Chapter 9: Shinji

389 38 17
                                    

April 27, 2071
2 : 38 pm

"Ate Yumi, gusto ka niyang kausapin, kanina niya pa kami pinipilit." saad ni Kaori.

Hindi ko namalayan na nakabalik na pala kami sa inn. Ilang beses ko ring naririnig ang pagkalabog ng pinto ng kwarto namin, at nasa likod nito si Aki.

"Yumi please! Lumabas ka dito! Please, Let's talk!" sigaw niya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. I love him. Gusto ko siyang kausapin. But no. Mas lalo lang akong mahihirapan kapag pinilit ko pa ang sarili ko sa kaniya.

"Yumi please! Let's fix this, please... I miss you." napatingala ako sa pinto nang marinig kong nagcrack ang boses niya, pero nakatingin sa akin si Aki.

His eyes, it tells me not to give him another chance.

"Wala pong tao dito!!" sigaw ni Kaori sa may pinto. Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa sa kalagayan ko dito eh. She's the cutest dumb girl I've ever met.

"Yung mga kasama ni Yumi diyan, please convince her. I need to talk to her."

"Tatsumi, stop this nonsense. Diba ako yung mahal mo from the very start? We should rest, napapagod na ako."

Mas lalong umigting ang sakit na nararamdaman ko, so Yakume did that.

She told me that she loves my brother, Yatamuri, to cover-up their relationship huh. Nice.

"Pwede ba Yakume, layuan mo muna ako. Please."

"But hey! You promised me na after natin macomplete yung boss, uulitin natin ulit yung ginagawa natin simula nung nawala si Yumi?"

"Shut up! Yakume! Please go away!!" sigaw ni Tatsumi.

Ohhh. So ganito pala kasama ang sitwasyon ko. I thought, simpleng halikan lang ang nangyari. Nagkamali ako.

"I see." saad ni Aki. Nagulat ako nang buksan niya ang pinto. Dahilan para tumambad sa akin ang wangis ni Tatsumi.

"Yumi, Thank Go-"

Hindi ko nakita ang nangyari, ang alam ko lang ay tumalsik si Tatsumi sa dulo ng inn. Nasira ang ilang lamesa at upuan dahilan upang matigilan ang mga tao sa loob ng inn.

Did Akihiro, punched Tatsumi?

"How dare you punch me?! I'll kill you!!" Sigaw ni Tatsumi at akmang susuntukin si Aki. Hinablot naman ni Aki ang braso nito at sinuntok sa tiyan.

Tumumba sa sahig si Tatsumi habang umuubo at humahabol ng hininga, hindi nakaimik ang mga players sa loob ng inn.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong lakas para pigilan sila. Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Tanging kaya ko lang gawin ngayon ay umiyak.

"So that's how you define manhood. Hitting two birds in one stone? Damn you." asik ni Aki.

"T-This is not your b-business. Get out of the way or you'll regret everything." pagbabanta naman ni Tatsumi. Gustong-gusto ko sila pigilan pero hindi ko magawa. Walang nalabas na boses sa bibig ko para sumigaw. Walang tigil lang na pumapatak ang mga luha ko.

Death Game: Techno-Life (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat