Chapter 2: Game Virus

945 46 8
                                    

Year 2071
March 27, 1:43 pm

Kasalukuyan pa rin kaming nagse-celebrate sa isang mall dito sa Techno-Life. At dahil nabigyan na kami ng kaniya-kaniyang reward, iniwan na kami ni Kuya Yatamuri at dinisband niya na rin ang squad na ginawa namin. Ang isang squad kasi ay parang samahan na kapag may isang player na nakapatay ng isang techno-monster, as long as kasama ka sa squad, makakakuha ka pa rin ng benefits.

Habang kumakain kami ay hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Bakit parang kinakabahan ako? Hindi ako mapakali. Wala namang masakit sa akin, bakit ako nanlalamig?

Nabaling ang atensyon ko nang makita kong tumayo si Tatsumi. Saan naman pupunta 'tong  si crushie?! Mambabae ka ba? Dapat ako lang! Char.

"Uuwi ka na ba? Tatsumi? Tapos ka na bang kumain?" tanong ko pero umiling lang siya.

"Straight Playing. May mission pa ako mamaya." Tipid niya na namang sagot. Kung pera lang ang mga salita siguro ang dami na nitong naiipon. Hayz kainiz ka crush!!

"Sige. Sasamahan na lang kita sa mission mo tutal wala naman akong gagaw--"

"No. Kahit wag na. That mission is confidential para sa isang espesyal na babae sa buhay ko. Or maybe, others call it, a date." paliwanag niya. Pero bakit sakin niya pa kailangan sabihin diba? Bakit kailangan niyang ipagkalandakan? Ang sakit kaya! Porket alam mong crush kita sasaktan mo na ako ng ganito?

"Ahh. Okay. Hehehehe. Sige, may bibilhin pa ako sa banda roon eh, hehehe. Maiwan na muna kita ha. Hehehe." palusot ko. Pero sa totoo lang jusko gusto ko ng maglog-out! 3 years na kitang crush tapos ito ang ipapalit mo sa akin?!

"Just make sure na hindi ka male-late. Remember, 2:00pm onwards." pahabol niya. Ano ba kasing 2:00 pm onwards na yan eh hanggang mamayang gabi na nga ako maglalaro! Broken Hearted na nga ako eh! Lagot sakin lahat ng cybogrs na makikita ko mamaya!! Wawasakin ko silang lahat!!!

"Ano ba yang 2:00 pm onwards na yan?! Kaninang umaga ka pa ah?! Doon ka na lang sa espesyal na babae mo sa buhay kuno mo bahala ka sa buhay mo letse!" sigaw ko pero imbis na magtaka siya kung bakit ako nagagalit ay nginitian niya lang ako. And that was overwhelming. Nawala lahat ng namumuong galit sa akin nang mangyari 'yon.

Tatsumi-kun smiled at me.

"Anong meron sa 2:00 pm onwards?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ako makagalaw ng maayos, palapit siya ng palapit sa akin. Gusto kong tumakbo pero parang ang puso ko na yung nagsasabi na magstay ako.

"Hindi mo na kailangang sumama, Yumi-san." sabi niya ng diretso sa mga mata ko kaya parang halos mapunit na ang puso ko. Edi magsama sila ng babae niya sa buhay niya! Wala na akong pake sa date-date kuno niyo!

Napaiwas nalang ako ng tingin habang pinipigilan ang mga nag-ngingilid na luha sa mga mata ko. Napipigilan ko naman kasi sanay na naman ako eh. Sanay na akong masaktan.

"Hindi mo na kailangang sumama Yumi. You don't have to force yourself to join. Dahil sa simula pa lang, kasama na kita." Sabi niya.

Napatulala ako sa mga sinabi niya. Ibig sabihin, ibig sabihin... ako?

"Oo Yumi. Ikaw. Ikaw ang espesyal na babae sa buhay ko."

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala o hindi makapagsalita at anlakas ng kabog ng dibdib ko. Is this for real? Sana hindi panaginip ito.

Hindi ko maiwasang umiyak at niyakap ko siya ng mahigpit. Totoo nga. Totoo nga ito. Hindi ito isang panaginip. Isa ito sa mga inaasam-asam kong nais mangyari sa buhay ko!!

"Tatsumi naman! Panira ka talaga ng mood-swings ko kahit kailan!" Sabi ko pero tumawa lang siya. Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now