7

20 0 0
                                    


Mabilis ako kabahan. O sadyang lagi ako kinakabahan sa lahat ng bagay na bago sakin o bago ko pa lang na gagawin. Naalala ko nun sa tuwing papasok ako sa school, sinusuka ko muna lahat ng kinain ko bago ako sumakay ng service (tricycle) namin. Walang mintis yun. Kada first week ko ng school lagi ako sumusuka bago pumasok. Siguro natatakot ako na mareject ng kaklase, takot ako makisalamuha, takot ako mawala. Mga ganung bagay. Kaya habang tumatanda ako nun, nagisip ako ng paraan para maibsan o mabawasan man lang yung kaba ko. Hirap kasi pumasok ng walang laman ang tyan. E sakto minsan may dala si mama na produkto na tinitinda ng kanilang kompanya. Yung pahabang sinasaksak sa ilong, yung ginagamit pag may sipon ka. Ang tawag ko dati dun mint.

Dala-dala ko yun dati sa tuwing papasok ako. Sa tricycle ko inaamoy yun para kumalma yung mga ugat ko sa katawan. Tuwang tuwa ako nung nagkaroon ako nun. Masaya pa na inaalog alog mo yung parang bola sa loob, nakakawala din ng kaba. Hanggang sa dumating yung araw na nawalan na ito ng amoy. Yung kahit anong singhot ko, kinakabahan pa din ako. Talagang natatapos din ang masasayang araw. Nahihiya naman akong humingi pa kay mama ng ganun kasi dinekwat ko lang naman yun. Buti na lang at may uwi na naman si mama na ibang produkto. Ganun din kaso pinapahid. Nakalagay sa maliit at babasagin na lalagyan. Ang maganda pa nun, madami. Di ko na maalala yung saktong bilang, basta madami. Ayos. Dumekwat ulit ako ng isa para sakin. Mas maganda at mabisa ito kesa yung sinusuksok sa ilong. Pinapahiran ko yung leeg ko para mapigilan yung pagsuka ko. Konti lang sa may ilong kasi mahapdi. Ang pinagkapareho lang nila ay ang pagtawag ko ng mint. Minthol.

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now