Chapter 8: Helio

420 32 16
                                    

April 27, 2071
9: 36 am


Halos isang buwan na ang lumipas. At wala pa ring nakakatapos ng game. Although, malaki ang itinaas ng levels at status namin, every floor boss na natatapos namin, sa susunod na floor, mas malakas na ang mga techno monsters. So we need to be more extra careful.

Afterall, we've managed to reach Floor 26. Almost half of the the game. Everyday, walang tumitigil sa amin na magpalevel. Kahit na, maraming namamatay.

Nung isang araw, may nagcollapse na player sa town, and in just a second, naging pixels na lang ito bigla.

Marami rin kaming naeencounter last month na umiiyak palagi, at makalipas lang ang ilang araw, mawawala na lang sila bigla. Maraming nagsabi ng mga problema ng mga players na 'yon. It's either, nabubuhay sila nang mag-isa, kaya walang magdadala sa kanila sa hospital, or worst, they do not have the amount para maiconfine sa hospital ang player na 'yon.

I wonder, ano kayang nararamdaman ng mga taong naghack sa game na ito? Do they already felt some contentment? Masaya na ba sila? Wala ba silang konsensya? Siguro naman alam nila na mahigit isang libo na ang namatay this past few weeks! Bakit hindi pa rin nila itinitigil 'to?

"Ate Yumi, ayan ka na naman." saad ni Kaori. Nginitian ko lang siya at sinuklay ang dilaw nitong buhok gamit ang aking kamay.

Simula nung napunta sa amin si Kaori, mabilis kaming lumelevel. At mas nakakatipid kami sa potions. At inexplain na rin sa akin ni Aki kung bakit hindi kami pwedeng tumanggap pa ng maraming members na sumali sa party namin. It's because...

Maximum Party Members (4)

Hanggang apat lang ang member na pwedeng masakop. Sa techno life dati, it's unlimited. Kaya napilitan na rin ang ilang players na nagpupumilit na makasali sa party namin, na to grind levels on their own.

Nakaupo kaming apat sa fountain sa gitna ng town. The 26th floor, Helio. From Floor 6, Floor 11, Floor 21 then 26. #Arithmetic

Hindi katulad sa ibang floors na ang mga bahay ay gawa lang sa kahoy, sa floor na ito, para na itong city sa sobrang ganda ng architecture at mga bahay. Gawa sa bato at pati na rin ang sahig sa town na ito'y sementado.

Bigla namang nalaglag ang sword ni Aki sa sahig, napatingin ako sa kaniya at nakatungo lang siya. Tulog na.

Binaling ko naman ang kaniyang katawan sa direksyon ko at pinasandal sa aking balikat. Inaadmit ko na, sa loob ng ilang linggo na dumaan, mas naging close kami sa isa't isa. Longing for our families, inisip na lang namin na we are one family, and that lessen the loneliness.

"Seiko, pulutin mo nga muna yung sword ni Aki." utos ko dito. Bago ito tumayo ay humikab muna ito at pinulot ang sword nito. Medyo nahirapan nga siya at mabigat. Aki is now LVL 43. Kaya ganiyan na lang kalaki at kabigat ang sword niya, pero kapag siya ang may hawak, parang stick lang ang hawak niya dahil parang kayang-kaya niya itong buhatin. No wonder kaya naging fit ng ganito ang katawan niya.

Nakasabit sa likod ni Aki ang shield niya, and it's made up of gold. Nagbago rin ang shape nito, dati, gawa lang sa kahoy na bilog ang shield niya, and now, it looks like a legendary shield.

Tinali ko ang buhok niyang lumalaylay na sa mukha niya. And it's kinda weird dahil kahit sa game, naggogrow ang mga katawan namin.

Lahat ng players dito, kinaclassify kami as top players. Yes, kami lagi ang pumapatay sa mga bosses, pero maraming players din ang tumutulong sa amin, at hindi maiiwasang walang mamamatay.

Death Game: Techno-Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon