12

17 0 0
                                    


Tuwang tuwa ako noon kapag paparating na ang summer. Summer break, walang pasok. Walang assignments, walang pag gising ng maaga, walang kailangan kabisaduhin. Yung gigising ka ng kung anong oras mo gustuhin tapos pag gising mo bubuksan mo yung TV. Kapag dating ng hapon pwede ka lumabas ng bahay para makipaglaro ng patintero, tumbang preso, tagu-taguan, minsan basketball. O di kaya naman maglalaro ng Playstation o Gameboy. Tapos tuwing sabado pupunta kami sa pinsan ko, iiwan kami nila mama dun habang namamalengke sila. Kasama ang mga pinsan ko pupunta kami sa videohan. Piso lang isang game hanggang sa mamatay na character mo nun, sulit na sulit. Kapag nagsawa na uuwi kami sa kanila para kumain ng pancit canton.

Isa pa sa inaabangan ko tuwing summer ay ang swimming. Swimming kasama ang pamilya, swimming kasama mga kaopisina ni mama, swimming kasama ang mga ka-amiga ni lola, swimming kasama mga kaibigan ng magulang ko. Mapadagat o swimming pool, mapaisla o falls, hilig ko magtampisaw sa tubig kahit hindi ako marunong lumangoy. Napakasarap kumain pagkaahon. Nakakatuwang humuli ng starfish.

At kapag summer, uso ang galaan. Para maibsan ang init, pumupunta kaming pamilya sa mall. Magiikot ikot lang dun, minsan kapag meron manonood ng sine. Minsan sasakay sa mga rides. Kakain sa fastfood o resto. Kakain ng halo halo.

Pero para sakin,gusto ko yung simple lang. Yung gagala lang kami, maglalakad sa gilid ng ilog. Pupuntasa park na may mga estatwang baka na sinasakyan naming magkapatid taposkukuhaan kami ng litrato. Sasakay sa swing o seesaw. Magpapadulas sa slide.Magrambaras. Magaarkila ng bike. Bibili ng murang version ng halo-halo. Kapag mahanginyung paligid nagpapalipad kami ng saranggola. Kaya wala nang tutumbas pa sa saya mo noongbata ka sa tuwing nalalapit na ang taginit.    

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now