4

48 2 0
                                    


Hindi ako nahilig sa mga materyal na bagay. Siguro panandalian lang oo, nung bata. Kapag nasa mall, may nakita akong magandang laruan, magpapabili ako. At siguro dun na din nagsimula na hindi ako mahilig sa kahit anong bagay kasi tinuruan ako ng magulang ko na hindi lahat ng ituro ko ay magiging akin. Nagkaroon naman ako ng madaming laruan nung bata. Mga bigay pag birthday ko o bigay nung may birthday. Madalas hindi ako naghahangad pa ng lalabis pa dun. Natuto na lang ako makuntento kung ano ang meron sa bahay at kung anong ibigay. Halimbawa nung nauso ang trumpo, bibigyan ako. Tamiya, Beyblade, Crush Gear, yo-yo, binibilan naman ako ng mga yan, lalo na si papa pa ang nangunguna para bilhan ako ng mga ganito.

Masaya na ko kapag nakakanood ako ng TV, nakakapagdrawing, o nabibigyan ng magazine (syempre yung panglalaki, hindi yung Total Girl o Candy magazine) Lagi ko lang pinoproblema nun kung paano ko lagi masusubaybayan yung mga pinapanood ko. Kasi minsan may biglaang lakad kami, o di kaya may project, o kaya naman exam na. Nakakalungkot kapag isang episode lang ang di ko mapanood, feeling ko may hindi na ko alam sa mga napalabas na dragon ni Recca o hindi ko na kilala yung bagong alien ni Ben 10 o kung ilan na bang Pokemon nahuli ni Ash.

Napansin ko kasi sa mga tao ngayon lahat ng nakikita natin sa internet gusto natin lahat mapasakamay. Bagong labas na iPhone, mga bag, damit, sapatos. Hindi naman ako tutol na bilhin mo yung mga bagay na gusto mo o makakapagpasaya sayo. Ang napansin ko lang ay yung hindi na tayo marunong makuntento. Parang hindi na natin alam kung paano tayo sasaya. Kasi sa dami ng pagpipilian, hindi mo na alam kung anong uunahin mo, kung ano talaga ang gusto mo, kung ano talaga ang kailangan mo.

May kilala akong tao na nabibili niya gusto niya. Hindi lang basta kilala, naging kaibigan ko pa talaga. Kaya niyang bumili ng madaming damit, mamahaling sapatos, mga bag na parang isang notebook lang pwede mong ilagay. Parang pasador lang ang cellphone kung magpalit ng bago. May sarili din siyang kotse, at madalas pa ko nalilibre noon sa pagkain. Sa mahal na kainan (kaya tanda ko siya e) Pero sa tuwing matatapos ang araw, alam mong hindi talaga siya masaya, kahit pa sabihin na nating meron na siya lahat, sobra sobra pa. Para daw laging may kulang sa buhay niya na hinahanap niya pa din.

Isa yun sa mganatutunan ko sa buhay. Hindi lahat makukuha mo. Hindi lahat ng gustuhin momapapasayo. Masama pa din ang sobra. Dapat matuto ka makuntento. Dahil kung dika makukuntento, mapapagod kang maghanap ng di mo makita. Kaya ako, kuntento nako sa Nokia na cellphone. Parang brief ko lang kung magpalit ako ng cellphone. Taon.    

Bakit Gusto Mo Na Magpakamatay?Onde histórias criam vida. Descubra agora