Chapter 15: The Last Boss

444 34 6
                                    

May 1, 2079
6 : 24 am

"Ohayou gozaimasu! Mina-san!" Maligayang bati ni Minato sa aming lahat. Agad siyang bumangon sa sahig kung saan sila humiga ni Aki. Yes, sa sahig sila natulog.

Dahil nga natakot na rin si Yakume kay Tatsumi ay dito na rin sila pinatuloy ni Aki, at dahil nga babae itong si Yakume, syempre ampangit tignan kung natutulog sa sahig di'ba?

Kahapon nga ay nakasalubong pa namin si Tatsumi sa Field at nagpupumulit na makipagusap. Muntik niya pa ngang kunin si Yakume but Minato managed to get her back. Mala ninja kasi 'tong si Minato kahit sobrang laki ng weapon na winiwield niya.

At ngayon, ngayong araw namin gustong tapusin ang game. Nasa labas na si Seiko, lumilipad-lipad, para tipunin lahat ng players sa gitna ng town. This is our most awaited moment. This is the day, na makakalabas kami sa game na 'to. At kailangan naming magplano. Nangunguna diyan, si Aki. Kanina pa siya nakatingin sa lamesa at iginuguhit ang kaniyang kamay sa hangin.

"Ate Yumi... kinakabahan ako." bungad sa akin ni Kaori. Sinuklay kong muli ang kaniyang ginintuang buhok.

"Wag kang magalala Kaori, magiging ayos din ang lahat. Makakauwi ka na sa pamilya mo mamaya! Teka? Saan ka nga pala nakatira?"

"Nakatira po ako sa Fukuma Mansion sa may Fukudari District. Pwedeng-pwede po kayo bumisista anytime! Marami po tayong pwedeng gawin sa bahay namin!" saad niya. Nahiya naman ako kasi halata namang mayaman ang dalagang ito.

"Sure! Pupunta ako soon, kapag nakalabas na tayo." sagot ko sa kaniya.

"Ikaw ate Yumi? Saan ka nakatira?" tanong niya sa akin. Naaninag ko naman na tumingin sa akin si Aki. Napangiti ako.

"Kijenshi District, dalaw ka minsan ha?" ani ko sa kaniya. Bumaling naman ang paningin niya kay Aki.

"Ikaw Kuya Aki? Saan ka-"

"Kijenshi District din." sagot niya.

What?! Parehas lang kami ng district pero buong buhay ko, hindi ko siya nakikita!

"Kung parehas lang tayo ng district, bakit hindi kita nakikita?!" asik ko sa kaniya.

"Kakalipat ko lang last year. Di rin ako lumalabas ng bahay." sagot niya. Ano kayang itsura ng bahay niya? Sino kaya mga kasama niya sa bahay? Hay nako, excited na talaga akong maclear itong game!!

Biglang pumasok sa loob si Seiko. Sinasamantala niya talaga 'yung paglipad niya! Grrr!!! Naiinggit ako.

"Handa na ang lahat, may ilan nga lang na matigas ang ulo." saad niya. Dali-daling lunabas ng kwarto si Aki at sumunod naman kami sa kaniya. Pagkalabas namin sa inn ay agad na tumambad ang daan-daang players. Nilagyan kami ng levitation spell ni Seiko kay ayon, bida-bida kami sa lahat ng players.

We managed to stand still kasi nakakahiya diba? Ang daming tao na nakatingin samin tapos nagpapagulong-gulong kami sa ere.

Nagpakita si Aki sa mga tao tsaka siya nagsalita.

"Goodmorning, my co-players. Ngayong araw, ngayong araw natin tatapusin ang game na 'to. All we need to do is to clear this floor boss and defeat the last boss in the 30th Floor." sigaw niya upang marinig siya ng mga tao. Sinundan naman ito ng bulung-bulungan sa ibaba. Maya-maya pa ay may sumigaw na isang lalaki.

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now