Chapter 7: Zeil

403 34 2
                                    

March 31, 2071
8:35 am

It's been hours simula nang macomplete namin ang Floor 1 pero lahat kami ay naguguluhan kung bakit nag-advance kaagad kami sa floor 6 instead of floor 2.

Simula naman nang natalo namin ang boss, dinagsa na kami ng ibang players para isali sila sa party namin. Pero hindi pumayag si Aki.

Nasa loob na kami ng inn, na pinapatakbo din pala ng mga npc or mga programmed na mga tao. Akala ko mga players din sila.

Mas pinili namin kumuha ng isang kwarto na kasya kaming apat, dahil kahit dito sa inn, ang daming dumadagsa sa amin na isama sila sa party.

Ang sabi nila, kapag kasama daw nila kami, mas mataas ang survival rate nila. Mas mataas daw ang chance nila na malakigtas sa game na ito. And that also triggers me. Kaya pumayag din ako na huwag silang isama sa party namin.

People tend to be greedy. Oo, lahat kami ay gustong makaligtas. Pero lahat kami ay may kakayahang gawin 'yon. We have the power, and all we need to do is to cultivate it. Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay may taong tutulong sa'yo. Kailangan mo ring lumago kapag mag-isa ka lang. Kahit na, mas magandang lumakas kapag sama-sama, hindi mo pa rin maaasahan ang hinaharap. Kung anong mangyayari bukas.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapunta sa field dahil sa mga taong nakaharang sa pinto ng kwarto namin. Desididong-desidido talaga silang makasama sa party namin.

"Grrr!!! Gusto ko nang lumevel-up!!!" sigaw ni Seiko sa may gilid habang ako ay nakatayo sa may pinto. Si Kaori naman ay katabi si Aki sa may lamesa. Halos isang araw na rin kami ditong nakakulong at mabuti na lang at may naitagong mga pagkain si Aki.

"Kanina pa ako na-iihi!! Kailan ba sila aalis diyan?!" sigaw na naman ni Seiko. Yes. Kahit na nasa virtual game ka, kahit na hindi totoo ang lahat, makakaramdam ka pa rin ng tawag ng kalikasan.

"Yumi, anong role ng character mo?" nagulat naman ako ng itinanong ni Aki kung anong role ko.

"Ah-- ano, Techno-Blader." sagot ko.

"Eh yung sinasabi mong boyfriend mo? Anong role niya?"

"Techno-Sniper. Bakit mo ba itinatanong?" naiirita kong tanong sa kaniya. Ang tagal na kasi namin dito pero hindi ko pa rin siya nahahanap! Lumabas naman yung mga pangalan namin sa screen sa floor 1 ah?! Bakit hindi niya ako hinanap?!

"Eh yung kuya mo-"

"TECHNO-BLADER DIN!!" galit kong sigaw sa kaniya. Bahagya namang nagulat si Kaori sa gilid nito. Agad akong nagsorry. Nadala lang ng emosyon.

"And that's three." sagot nito, tsaka nag-isip muli. Kapag nagiisip siya ay nakatitig lang siya sa isang direksyon. Ano na naman kayang ginagawa nito.

"Diba sinabi mo sa akin ng isang beses na top player ka?" tanong niyang muli sa akin. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Ilan kayong top players dati sa Techno-Life?" tanong niya ulit habang yung dalawa ay nakikinig lang.

"Sampu." sabi ko.

"Kaya pala familiar ka sakin Ate Yumi, top player ka nga pala" saad naman ni Kaori, so famous ako? Hala. Back off, mamaya na autograph, chareng!

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now