10

22 1 0
                                    


Sobrang kulit ko daw noong bata ako sabi ni papa. Siya kasi lagi namin kasama sa bahay kapag nasa trabaho si mama. Madami daw ako lagi tanong. Kung bakit kailangan ni mama umalis araw-araw. Kung bakit isda ang ulam. Kung bakit kulay blue ang dolphin. Kung bakit hindi ko maabot ang ulap.

May isang pagkakataon pa daw na nalaglag ko yung TV namin sa bahay dahil may inaabot daw ako sa taas nun. Yakap-yakap ko lang daw yung TV na nakabukas pa nang madatnan ako ni papa. Hindi ko na tanda na nagawa ko yun pero bumilib ako sa sarili ko kasi iba ang bigat ng TV noon.

Ang sabi nila ang batang madaming tanong, matalino. Curious daw kasi sila sa lahat ng bagay sa paligid nila. Ibig sabihin mabusisi sila sa mga detalye. Pero hindi ako naniniwala dun. Alam ko na matanong ako pero dahil lang sa kakulitan yun. At alam ko na hindi ako matalino kasi bata pa lang ako, nahihirapan na kong unawain ang mga maliliit na bagay.

Mga 7 years old na ko nung matuto akong magbasa. Dog, cat, carwash, at Doraemon lang kaya kong basahin nun ng diretso. Nahirapan din ako sa mga numero. Naalala ko nun, mga kinder, tinuruan kami ng basic math sa school. Ang ginawa ko lang nung tinuturuan kami naglaro ako ng laruan ko sa klase. Nung nagpaseatwork na yung teacher wala ako maisagot. Na noon, nagtataka ako kung bakit nasasagutan ng mga kaklase ko yung pinapagawa. At natuto lang talaga ako magbasa ng oras nung first year high school ako. May wristwatch ako nun na high-tech, may manual na orasan tapos may digital na oras sa gitna. Syempre yung digital lang tinitingnan ko pag may nagtatanong ng oras. E minsan ang tagal ng service ko dumating. Wala akong ibang magawa kaya inaral ko mabuti kung paano basahin ang orasan. Kasi minsan pag nagtatanong ako sa kaklase ko kung anong oras na ang sasabihin nila "quarter to three," o di kaya naman "past four." Tumatango lang ako na kunwari alam ko sinasabi nila. Ang hirap paniwalaan pero totoo.

Madami pa dinnagsasabi sakin ngayon na matalino daw ako. Na ang bilis ko daw magisip. Na maymga bagay daw sakin na madali lang intindihin. Ang hirap nilang paniwalaan peromukhang totoo.    

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now