Chapter 4: Upgraded

578 46 11
                                    

March 27, 2071
3 :09 pm

Wala naman akong magagawa kundi sumama doon kay Aki. Baka makasalubong ko sa mga missions sina kuya at Tatsumi kapag sumama ako sa lalaking 'to. Wala namang mawawala 'diba?

And still, that landmines, killed a person. Ibig sabihin, pati 'yung katawan niya sa real world patay na rin? Bakit kasi sila maglalagay ng traps malapit sa spawn point?! Wala talaga silang balak na buhayin kami?

"Hoy, bakit parang ngayon lang kita nakita dito sa Techno Life? Ang tagal ko nang naglalaro dito pero ngayon lang kita nakilala?" tanong ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa paglalakad at pinindot ang tab sa gilid niya.

Lumabas dito ang profile niya at mga items na hindi pa nae-equip. At tulad ng sa akin kanina, basic items pa lang yung nakalagay sa inventory niya.

Lumapit ako sa kaniya at kinuha yung floating tab sa harap niya at sinilip ang profile niya.

'Akihiro Karasa'
'Sword-Shielder'
'Level 1'

"Wooaaah! Sugoii!" Sigaw ko tsaka niya naman kinuha yung tab at clinose ito.

"In that matter, It's been months simula nung tumigil ako sa paglalaro ng mga virtual reality games. Tapos kahapon, I've decided na bilhin itong Techno-Life game. And as you infer, yes. I am a newbie." sagot niya sa akin.

"Wow grabe?? May pafollow-follow me ka pa diyan kanina tapos-- newbie ka lang pala? Wow, medyo nahihiya ako kasi top player ako dito sa game na-"

"But this is now a different game. Kung ipagmamayabang mo sa akin 'yung karanasan mo sa larong 'to, edi bumalik ka sa larong yon, kung kaya mo." pagpuputol niya sa akin. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad kaya sumunod na rin ako. Nagmumukha akong alipin dito eh.

"Akala ko ba matagal ka na rito?" pagputol niya sa katahimikan.

"Oo. Bakit?" sagot ko pero imbis na kausapin ako ay may pinindot ulit siyang tab at in-equip niya 'yung sword at yung shield na nasa inventory niya.

"Matagal ka na rito pero hindi mo napansin na binago lahat ng virus ang mismong game, pati na rin mga features." sabi niya.

Nagulat ako ng bigla niyang pindutin yung sword niya at lumitaw ang tab na 'Level 1'. At ngayon ko lang nakita ang feature na 'yon dahil wala non sa techno life dati.

"Try to unequip your weapon." saad niya kaya inopen ko ang inventory ko.

'Short Sword LVL. 1'
'Unequip'

Pinindot ko sa screen yung Unequip pero may lumabas na warning.

'You cannot unequip weapons.'

Ilang beses ko pang inulit-ulit pero ayaw talaga! Bakit ganito? Walang ganito sa game dati!

"Hindi mo ma-unequip, tama ba ako?" Tumango lang ako bilang pagsangayon.

"Hindi ako sigurado sa bagong feature na ito, pero base sa naobserbahan ko, bawal tayo magunequip ng weapons, pero armors at accessories ay pwede." saad niya.

"Eh paano kung maglevel up na tayo? Ganitong sword pa rin yung gagamitin natin?" tanong ko sa kaniya.

"No. Kung hindi natin ito ma-unequip, that means, permanent na 'to sa katawan natin. And I think, kapag naglevel-up tayo, naglelevel-up din ang mga weapons natin." paliwanag niya. Hindi ko alam pero ang bilis kong naniwala sa kaniya. Maybe sa instincs? Dahil parang lahat ng sinasabi niya ay exact, at based lang iyon sa isang observation? So sharp mo po, Kuya.

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now