8

21 1 0
                                    


Naranasan ko na makipagaway nung bata ako. Yung talagang suntukan. Hindi ko na maalala kung anong pinagawayan namin. Basta yung nakasuntukan ko na yun kapitbahay lang namin, bata din pero mas malaki yung katawan kasi mataba at mas matanda sakin ng mga dalawang taon ata. Hindi ko na din masyado madetalye kung paano nangyari sa suntukan namin pero ang naalala ko e talagang nahiga ako sa kalsada sa pagkakasapak niya. Tapos malabo yung paningin ko dahil sa mga luha. Pinilit ko pa din tumayo para lumaban. At talagang lumaban ako kahit alam kong hindi ako mananalo. Gusto ko lang iganti yung mga sapak na sinalo ko. Nagtitinginan na lahat ng mga kapitbahay namin saming dalawa pero walang umaawat. Hindi pa din kami tumitigil na umabot pa kami sa tapat ng bahay namin. At buti nung mga araw na yun wala sila mama at papa. Tumigil na lang ata kami nung parehas na din kami napagod.

Hindi tama angpakikipagaway. Kaya simula nun, hindi na ko ulit nakipagaway pa. Sige, iisipinmong nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi na ko nakipagaway pa ulitbuong buhay ko, siguro minsan meron pero hindi na ganun kagrabe. Hangga'tmaaari lumalayo ako sa away. Nakasanayan ko na yun. Iisipin mong duwag ako perohindi naman suntukan ang solusyon. Pero minsan masarap makipagsuntukan, lalo nasa kapatid na walang laban.    

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Where stories live. Discover now