1

128 0 0
                                    


Mahilig ako magdrawing noong bata ako. Kahit alam kong pangit, sige pa din ako. Inspiration ko yung mga napapanood kong TV shows noon. Cartoons. Kimpossible, YuGiOh, Danny Phantom, Ben 10, Spongebob, kahit Dora. Ginusto ko noong maging cartoonist. Sa Disney o kung ano pang animations company na gumagawa ng mga ganito. Siguro gawa na din na hilig ko talaga sa mga kwento kwento ng kung ano ano. Pero di ko nakahiligan yung mga novel. Basta libro ayaw ko. Kasi walang picture. Magazine ang binabasa ko noon kasi may drawing sa gilid.

Nakapanood ako dati nun, yung tungkol sa propesyon ng mga animator sa Pilipinas. Nakita ni mama na interesadong interesado ako. Ang sabi niya, "Yan ba ang gusto mo kuya?" Hindi ko siya sinagot ng diretso pero tumango ako. Agad naman niyang sinabi na, "Di ka yayaman diyan, anak."

Hindi ko maintindihan kung bakit sinusukat nating mga tao ang tagumpay ng isang tao sa laki ng sahod, kung magkano ang kaya niyang iambag sa mga reunion, kung nakapundar na ba siya ng bahay at lupa at kotse. Magarang kotse. Bakit kaya natin minamaliit yung ibang mga trabaho o propesyon? Bakit kapag sinabing crew, taga hugas ng pinggan, janitor, taga kolekta ng basura laging may "lang" sa dulo. Di siguro nakatapos kaya naging waiter "lang". Baka naman tamad sa pagaaral kaya naging cashier "lang". Maaga daw nabuntis e, kaya naglabandera na "lang". Ay galing probinsya yan kaya constructiong worker "lang".

Sinong magseserve sayo ng kakainin mo sa restaurant? Kaya mo bang magkwenta ng barya at papel ng sabay sabay sa dami ng taong sunod sunod kung dumating? Napakahirap maglaba. Mas lalong napakahirap buuin ang isang bahay. Bakit natin sinusukat ang halaga ng isang tao sa dami ng kanyang mga narating na bansa, sa dami ng medalya na kanyang natanggap, sa taas ng grado na kanyang nakukuha. Ang lalong nakakalungkot ay makikita natin ito sa ating pamilya.

Mas inaalagaan mabuti yung may mas mataas na sahod na may kasama pang puri na ganito ganyan. Pag ordinaryo lang trabaho mo, di ka papansinin sa family reunion niyo. Pano pa kung wala kang trabaho? Baka hindi ka pa imbitahin kahit pasko.

Alam ko ang pakiramdam kasi naging isa din ako sa ganito. Hindi ako mismo pero ang pamilya ko. Dati, nung buo pa ang pamilya namin, mapapansin mo na laging tuwang tuwa ang mga kamaganak namin pag dumadating ang kami kahit sa anong okasyon o maliit na salo salo. Dahil kung hindi ako nagkakamali, manager si mama sa isang kompanyang pinagttrabahuhan niya noon. Ramdam ko yun kasi nagaaral kaming magkapatid sa mahal na eskwelahan, lahat ng gusto namin nabibigay ora mismo, may sukli pa. Pero nung nagkahiwalay sila, sabay ding natanggal sa trabaho si mama. Mapapansin mo, kahit na sabihin nating bata pa ko nung mga panahong yun, na unti unti nang nawawalan sila ng atensyon o interes samin. Mas pinapansin nila yung iba na may sarili nang condo. Yung tita ko na may asawang vice president ng international company. Yung fresh grad na pinagaagawan daw ng iba't ibang kompanya. Minsan nga nagkayayaan daw silang magpipinsan, hindi daw sinama si mama. Nalaman na lang daw niya nung nagpost na sa social media. Nalungkot ako nung kinwento ni mama yun. Parang may gusto akong gawin pero wala na e, andyan na, tanggapin mo na lang,

Ewan ko pero parang may parte sayo na unti unti mong tatanggapin na ganito tayo e. Ganito tayong mga tao. Pera ang sukatan. Naintindihan ko na kung bakit ako sinabihan ni mama na, "Di ka yayaman dyan, anak," 

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now