9

22 1 0
                                    


Kwento sakin nila mama, papa, at lola dinala daw ako noon sa ospital noong baby pa ko. Bigla daw bumula ang bibig ko at nagkulay talong daw ang buong katawan ko. Di ko maimagine yung pagkakasabi nila sa kulay ko, basta daw parang violet na nangingitim. Hinihipan daw ni papa ang ilong ko para makahinga ako habang tinatakbo sa ospital.

Pinanganak daw akong mahina ang katawan kaya madalas ako dapuan ng sakit. Ubo, sipon, lagnat. Yun daw yung dahilan kung bakit bumula ang bibig ko. Mataas daw na lagnat sabi nila. Muntik ko na daw ikamatay.

Hindi ko alam kung bakit buhay pa ko. Kung bakit binuhay pa ko. Palagi ko yun natatanong sa tuwing maaalala ko na muntikan na kong mamatay. Siguro may dahilan kung bakit. May dahilan kung bakit kailangan ko pa mabuhay. 

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant