14

30 0 0
                                    


Kung kumakain ka o kakain na ngayon, wag mong basahin to. O itigil mo ang pagkain kung gusto mong unahin ang pagbasa mo dito.

Mahilig akong tumae. Syempre biro lang. Ang ibig kong sabihin mabilis akong matae. Siguro natural sakin yun. Mabilis ang panunaw ko. At mahirap ang ganitong kalagayan dahil hindi sa lahat ng pagkakataon lagi ako nasa bahay para makatae ng payapa.

Sabi ni papa hilig ko daw kainin yung sarili kong tae nung baby pa ko. Hindi naman na gagapang ako papuntang inidoro tapos kakainin ko yung tae dun. Syempre yung tae na galing sa diaper ko. Sa kwento ni papa, kapag naiiwan niya daw ako sa cradle, dun ko daw kinakain yung tae ko. Sarap na sarap daw ako sabi niya kasi bilog-bilog. Akala ko daw M&M.

Naalala ko naman nung bata ako, sinama ako ni mama sa palengke. Naalala ko umuulan nun kaya nakakapote ako na kulay orange. Tapos biglang sumama tyan ko. Gusto na talaga lumabas pero may binibili pa si mama. Iyak na ko ng iyak sa kanya nun, nagmamakaawa na umuwi na kami. Hanggang sa di ko na talaga kaya. Nilabas ko na. Tumae ako ng nakatayo. Tumae ako habang nakasuot ang brief at short. Nasa gilid lang ako nung pinagbibilhan ni mama ng isda. Nakita niya na lang ako na pinapahid ko yung taeng dumapo sa binti ko sa sidewalk. Buti na lang at umuulan, ginamit ko yung ulan na naipon sa gilid ng sidewalk para punasan yung tira tirang tae na kumapit sa binti ko. Tinapon ni mama yung nangangamoy na brief at yung short ko sa basurahan. Umuwi kami sakay ng jeep at nararamdaman kong pinapasok ng lamig ang ano ko na tinatakpan ng kapote kong orange.

Isa pang hindi ko malilimutan ay noong grade school ako. Umuulan din. May nagtuturong teacher sa harapan, science ata yun kung hindi ako nagkakamali. Ilang minuto pa may pinagawa siyang seatwork. Hindi ko magawa, hindi ako makapagfocus dala ng tyan ko. Hinayaan ko na lang, sabi ko sa sarili ko di bale nang zero. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para pigilan ang pagtae ko. Nagfocus ako mabuti, inipit ko ang pwet ko para wag lumabas. Nagsimula nang bumutil sa noo ko ang malalamig na pawis. Ayokong mapahiya sa klase, alam kong pagtumae ako dito, mangangamoy sa C.R. Tuloy pa din ang pagpigil ko hanggang may makapansin na kaklase ko, "Bakit ka pawis na pawis?" hanggang sa nagtaka na din ang iba. "Ang lamig lamig ah," sakin na sila nakasentro. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kahit magsalita hindi ko na magawa kakapigil. Sa pagkakaalala ko naging matagumpay ang pagpigil ko. Hinigop ata ng atay ko yung tae.

Hanggang pagtungtong ko ng high school, boy tae pa din ako. Hindi ko eksaktong maalala kung walang teacher nun o break nung nagsumpong yung tyan ko. At kumpara sa mga naging karanasan ko noon, ito ang mas matindi. Tubig na tae. Mahirap pigilin pero sinubukan ko. Kaso parang may umaagos na katas na dumadaloy dahan dahan sa pwet ko. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan. Dali dali akong tumakbo papunta sa C.R. Dahil public school kami, alam kong madumi at mapanghi ang inidoro at kung tatae ako, kita ang paa mo sa labas kaya ang ginawa ko pumunta muna ako sa cubicle na pangihi. Pero putangina, may nakita akong tae sa cubicle na pinasukan ko. Nung mga panahon na yun hindi ko alam kung matatawa ba ko sa nakita ko o ano e. Parang gusto kong gayahin yung ginawa ng kung sino mang gago gumawa nun kaso ang hirap naman ata tumae ng nakatayo? Nangangamoy yung taeng yun, hindi ako makapagisip hanggang sa lumabas na yung malabnaw kong tae sa brief. Nagsisi ako na sana tiniis ko na lang yung amoy ng inidoro kesa matae ako sa sarili kong brief. Ayun, tinapon ko yung brief na may tae-tae sa bodega malapit sa C.R. Ang problema kumapit yung amoy sa pwetang bahagi ng pantalon ko. Kaya pagkatapos ko, hindi muna ako pumasok agad ng room. Nasa labas lang ako, nagaral ako ng di oras.

Ganun pa din sa college. Maganda yung mga C.R. sa napasukan ko, malawak. Kaso kung tuloy tuloy naman ang pumapasok na estudyante, yung iba tumatambay para lang magsuklay, paano ako mapayapang makakatae? Nung mga panahong yun natuklasan ko ang wipes. Ang problema na lang talaga ay ang crowd control. Ayoko naman isara ang buong C.R.

May nagpayo sakin na kaklase ko, na kapag tatae daw ako, dun daw ako sa C.R. ng College of Law. Hanggang sa isang araw, natatae ako. Nagpasama ako sa kaibigan ko na nagpayo sakin na dun tumae, hindi ko kasi kabisado kung paano papunta dun. At totoo nga, walang nagccr sa banyo na yun. Payapa akong nakatae ang ininda ko lang yung mga panahon na yun ay yung sinabi ng kasama ko, "Pre, labas na ko, nangangamoy na e! Hahahaha!"

Kahit na noongnagtrabaho ako. Tumatae ako sa opisina kahit hindi ko pa break. Sinasabi kolang noon na may kukunin lang ako kaso ang tagal ko makabalik. Tapos may isapa. Kaso natatae na ko ngayon. Mamaya na yung iba. Balik ako.    

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now