Chapter 11: Stepping Stone

376 35 3
                                    

April 28, 2071
7:36 am

"Kuyaa!! Kuya Yanagai!!" Sigaw ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naghalu-halo na ang emosyon ko at hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot. I miss them. I miss my family.

"Thank God! You're still alive, Yumi!!!" he said. Kahit nasa cube lang ang boses niya, gustong-gusto ko siyang yakapin!!

"Si Yumi? Nandiyan si Yumi?"

Nakaramdam ako ng panlalambot
ng tuhod nang marinig ko ang malambing na boses na 'yon. Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagbagsak.

"Mama.. Mama, honto-ni gomenasai.." (I am really sorry..) Wala akong masabi sa kanila, I just want to hug them. But I can't. Still, Thanks to this cube, nagconnect ang realworld at virtual world.

"Yumi!!! Yokataa!!!!!" (I'm Glad!!!) narinig ko ang pagcrack ng boses niya kaya mas lalo akong humagulgol.

Sino ba namang anak ang hindi malulungkot kapag nakikita o naririnig niyang umiiyak ang kaniyang sariling ina?

"Kumusta na kayo diyan? Kuya alagaan mo si Mama at papa ha. Si kuya yat-?"

"Kasama mo ba kuya mo?" Kuya Yanagai said.

Wait? Tinatanong niya kung kasama ko si kuya Yatamuri? So that means...

He's also trapped.

My knees collapsed. I don't know what to do, kung nasaang floor ba siya or what? Ang daming thoughts na pumapasok sa utak ko!! What happened? Bakit hindi siya m
nakalog-out?

Inalalayan ako ni Aki para maka-upo sa kama. Walang lakas ang mga tuhod ko ngayon. Nginitian ko lang siya ng pa-impit at tinapik niya naman ako sa balikat.

"Hindi, kuya. Gomen." I said.

"Don't worry, both of your bodies are confined now. But, iba yung condition ng kuya mo, Yumi."

"Anong condition?" tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga.

"As I've observed, lahat ng players na naka-confine dito sa hospital ay may suot na microchips na eyewear. Including you." He said.

"Pero sa kuya mo, wala siyang suot na microchip. Nakita namin siya sa kwarto niya na nakatanggal na ang microchip sa ulo niya. But he's in coma." paliwanag niya. Mas lalo akong napaiyak dahil sa balitang narinig ko.

"How did that happened, kuya? Anong nangyari?" tanong kong muli sa kaniya.

"Tinignan namin ang game console, nakita namin ang mga players na nakalog-out before 2:00 pm, the time that our game was hacked. And in the case of your brother, he logged-out at exactly 2:00 pm."

Nagkatinginan kami ni Aki at mukhang parehas kami ng nabuong conclusion.

"Ibig-sabihin po ba 'non, he's still wandering inside the game?" pagsingit ni Aki.

"Sino ka?!" sigaw ni Kuya kay Aki kaya napaatras ito sa cube.

"Don't worry kuya, I have companions here. Without them, hindi mo na siguro ako nakakausap ngayon." pagpapaliwanag ko.

Death Game: Techno-Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon