Chapter 6: Boss

455 38 13
                                    

March 30, 2071
7 :27am

It's been two days matapos lumabas yung higanteng pinto sa mainre field, at nagkasundo-sundo ang lahat ng players na wala munang papasok sa boss room hangga't hindi pa level 10.

After two days, nakaabot kami sa mga malalakas na monsters. At medyo nakakapanibago dahil hindi katulad sa Techno-Life dati, sobrang bilis magpalevel dito. Lalong-lalo na kung kumukuha ka ng mga missions.

Akihiro is on LVL.  20, Seiko is LVL 15 and I am LVL 18.

Lumabas ako ng kuwarto at nakita ang mga taong kumakain. May nga nagtatawanan, may mga umiiyak. Dahil katulad ko, gustong-gusto din nilang maka-uwi sa kani-kanilang pamilya. Nakakalungkot isipin, pero hangga't hindi namin natatapos ang larong ito, hindi kami makakalabas.

Agad kong hinanap sina Aki at Seiko. At nandoon sila sa lagi naming inuupuan. May mga pagkain na sa lamesa.

"Alam mo Yumi, lagi kitang ipinagdarasal." paupo palang ako ng matigilan ako sa sinabi ni Aki. Naramdaman ko kaagad ang init sa mukha ko!! Jusko po Looorrd!!! heeeellllllp!! Send Tatsumiii!!!

"Lagi kitang ipinagdarasal na sana gumising ka nang maaga para hindi ako nagmumukhang tatay dito tuwing umaga." nasamid naman sa gilid si Seiko dahil sa katatawa at binigyan ko lang sila ng sarcastic smile.

"Itadakimasu." (Thank you for the food.) sabi ko at agad kong nilafang ang mga biyaya sa lamesa. Kumusta na kaya ang katawan ko sa totoong mundo? I'm sure hospitalized na kaming lahat.

Kapag nasa Virtual Reality Game ka kasi, once na naglogout ka bigla, it's either binunot ng mga magulang mo yung chip, or may nangyayaring masama sayo in the real world.

Paano kaya kung bunutin na lang nila yung chip? Para maka-logout kami?

No. Kapatid ko si Kuya Yanagai. At alam niya ang gagawin niya. Siguro, once na binunot ang chip, parang pinatay na rin kami.

"Ang lalim ata ng iniisip mo, ate Yumi."

"Ang tagal mo naman ata makahanap ng jowa, Seiko." pangaasar ko sa kaniya. Binigyan niya rin ako ng sarcastic smile. Aba may natutunan ang batang ito.

"Bilisan mo na diyan, tatapusin na natin ang Floor 1." Nabitawan ko naman ang kutsara tsaka ako napatitig sa kaniya. Agad nawala ang kaba ko ng makita ko siyang nakangiti. He seems to be confident. And in that moment, I know that we can do it.

"Hai!" (Yes!)

Natapos akong kumain at agad kaming umalis para bumili ng mga supply, potions ganon. Pumunta na rin kami sa blacksmith para iparepair ang mga armor namin na nabili namin kahapon, nakaipon na kasi kami ng maraming gold, so why not?

(Blacksmith- sila yung mga taong gumagawa ng mga armors, accessories, at iba pa.)

Kakalabas lang namin sa blacksmith at maayos na rin ang mga armor namin. Kapansin-pansin din ang growth namin dahil makikita naman ito sa mga hawak naming weapons.

Hindi maiwasan ng nga tao sa paligid namin na tumingin sa amin dahil ang bonggang tignan ng dalawang ito! Sobrang gwapo!

Si Seiko ay may robe na color white at may manipis na armor sa katawan at yung suot niya pa rin dati na pantalon, I think, gawa iyon sa leather. His staff, yeah, staff pala ang tawag sa kahoy na hawak niya dati. Dati mukha lang siyang kahoy, pero ngayon naging copper na ang istura ng staff niya. At kumikintab rin ito kapag tinatamaan ng araw.

Si Aki, ayaw niya na lagi siyang tinitignan ng mga tao kaya may suot siyang robe na color dark blue at mayroong hood. Binili niya rin yung armor na matibay pero magaan, kaya ganon din ang binili ko. Ang mga weapons niya naman, dahil level 20 na siya, kapansin-pansin yung paglaki ng shield niya. I wonder kung mabigat ba yon? And his sword, kumapal ito at nagkaroon ng design sa may hawakan, it's like-- pixels. Basta ang cool tignan.

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now