11

15 0 0
                                    


Pihikan ako sa pagkain nung bata. Kahit naman ngayon pero hindi na gaano. Ayoko sa mga gulay. Ayoko ng ibang isda pwera lang sa tilapia. Ayoko sa lasa ng pininyahan. Ayoko din nga mga pagkain na may sahog na bayabas.

Ang kinakain ko lang nun sinigang, kare-kare, dinuguan at fried chicken. Kapag hindi yun ang ulam, konti lang ang kinakain ko. Pero syempre dinisiplina ako ng mga magulang ko. Wag daw ako maghanap ng wala at kung may ititira daw akong pagkain sa plato, isasaksak daw yun sa pwet ko. E minsan may ulam na munggo, naisip ko paano to isasaksak sa pwet ko?

Ang hindi ko malilimutan na experience ay yung tulog na sila papa at kapatid ko, kumakain pa din ako. Sabi kasi niya wag daw akong tatayo ng lamesa hangga't di ko daw nauubos yung kinakain ko. E ayokong ayoko yung lasa ng tortang talong. Para kasi sakin parang kadiri yung malalambot na hibla ng talong na kulay green tapos may mga buto pa na maliit na napakadami. Kapag ganun ang ulam hinuhubaran ko para kainin lang yung itlog. Kahit anong remedyo ko ng ketchup para hindi ko malasahan yung talong, wala pa din e. Kaya ang ginawa ko nun, natulog ako sa lamesa hanggang hapon. Nagising na lang ako na nasa hapag pa din kaya yun, kinain ko na lang din yung pagkain na lumamig na tapos bumalik ulit sa pagtulog.

Pero wag kayo magalala, kumakain naman na ko ng mga gulay ngayon at iba't ibang isda. Ayoko lang talaga ang lasa ng pininyahan at mga pagkaing may sahog na bayabas.

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now