Chapter 12: Merged

385 31 0
                                    

April 29, 2071
5 : 03 am

"Did I heard it right?" tanong ni Aki na parang natatawa at naluluha. Napangiti lang ako sa kinatatayuan ko, tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Pakiulit nga, parang hindi ko kasi narinig eh" ani niya habang pinapalo ang kaniyang tenga.

"Ayoko nga, dzUh! Baka hanap-hanapin mo" ani ko. Bigla naman siyang yumuko sabay tumalon ng napagkataas! Jusko po!!

"WOOOOO!!!! YEEEEESSS!!!!" sigaw nito habang nagtatatalon sa tuwa! Jusko magigising yung ibang mga kapitbahay!

"Hoy! Shhh! Hinaan mo boses mo at nagigising yung ibang players!" sigaw ko sa kaniya pero tuloy pa rin siya sa pagtalon. Hays.

"Magpakasal na tayo! Magpakasal na.." natahimik siya at tumigil sa pagtalon. Bakit?

"Anong meron?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya nasagot. Hinampas ko naman yung armor niya at doon siya natauhan.

"Ah- eh ano, Hindi ko kasi alam kung kaya ba nating tapusin 'tong game, Kaya nalungkot ako kung, mangyayari ba 'yon." paliwanag niya.

"So ayaw mo magpakasal?" tanong ko at bigla naman siyang ngumiti. StaaaHhp!

"So gusto mong magpakasal?" tanong niya naman sa akin at naramdaman ko bigla ang init sa mukha ko!! Wrong move Yumi!!!

"A- W-Wala akong sinasabi ha!" sigaw ko sa kaniya. Inaasar niya na lang ako gamit yung tingin niya kaya tinulak ko siya papunta doon sa hair dresser.

"Magpagupit ka na. Mag-grind tayo ng levels mamaya." ani ko sa kaniya habang tinutulak pa rin siya, ayaw niya humakbang!!!

"Wag mo ko itulak, baka mahulog ako sa'yo." aniya. Eto na naman!! Ipapatanggal ko mukha ko para di na mag-init eh!

"Tanga! Alam kong matagal ka ng hulog sa akin." Ani ko

Nang makarating kami sa hairdresser, agad siyang bumati.

"Hello Ma'am and Sir! How can I help you?" maligaya nitong pagbati, almost ng NPC ganiyan, masisigla. Kadalasan sa mga masusungit ay yung mga merchants, nagbebenta ng mga potions, ilang abubot at iba pa.

Matapos niya kaming batiin ay lumitaw sa harap namin ang tab ng mga ino-offer niya. Hindi lang pala paggugupit ang kaya niyang gawin! Pati na rin pagbago ng buhok at ng color ng mga damit! Sugoi!!

Pumili na si Aki ng buhok na gusto niya, binayaran niya 'yon at agad na nagliwanag ang paligid.

Lumitaw ang mga pixels kasama ng liwanag at nagtipon-tipon ito sa buhok ni Aki. Nang mawala ang liwanag ay hindi ko maiwasang hindi mamangha.

"Bagay ba?" tanong niya habang inaayos buhok niya.

"It's awesome." ani ko. Mas bumagay sa kaniya ang buhok niya. Medyo manipis ang gupit sa gilid at medyo may kakapalan sa taas. Bonus pa yung tuwid niyang buhok, mas lalo siyang hahabulin ng mga babae sa gupit niya eh.

"Arigatou." aniya.

Bumili naman siya ng makakain sa palengke habang ako naman ay pumunta sa blacksmith para gawan ng armor si Seiko. Ano kayang magiging reaksyon no'n? Kapag ito hindi niya nagustuhan aba, ipapatapon ko siya sa boss room mag-isa, charot.

"Crafting success!" ani ng blacksmith, yes, NPC rin siya. May lumitaw na tab sa gilid ko at nakita ko ang armor ni Seiko. Napangiti naman ako dahil alam kong magugustuhan niya ito.

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now