ginagawa kaya't nasanay na rin ang katawan ko.

"Masyado ka naman atang masaya, Yatamuri?" sumbat ko sa kaniya. Tumawa lang siya ng malakas at bumitaw sa pagakbay sa akin.

"You know, kagagaling ko lang sa techno-life pagkatapos kong lampasuhin 'yung kapatid kong babae! HAHAHAHA! And I have good news for you!!" masaya niyang pagkekwento.

Good news na naman. Ngunit iisa lang naman sinasabi niya. Kapag naglaro ako ng Techno-Life na ginawa ng kuya niya, makakakita na ako tulad ng dati, pero sa laro lang.

It's not a bad idea, but if I can really see figures in that game, I rather not. I don't want to get hopes from it.

"I bought these for you!! Tell your butler na tulungan ka niyang iset-up yan!" aniya at isang maliit na kahon ang naramdaman ko sa hita ko. What's this?

"That's a phone, a microchip. Lately, may bagong VRMMO na sumisikat, it's Gleams of Guns. I know your not into robots but, walang lalaking hindi gugustuhin ang barilan ano!" aniya. Ibabalik ko sana sa kaniya ang kahon pero isang sigaw ng babae ang narinig namin.

"Yatamuri Onee-chan! Umuwi ka na raw sabi ni Papa!" sigaw ng isang babae. That must be her younger sister. Such a cute voice. Angelic.

"Well then, See you sa larong 'yon!!" aniya at nakarinig ako ng pagtakbo palayo sa akin.

Wala na akong magagawa. I can't return this to him. Hinipo ko ang kahon na binigay niya at nagulat ako sa naramdaman ko! There's patterns! I can read this using brailing system!!

"Otanjubi Omedetou, Akihiro-kun!" (Happy Birthday, Akihiro!)

"It must be a birthday gift, master. You'll feel guilty if you didn't use it." sambit sa akin ni Kishima na nasa likuran ko. And there's something in my eyes!

It's warm. Umiiyak ba ako? Bakit mainit? Hindi ko gusto 'tong pakiramdam na 'to. I don't want to be happy...

"Be happy, Master Akihiro. Today's your birthday. Maybe, it is a good start." panghihikayat niya. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo gamit ang tungkod ko.

This day, May 9, 2068, the date of my birth, will be the birth of a new person.

"Welcome to Gleams of Guns! Aki! "

Φ¤Φ¤Φ¤Φ

Happy Birthday! Akihiro-kun! Here's a special chapter dedicated to our first hero, Aki!!! And I want to say na kapag may magbibirthday na isang important character, I'll be writing a POV of them! See you soon sa prequel!! I recommend to support my booj Djinn too! You'll love it!❤

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now