Chapter 5: Floor 1

458 39 9
                                    

March 28, 2071
8 :16 am

Lumabas ako ng kwarto at nakita ang iilang mga tao na kumakain sa mga lamesa, at nandoon din sina Seiko at Aki. Mga bwiset? Di nagyayaya?

"Ate Yumi ditoo!" tawag ni Seiko sakin habang nangiti-ngiti. Actually, ngayon ko lang naranasang magafford ng inn kasi hindi naman ako ganon kaadik. At itong inn na ito, para talaga siyang nasa mga ancient times. Yung mga kahoy lang at walls ang magbibigay dito ng vintage vibes. Pati na rin yung mga ilaw, para akong nasa probinsya. Sugoi.

"Ang tagal mong gumising, ayan na umagahan mo." Sabi ni Aki. Kinuha ko naman 'yon at nginitian siya with sarcasm. Malay ko bang ganon pala kasarap matulog sa mga inn?  Tss.

"Sige mga senpai, aalis na ako" paalam ni Seiko.

"Teka saan ka pupunta?" Di niya naman ako sinagot at tumawa lang siya. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa akin ang mga tao na natutulog sa ---sahig???

"Inutusan ko siyang sabihin sa ibang mga players 'yung mga bagong features na natuklasan natin. Look at them, dahil hindi nila alam yung gagawin kahapon, wala silang perang nakuha para makarenta man lang ng isang inn, o maibili man lang ng pagkain." saad ni Aki. anong natuklasan natin? DzuH ikaw lang nakatuklas niyan lahat, nandadamay pa 'to. Pero sige heheheh.

"Good idea. Ngayon mas marami ng tao ang lalakas dahil sa hidden party tab." saad ko at tumango-tango naman siya.

(Party- it simply means, alliance, or parang squad, wherein the party members and the party leader will be compensated equally depending on their loots and experience obtainability. Making a party also boosts EXP gain.)

"Here take this."

Nagulat naman ako ng biglang may isang tab na lumabas sa gilid ko.

'Aki wants to trade with you'
'Accept  |  Decline'

Nacurious naman ako kung anong ibibigay niya so I tapped Accept.

So sa trade tab, once na inaccept mo ang isang trade request, you can either give or recieve-or both at the same time. Merong ganito sa lahat ng Virtual Reality na RPG (Role-Playing Games)

'Aki wants to give you |  Bread (3)  | Health Potions (20) |  Mana  Potions (20)'

'OK  |  Cancel'

"Saan ka nakakuha ng pera? Nasa akin lahat ng pera natin ah? Diba binigay mo sakin para ako nga maghandle ng mga bibilhin?" asik ko sa kaniya pero tinitigan niya lang ako.

"Kung maaga ka lang sana nagising edi sana nakakain kaagad ako, 'diba? Eh kaso tulog-mantika ka. Alas tres ako ng umaga nagigising." saad niya. Anong klaseng tao 'to?? Sobrang aga gumising! Tekaa- 'diba 3:00 am yung devils hour? Tapos 3:00 am siya nagigising? Ibig sabihin ba non-- mahal niya na ako? ChaRhoET.

"So saan nga kayo nakakuha ng pera?" tanong ko sa kaniya ulit tsaka siya bumuntong-hininga.

"Nakakita ako ng ilang quests sa mission board. At yung ilan medyo madali. Kaya isinama ko si Seiko. Now he's LVL 3." sabi niya.

"Bakit hindi niyo ako isinamaaaa??!! Ikaw anong level ka na?!!" tanong ko sa kaniya.

"Level 6." Kaya pala parang gumaganda mga weapons niya!! Though wala namang pagbabago physically, pero masyado ng makintab eh.

"Ang daya niyo naman!! Hindi tuloy ako nakalevel-up! Dapat ginising niyo ako!!"

"Nakalock pinto ng kuwarto mo"

Napabuntong hininga na lang ako. Kapag nasa isang party ka kasi, pare-parehas kayo ng makukuhang EXP depende sa monster na mapapatay niyo. At may designated distance lang para makakuha ka ng ilang compensation. Kahit nasa party ka pa o ikaw pa yung party leader, basta malayo ka sa mga nagga-grind ng levels, walang kang makukuha.

Natapos akong kumain at saktong kababalik lang ni Seiko sa inn na may dala-dalang malaking ngiti.

"Wala ng mga tao sa town. Lahat sila ay pumunta kaagad sa field para magpalevel. Nagthank you sila sakin pero sinabi ko, kapag may nakita silang lalaking kulay itim ang buhok na may blue na mata at babaeng may white na buhok, sila kamo pasalamatan nila hehehe!" namula naman ang mukha ko. Tumingin ako kay Aki at ganon din ang mukha niya. Nakakahiya sheez.

Pagkatapos non ay kinuha kaagad namin ang channeling stone at agad na nagteleport sa Mainre Field. Nung una may mga pixels na pumapaibot sa amin, hanggang sa natakpan na nito ang vision namin at nung mawala ang mga pixels, nasa Mainre Field na kami. and it's SUBARAAAASHIIIIIII!!!!!!  (Great!!!!)

Nakita ko na ang mga tao na nagpapalevel, Yung iba nakikipag-usap pa sa iba at yung iba naman, mga lone wolf. Or gusto nila na nagpapalevel mag-isa. Maraming mga ganiyan sa mga games. Ayaw na ayaw nilang nakikisalamuha sa mga tao.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng may isang tab ang lumabas sa harap ko.

'Akihiro Karasa added you in his friends list.'

Napatingin ako sa kaniya at ganon din si Seiko, but he's looking at the other way. So he trusted us already?

In-add ko rin sila sa friends list ko at sinundan naman ito ng notification na in-add rin ako ni Seiko sa friends list niya.

"Let's go on higher level monsters para mas mabilis EXP." sabi ni Aki. Tumango na lang kami bilang pagsangayon.

Nagsimula akong tumakbo papunta sa mga boar like monsters pero medyo malarobot ang dating. Walang ganito dati sa Techno-Life.

Nagulat naman ako ng biglang nasa harap ko na si Aki at binunggo niya ang isang boar. napaisod naman ang boar na iyon ng ilang meters at mukhang nagalit ito.

"Techno Skill no.2: Reflect!" Sigaw ni Aki at may lumabas sa Shield niya na parang mas malaking form ng shield pero parang glass.

Bigla namang sumugod yung Boar papunta sa direksyon ni Aki. Wala namang ginawa si Aki kundi tumayo lang at nag-abang. Nang tumama ang ulo ng boar sa shield ni Aki ay tumalsik ito paitaas. Woah.

"Techno Skill no.3 : Fire Bolt!" sigaw naman ni Seiko na nasa likod ko at biglang may lumabas sa kahoy niyang hawak na isang bolang apoy at tumama ito sa boar na nasa itaas. Agad naman itong nagdisintegrate into pixels.

"Nice work, Yumi." saad ni Aki. Binigyan ko naman siya ng isang sarcastic na ngiti. Ano ba 'yan wala akong naiitutulong. Bigla namang may kumislap sa kamay ko at lumitaw dito,

'LVL 5'

Agad kong tinignan ang Status points ko. Every RPG has this feature. Where in may lima kang choices kung anong stats ang papalakasin mo. It's either STR (Strength) AGI (Agility) VIT (Vitality) INT (Intellegence) at SPR (Spiritual Power).

Kung ikaw ay sword-shielder, you'll focus on VIT at STR. Kung ikaw naman ay Blader, you'll focus on AGI and STR, kung ikaw naman ay mage, you'll focus on INT and SPR. That's the best option.

Pero it's your choice kung paano mo sila maibabalance. Because we are all strong in the way we wanted to be, Am I right?

Binuksan ko ulit ang skill tab at may isa pa akong skill na hindi mabubuksan.

'Techno Skill no.7: Double Attack'

Woahh.

Natigilan lahat ng tao ng biglang yumanig ang paligid. At lumabas sa langit ang isang malaking screen. What's the meaning of this?

'Techno-Blader accessed. The room of the floor boss is now open.'

At mula sa lupa, biglang lumabas ang isang malaking pinto.

Φ¤Φ¤Φ

Hi guys, please vote and comment! Malaking tulong po iyon sa paglago ng story ko. Recommend this story if you like, Arigatogozaimasu! :)

Death Game: Techno-Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon