Chapter 10: Resolve

410 35 6
                                    

April 28, 2071
4 : 32 am

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan kung anong sinabi sakin ni Aki kagabi. Sinubukan ko pa ngang sampalin ang sarili ko kasi baka mamaya panaginip lang pala! Pero hindi!!

Isn't it cruel? If he likes me, tapos lagi ko siyang kinekwentuhan about kay Tatsumi, does it hurt? Anong nararamdaman niya?! Ganoon na ba ako kamanhid para hindi mahalata yung feelings niya? Or ganoon lang siya kagaling magtago?! Either way, alam kong sobrang sakit non.

Hindi pa rin ako nabangon sa higaan ko. Nakatalikod lang ako sa direksyon ni Aki kasi kanina pa siya gising! There are four beds sa kwarto namin. Magkakatabi ito pero may maliit naman na space in between, sa most leftside ako at katabi ko ang pader, sumunod sa akin si Aki, sumunod si Kaori at si Seiko. For the first time! Ngayon lang ako nagising ng maaga! #Achievement

Nagpanggap ulit akong tulog nang marinig ko ang pagbangon ni Aki. Alam kong siya yung bumangon dahil siya lang naman yung sobrang aga gumising sa amin.

Nakarinig naman ako ng ilang mga yapak na pagala-gala sa loob ng kwarto.

"Ohayo, Seiko." (Goodmorning, Seiko ) sambit nito at nakarinig ako ng tunog ng halik. Pero mahina lang 'yon kaya feeling ko sa forehead lang siya. But-- ginagawa niya ba yan palagi?! Daddy figure ang datingan!!

Nakarinig ulit ako ng mga yapak at papalapit ito sa akin.

"Ohayo, Kaori." at tulad kay Seiko, narinig kong hinalikan niya rin ito. Jusko tatay na tatay ang datingan!

This time, may mga yapak na naman na palapit sa akin, kaya umacting ulit ako ng tulog.

Iniharap niya ako sa kaniya kaya tumuwid ang katawan ko. Inayos niya ang mga gulong buhok sa mukha ko at isinabit ito sa tenga ko. I tried my best para magpanggap na tulog, And I think, it's a success.

Nakaramdam ako ng init sa noo ko.

"Aishiteru, Yumi." sambit niya. Pinigilan kong huwag kiligin at mamula sa ginawa niya. I need to maintain my acting!!!

Nakarinig muli ako ng mga yapak at ang pagbukas ng pinto, narinig ko rin ang pagsarado nito. At sa tingin ko, nakaalis na siya.

Bumangon ako kaagad sa kama at hinawakan ang noo ko!!

"OHMYGHAAD!!" mahinang sigaw ko.

"Nice try."

Lumaki ang mga mata ko nang makita ko si Aki na nakatayo sa may pinto na nakangiti. Mas lalo akong namula!! Akala ko lumabas na siya!!!?? Isinara niya yung pinto intentionally?!!

"Alam kong gising ka na kanina pa. Congrats. First time mong maagang gumising." sabi niya.

"Lagi mo bang ginagawa 'yon?! Para kang tatay!" Sigaw ko ng mahina, baka mamaya magising sina Kaori! Bakit ba kasi ang init!!? Umiinit yung panahon myghad!!

"Simula nang makasama natin si Seiko." sagot niya. Jusko ang init pa rin!!

Lumunok naman ako at mukhang wala akong maisagot! Sumenyas na lang ako na umalis na siya at ayoko nang ganitong usapan!!

"Hindi ka ba sasama?" tanong niya. Umiling-iling ako tsaka naman siya tumawa. Cute.

No!!!!!! It's not cute!!! wtf?!!!

Death Game: Techno-Life (Completed)Where stories live. Discover now