Chapter 13: Seized

352 36 2
                                    

April 29, 2071
4 : 21 pm

Akihiro Karasa logged in.

Akihiro's POV

Ilang ulit kong hinanap si Yumi pero wala! Maggagabi na! Saan ba 'yon pumunta?!

"Kuya Aki! Wala rin po siya sa park!" Asik ni Kaori. Sumunod naman si Seiko sa kaniya na sinasamantala ang kapangyarihan niyang lumutang.

"Halos baliktarin ko na 'yung buong palengke pero wala, Aki-senpai." sagot nito.

I have a bad feeling in this situation. Yumi's not the kind of person na aalis na lang kapag gusto! Kung hindi namin siya makita ngayon, hahanapin ko pa rin siya.

Chineck ko ang party tab at nandoon pa rin ang pangalan ni Yumi. I sighed in relief.

Pinauwi ko na sina Kaori at nagpatuloy ako sa paghahanap.

There are pretty few reasons sa pagkawala niya. Una, it's her own choice. Pero sino bang maglalayas kapag may bagong salta na players? Isn't it our job para malaman kung bakit sila namerge sa floor namin?

Pangalawa, She's abducted. Maraming mga players ang naggagalit kay Yumi dahil lagi kaming magkasama, commoners mostly. Pero iisa lang ang prime suspect ko kapag tama ang hypothesis kong ito, it's Tatsumi.

Pangatlo, she died.

Sinampal ko ang sarili ko sa ideyang 'yon. No. It will never happen. And I won't let that happen. Nangako ako na poprotektahan ko siya, but now, she's missing.

Palubog na ang araw pero miski anino niya ay hindi ko pa nakikita. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari. Pero alam kong matapang si Yumi. Mahahanap ko siya.

Φ¤Φ¤Φ¤Φ¤Φ¤Φ¤Φ
5 : 01 pm

Rei Yumi logged in.

Yumi's POV

Minulat ko ang mga mata ko at kadiliman muli ang tumambad sa akin. Sinubukan kong igalaw ang mga braso ko ngunit hindi ko ito maigalaw!

Nakaramdam ako ng lamig. Nagkaroon ako ng pagasa ng maigalaw ko ang mga hita ko pero nakadikit ang mga paa ko! Kinikiskis ko ang mga paa ko at naramdamang nakatali ito.

Naramdaman ko ang lamig ng upuang kinauupuan ko at ang mga kamay ko'y nakatali sa likod ng upuan. Ramdam ko ang buhok ko na lumalaylay sa aking dibdib. Tama nga ako.

Wala akong armor. Wala akong saplot.

Sinubukan kong magchant ng skill pero hindi gumana, may bagay na nakatakip sa bibig ko kaya hindi ako makapagsalita.

Bigla kong naalala yung mga nangyari bago ako mawalan ng malay! May isang lalaki na nagcast ng skill kaya nakatulog ako! And that guy!

It's Tatsumi!!!

"Y-Yumi? Okay ka lang?"

Agad kong isinara ang mga hita ko upang matakpan ang maselang bahagi ng katawan ko. Walanghiya ka Tatsumi! Maigi't wala akong naramdamang sakit sa anumang parte ng katawan ko. Nagpumiglas ako lalo nang marinig ang boses ng isang babae. It's Yakume.

Death Game: Techno-Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon