6

25 1 0
                                    


Ako yung tipo ng tao na hindi basta basta nagpapatalo. Halimbawa, may drawing contest sa school, binibigay ko yung 100% ko kahit alam ko at nakikita ko na mas magaling sila sakin. Sa chess, pinagaaralan ko kung pano yung magandang opening. Sa basketball, simula hapon hanggang gabi, nageensayo ako.

Umiiyak ako pag natatalo ako. Naalala ko nun pinapunta ako ng kapitbahay namin sa bahay nila para maglaro kami ng NBA sa playstation nila. Natalo ako kahit pa gamay ko yung ginamit kong team at sanay ako sa controls. Umuwi ako nun nang umiiyak. Sabi ni papa sakin, "makikipaglaro ka tapos pag natalo ka iiyak iyak ka." At dahil nga competitive ako, matapos kong umiyak, naglaro ulit ako para mas lalo pa gumaling.

Pero may limitasyonlang ang pagiging competitive ko. Hindi sa lahat ng bagay. Halimbawa, hindi kougali makipagpataasan ng grades sa mga kaklase ko. Hindi ko kasi gusto yun.Ayokong sinusukat ang talino ko sa pagsagot ng quiz o exam. Sa mga bagay naayaw ko gaya ng volleyball, pagluluto, jackstone, pickup sticks, hindi akonakikipagpagalingan.    

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now