Chapter 3: Hacked

628 39 6
                                    

March 27, 2071
2:02 pm

"What in the world is happening!!" Sigaw ni Tatsumi habang pinipindot ng paulit-ulit yung tab ng log-out pero ayaw talagang gumana! Kahit sa akin!

"Mommy!!!!!!!!!" Pagiyak ni Yakume habang nakatakip ang mga kamay nito sa mukha niya.

"Yakume! Wag kang magpanic. Okay. Stay calm, magiging okay din ang lahat." Sabi ko sa kaniya at medyo humina ang paghagul-gol niya.

"Tatsumi, how's the log-out button?" tanong ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng hopeless face.

"Guys naman! This is not the right time to be gloomy! Alam naman nating gumagawa na ng paraan sina Kuya Yanagai at iba pang PYTRO team para matanggal 'tong virus!" Sigaw ko sa kanila pero hinawakan lang ako sa braso ni Tatsumi. His eyes are deep and it's serious. The old Tatsumi that I want to forget.

"Tatsumi..."

"Yumi. There's no way to remove this virus in this game." sabi niya ng diretso sa akin. But why?! Magaling sa computers at sa mga ganitong sitwasyon ang PYTRO team! They can easily remove this virus!

"Yumi. I know you have a lot of trust in your brother Yanagai. But this is a foreign virus." napatulala na lang ako sa mga sinabi niyang salita.

"Remember the 'Gleam of Guns' developed in North America last year?"

Bigla naman akong naguluhan at naalala agad ang balitang iyon na umalingawngaw sa buong mundo. Gleams of Guns is one of the greatest rival of Techno-Life pagdating sa VR games. Pero lahat ng iyon ay bumagsak dahil sa isang virus. At isa lang ang nakaligtas na player sa larong 'yon. Bukod sa kaniya, ang lahat ng players ay namatay. They were hospitalized but suddenly, matapos daw gumising ang isang player, those players under monitoring were found brain dead. 

"So that means.."

"Yes Yumi, this is the end. Dito na tayo mamamatay. "

Chills strucked me. Kanina lang masaya pa ako pero ngayon unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa. Bakit palaging may mga bagay na sumisira sa kasiyahan ko? Hindi ba ako karapat-dapat maging masaya?

I hope naka log-out na si Kuya Yatamuri at nasabi na rin ni Kuya Yanagai ang tungkol dito sa larong ito. Sana lang hindi sila malungkot sa walang kakwenta-kwentang pagkawala ko.

Napatakip kami sa tenga namin ng biglang may umalingaw-ngaw na nakakabinging tunog sa kalangitan. Tumagal ito ng ilang segundo at biglang may lumitaw na hologram at nakalagay dito ang isang lalaking nakamaskara ng puti.

"MAGANDANG HAPON MGA TL PLAYERS." sabi nito at bigla ng umingay ang mga tao.

"Palabasin mo kami dito!"

"Tanggalin mo yung virus!"

Sigaw ng mga tao sa paligid. Alam naman nating hindi gagana iyang ginagawa nila dahil wala ng konsensya ang mga taong iyan. Ngunit sa loob ko, gustung-gusto ko rin sumigaw. Bakit sa lahat ng laro pa, bakit ang pinakamamahal ko pang laro? At una sa lahat, bakit ba nila ginagawa 'to?!

"PASENSYA NA AT HINDI NA KAYO MAKAKALABAS PA DITONG MULI, HAHAHAHAHAHAHAHA!" pagtawa niya na mas nakapagbigay galit sa akin.

"BUT, THERE'S A WAY PARA MAKALABAS KAYO DITO NG BUHAY." sabi niya at nagulat kami ng may dahan-dahang bilugang bagay na lumulutang papunta sa kalangitan. Isa itong bilugang bagay na kung titignan ay napakalaki at alam naming ito'y nasa malayo pa. Isang puting bilog na may ilang nga patusok sa paligid nito. At ilang mga ilan pang bagay na nakalutang sa paligid nito.

"COMPLETE THIS GAME. AND YOU WILL BE FREE. THAT DUNGEON HAS 50 FLOORS. EACH OF THE FLOORS HAS A TOWN TO REST WITH. I WILL BE GIVING YOU THE CHANNELING STONE SO THAT IT WOULD BE EASIER TO GO BACK TO THE PLACES YOU'VE GONE THROUGH, PLEASE CHECK YOUR INVENTORY LATER. AND FROM NOW ON, THAT PLACE IS THE GAME, AND ONCE YOUR HP TURNED ZERO, YOUR BODY IN THE REAL WORLD WILL DIE ALSO. I WILL TELEPORT YOU INSTANTLY TO THE FLOOR 1. GOODLUCK, AND DON'T DIE." after that long explanation, he laughed hard. Bringing us remorse lingering around our hearts. And we only have one goal in our minds. We should finish this game. I want to see my parents again, and for that to happen, we need to survive.

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now