5

32 1 0
                                    


Wedding anniversary ng mga magulang ko. Gabi. Aalis kaming tatlo, si mama at kapatid ko. Magcecelebrate kami kaya naisipan namin na magtake out sa fast food na walking distance lang mula sa bahay namin noon. Syempre excited lalo na kami ng kapatid ko. Hanggang sa nagkahamunan kami. Paunahan daw pero patalikod kaming tatakbo hanggang sa makarating dun. Hindi ako nagpatalo. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo patalikod hanggang sa nawalan ako ng kontrol at napahiga ako sa aspaltong lupa. Nakita ko ang itim na kalangitan na pinalalamutian ng ilang bituin. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawa. Kailangan ko ng tulong. May biglang lumapit saming matandang lalaki para alalayan ako sa pagtayo. Doon ko na nalaman na nadislocate ang kanang kamay ko. Nakaangat ang buto ng braso ko.

Ayun. Nauwi ang sanang masaya na wedding anniversary celebration sa ospital kung saan sinementuhan ang braso ko. Sinermonan pa ko ng tatay ko nung kumakain na kami sa fast food galing ospital. Yun ang unang beses na kumain ako gamit lang ang isang kamay. Buti kaliwete ako pero naging mahirap pa din. Sa bawat lumilipas na araw, nararamdaman ko yung kirot ng nabaling buto. Naging mahirap kasi lahat ng gawain ay isang kamay na lang. Ang hirap maligo, kailangan ko ng tulong nila mama. Bawal mabasa yung benda. Ang hirap pumasok sa eskwelahan, nakasukbit yung braso ko sa leeg, para akong may mabigat na medal. Limitado lang ang pwede kong galaw.

Ang sama pa nun, dahil sa aksidente na to, hindi ako nakasali sa liga ng basketball samin (na kung tawagin ay mosquito, di ko din alam kung bakit) kahit pa pasok na ko sa team at nakapagbayad na ng fee. Jersey na lang yung consolation ko. Sobrang lungkot ko nun. Nahihiya akong magpakita sa mga kateam ko kasi di pa nga kami nakakapaglaro, injured na agad ako.

Malaking pagsubok yung mga buwan na pilay ako. Syempre medyo bata pa lang din ako noon, hindi pa ko masyadong sanay harapin ang mga problema. Kasi ang problema ko lang naman noon ay kung paano makakuha ng mataas na grado at syempre kung paano makalabas ng bahay. Sa mga panahong yun, lagi ko tinatanong ang Diyos kung bakit niya ko hinayaan na mapilayan. Maluluha na lang ako nun sa pagkakahiga habang iniisip kung bakit ako nagkaganito. May parte sa akin na gusto ko siya sisihin kasi nga kung mabait siya sa mga tao, bakit ko iniinda yung pagiging baldado? Pakiramdam ko nun wala akong kwenta sa bahay dahil wala akong maitulong.

Natutunan ko na dapatpinahahalagahan natin yung mga bagay na meron tayo at magpasalamat sa kunganong binibigay sa atin. Madalas kasi tayo maghanap ng wala, kung anong kulang.Pero hindi natin nakikita na maswerte tayo, nakakatayo tayo, nakakahinga,nakakadinig, nakakakita. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, maysariling tirahan, nakakapaginternet. Kailangan pa ba natin mawalan bago natinmaisip na marami tayong dapat ipagpasalamat?    

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now